Dhane Xiron's POV
"Lalabanan na dapat kasi kayo ng mga alagad ko, kaso agad ko silang pinigilan dahil sa nakita kong logo sa mga kamay ninyo na kumikinang"- pagpapaliwanag ng Higante na nasa harapan naming tatlo.
Tama nga ako, kanina.
Iba nga ang lenggwahe nila kaso itong pinuno (Higante) lang nila siguro ang marunong mag-Tagalog.
Buti naman para mag-ka intindihan kami.
"At ang mga logo na kumikinang ay simbolo lang naman bilang mga tao sa Fartolia, mga Minrus."
Kilala niya kung saan kami galing?
Tinatawag na Fartolia ang bayan namin. At ang mga taong naninirahan doon ay tinatawag na Minrus.
Kami!
Pero mas gusto ko Missionaries. Kasi mga Missionaries na kami sa Fartolia.
Kami na ang ipapadala sa mga misyon kung may nagaganap na kakaiba.
"Hey! How did you kno- este paano mo nalaman na mga Minrus kami? Isa ka bang Minrus? Kung isa ka eh baki-" -pagtatanong ko na ikinasiko ni LG sakin.
Tagalog lang pala ang lenggwaheng nalalaman niya.
"Ako, ang mga alagad ko at ang mga nasasakupan ko ay nakapunta na sa Fartolia. Kami ang alagad ng Fartolia noon, kaya mga Minrus din kami. Kaso, dumating ang panahon na ang Fartolia ay kailangang mabago dahil narin sa mga pangyayaring kakaiba. At dahil dun, yun ang dahilan kung bakit kami nanirahan sa malayo. Malayo sa Fartolia."
Nagka tinginan kaming tatlo nila Glent at LG.
Taliwas to sa nalalaman namin ah!
"What happened?" - nilakihan ko ng mata si Glent.
Hindi nga siya makakaintindi ng English.
Anubayan!
"So what do you mean that- -"
Napatigil sa pagsasalita si Glent ng kinurot ni LG ang tagiliran nito at bumulong ng
'Hindi sya makakaintindi ng English bro' na rinig na rinig ko naman.
Napahalakhak ako ng mahina.
"Ano ba talaga ang nangyari noon?"- istriktong tanong ni Glent.
"Yun na ang nangyari noon. Ah? Bakit nga pala kayo napadito mga bata? Hindi naman siguro kayo pupunta dito kung wala kayong kailangan."
Ako bata? Haha patawa.
Sa gwapo kong ito. Bata?
"Gusto naming humingi ng tulong"- diretsong salaysay ni LG.
"May nangyari sa Fartolia, nawawala ang tatlong espesyal na spell na nagawa ng mga enchantress at sorcerers na mga Minrus at sinasabing-- " Hindi paman tapos sa pagpapaliwanag si Glent ay dumiretso na sa pagsasalita itong Higante.
"Miguella?"
Paano niya nalaman?
Napatango kaming dalawa ni LG. Maliban nalang kay Glent na nakapoker face.
"Sikat noon si Miguella bilang sorcerer sa paggawa ng dangerous poison. May abilidad din siyang gumawa ng mga delikadong bomba at sinasabing katulong siya sa paggawa ng pinakaunang nagawa na espesyal na spell. Kaya masasabing pinagkakatiwalaan siya ng mga Minrus noon. At ngayong nawawala ang mahahalagang espesyal na spell. Sinasabi niyong si Miguella ang kumuha. Masasabi ko ding siya, dahil baka gusto niyang makuha ang Teleportation spell na unang- unang nagawa na kinabibilangan niya sa mga taong gumawa nun"
Ganito ba talaga siya.
Ang galing niyang pinuno. Alam na alam niya ang kasaysayan ng hindi niya nasasakupan.
"Pumikit kayo"- Utos niya sa amin.
Anong gagawin niya sa amin?
Tsk* bakla ba 'tong higante na ito at ganun nalang talaga siya ka interesado upang papikitin kami dahil gusto niya akong makuha.
Ang gwapo ko talaga, kahit lalaki nagkakagusto parin sakin.
Nagkatinginan kaming tatlo sa utos ng higante. Hindi namin alam kung susunod ba kami.
"Pumikit kayo"- Sa hindi malaman, may nakita kaming usok na kulay pula saka kami kusang pumikit.
Pagkabukas ko ng aking mga mata.
Pumukaw sakin ang paligid. Isang nakakakinang na kulay puti at may halong itim ang nasa paligid ko ngayon.
Nasan ako?
Tumingin ako sa ibang sulok upang makita ang mga kasamahan ko.
At saktong nakita ko din silang nababaguhan sa kung nasaan kami ngayon.
"Where are we?" - kunot na tanong ni Glent.
"Baka naisahan tayo nung higante. He's the only one we saw before this happened" - pagmamaktol ni LG.
Patay talaga sakin yung Higanteng iyon.
Umaasa kami na siya na ang makakatulong samin.
Pero hindi.
Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
"Maybe we are entered in an illusion"
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasía[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...