Coleen Yesha Almor's POV
Apat na araw na ang lumipas simula nung nawalan ng malay si Zhikia.
Magpahanggang ngayon hindi parin siya nagigising. To think this day is the annual celebration of Fartolia.
Kumuha ako ng hamburger sa mesa at nag-paabot ng pineapple juice ni Glent galing sa ref.
"Sino na nagbabantay kay Zhikia?"- agarang tanong ni Dhane sakin.
"On the go na si Tepher"- sagot ko nalang.
May sinabi ang Highest Counselor patungkol sa nangyari kay Zhikia. Ayon sa kaniya iisa lang ang layunin ni Zhikia ang magsakrapisyo.
Bakit?
Para san sya dapat magsakrapisyo?
Sa totoo nga kami dapat ang mag sakrapisyo para sa kanya, dahil sa totoo lang hindi pa siya naka-adjust sa lugar na ginagalawan na niya ngayon.
Nababaguhan palang siya.
Ginawa na ng mga Officials, Highest Counselor at mga magagaling na manggagamot ng Minrus ang lahat para magising si Zhikia pero wala.
Subalit nasabi nilang magigising rin si Zhikia dahil sa lakas ng pintig ng puso nito.
"6:00 PM. Tayong lahat ay papupuntahin na sa Elemental Temple"- saad ni LG.
Ako ba ang sinasabihan niya?
"Alam ko na kahapon lang so no need to inform me"
"I am not talking to you. Foremost, nalaman ko na ang balitang iyan nung isang araw pa"
Tumahimik nalang ako.
Baka masapak ko itong lalaking ito.
Didiretso na sana ako sa kwarto ko, nang makita kong bukas ang pinto ng silid ni Zhikia kaya pipihitin ko na sana ito para i-lock subalit nag-agaw atensyon sa dalawang mata ko ang isang bagay na nasa lamesa.
Isang libro.
Pumasok ako dito sa kwarto ni Zhikia.
Hindi ko pa naman nabasa ang nasa harapan nito ay bumukas na ang libro sa kung anuman ang pahina.
Hangin... Hangin....hangin...
"Nonsense tch." - reklamo ko.
Isasara ko na sana ang librong ito kaso may nagsalita galing mismo sa libro.
"Ok lang siya. Magigising na si Zhikia"
Napataas ang kilay ko.
Saka nag-sink sa utak ko ang sinabi mismo ng libro kaya madali akong lumabas ng kwarto ni Zhikia.
"Magigising na si Zhikia!/ Magigising na siya!"- sigaw ko.
Kailangan ba talaga kaming magkasabay?
"Awrayt! Love nayan!!!"- Tawa ni Dhane sa akin.
Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Oo! Ang pesteng LG na to.
Walang originality. Porket alam kong magigising si Zhikia. Alam niya din?
"How did you know?"- pangkikilatis niya sa akin.
"Do you think you're the one who can predict things that will happen in the future?"- nangigilaiti kong saad sa kanya.
"Okay!"- diretso niyang sabi. "You said that!" - saka wink sakin.
Sinamaan ko siya ng tingin saka umalis na sa dorm at dumiretso sa Hospital kung saan nandoon si Zhikia.
Wag kayo, ibang iba ang hospital dito kaysa sa Mortal world.
***
"Thank you at gising ka na"- ngumiti lang si Zhikia sakin saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Wag mo na gawin iyun ah"- bulong ni Tepher na rinig na rinig ko naman. "Ang sakit sa puso pag may kulang sa dorm"
Napangiti ako saka lumingon sa likod ko at sumigaw na "Kayong tatlo!".
Nasan ang tatlong iyon?
Wow!
Naimpluwensyahan ni Glent na mabilis kumilos.
Nakita ko nalang na may tatlong lalaking may dala na tig-iisang cake sa mga kamay nila na color pink pa.
Ew!
"Hahahahahaha"- tawa ni Tepher.
Nung una pinipigilan ko pa ang tawa ko pero salamat kay Tepher dahil napahalakhak talaga ako ng malakas.
"Mukhang kayong bakla. Peace!" - saad ko sa kanilang tatlo.
Naka poker face lang si Glent. Nakataas kilay naman si Dhane at nakapikon smile naman si LG.
"There are many colors to choose but why it has to be color pink? How come! Hahahaha"- natatawang saad ni Tepher.
"Hahaha nakakatawa kayo. Diba Zhikia?"
Lumingon ako kay Zhikia at lumawak ang ngiti niya saka tumawa din ng abot langit.
Tumawa din ako na nakalagay pa ang mga kamay sa tiyan.
May nararamdaman nalang akong malagkit sa mukha ko.
Kinuha ko ito.
Argh* Icing!
"Kayo ang nagpasimula"- naka grin smile na saad ko.
Saka ko inihagis ang icing sa mukha ni Glent
Natawa ako dahil nung una wala siyang reaksyon pero nung natalsikan siya ng cake galing kay Dhane umusok ang ilong niya kaya kumuha siya ng icing saka inihagis niya din ito kay Dhane.
Pero nakailag si Dhane at tumama sa mukha ni Zhikia ang cake.
Walang nagawa si Zhikia kundi damputin ito at inihagis kay LG na tumama ang Cake sa ulo.
"Hahahahaha"- tawa naming lahat maliban kay Glent 'The Great Killjoy'.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
خيال (فانتازيا)[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...