CHAPTER23: FRUSTRATION

153 24 0
                                    

Zhikia Veleene Fenancial's POV

"I can't believe it! Papaano?"- Napatunganga ako sa sinabi ni Tepher.

Bumalik na kami sa dorm namin matapos ang selebrasyon sa kagubatan.

Lahat ng natunghayan namin sa kagubatan ay hindi namin sinabi sa mga Officials at kay Master. (Highest Counselor)

"That's the problem. Ang alam ko lang kasi nawala na ang darkness side 10 years ago and then now they appeared again. How?" - tumingin ako kay LG.

Hindi ko pa gets kong ano ang pinag-uusapan nila.

Baguhan palang ako dito kaya wala pa akong masyadong alam sa mga nangyayari sa Fartolia noon at ngayon.

"Possible"- umikot na naman ang ulo ko kay Glent.

"Guys! Kanina pa kayo e'. May hindi nakakaintindi dito. Naku hala! Baka gumagwapo pa ako ng sobra."- napa-face palm ako sa sinabi ni Dhane.

"Hahahaha"- tawa ni Tepher "Sa mukha mong yan? Gwapo? hustisya please."- Tawa parin ni Tepher.

Tumikhim lang si Glent.

"Quite."- ni-zip ko nalang ang bibig ko kahit hindi naman ako nag-iingay.

Tiningnan ako ni Tepher nang 'makinig-ka-kay-lola-Coleen-may-sasabihin-siya-look'.

Itinuon ko nalang ang tingin kay Coleen. "I know a little bit about what is the history of Fartolia, because of my parents. They told me about it. Ang alam ko Fartolia was consists of three divisions and one of those division is the darkness side or should I say the Lower class or part at sinabi nalang ng parents ko na naglaho nalang agad ang darkness side."

"It's impossible kung maglaho nalang bigla ang Darkness side ng walang nagawang kakaiba" - komento ko.

"May sinabi din ang lola ko noon kung bakit naglaho ang Darkness side mahigit 10 years na dahil sa magulang ni Glent, ama niya in specific."- nilingon ko si Glent na walang reaksyon sa sinabi ni LG.

"Wait! Ang labo na ng mga pangyayari. Why we are not taught about what happened in Fartolia then?" - gulat ni Tepher.

Maski ako nagulat sa sinabi niya.

Hindi pala sila tinuruan kung ano talaga ang nangyari sa Fartolia.

"Maybe we should go to the Officials. They are the one who knows the whole fact."- saad ni Dhane.

"Paano kung hindi din nila alam?"- pangontra ko.

"We don't know then. Nothing will happen if we try."- tinanaw ko si Glent na nagsasalita.

****

"Anong kailangan niyo?"- Agad na salubong ni Jellu ang lider ng Minrus Officials pagkapasok palang namin dito.

"May makakapagkwento ba sa amin patungkol sa nangyari noon?"- mataray na saad ni Coleen.

"Naliwanagan parin kami. All we know wala na ang Darkness pero bakit... - hindi pa naman tapos sa pagsasalita si Tepher sumagot na si Jellu.

"Nabuhay muli ang Darkness side? Yun diba? Alam na namin na nabuhay sila mula noong nagpakita din sila sa inyo sa kagubatan. Nagpaparamdam nadin sila dito sa Fartolia. Ang gusto ko lang sabihin sa inyong anim ay protektahan ninyo ang Fartolia. Kayo na ang Missionaries sa panahon ngayon. Nakasalalay sa inyo ang kaligtasan namin." - eksplinasyon ni Jellu.

"Pinapaikot lang tayo nito eh"- inis na bulong ni Dhane.

"Go find your own ways to know the hidden truth. The hidden truth about what happened in Fartolia long ago"

Lumabas nalang bigla si Glent.

Wala na kaming nagawa kundi lumabas nalang rin.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako na naiinis ang mga kasamahan ko dahil siguro sa nangyayari kung bakit hindi nila kayang sabihin ang mga nangyari noon.

"Ah! F*cking situation!"- nanlaki ang mata ko sa sinigaw ni Tepher.

First time kong narinig siyang nagmura.

"Sa lahat-lahat pwede naman nilang sabihin kong ano ang nangyari noon! Kailangan pa talagang tayo ang humanap ng lusot! Walang silbi!"- saad ni Coleen saka lumabas ng dorm.

Tiningnan ko sina LG, Dhane at Tepher na parang nagsasabing pigilan natin si Coleen baka san yun pumunta pero sinasabi lang nila sa kanilang mga mata na pabayaan mo nalang.

Pumasok sa kani-kanilang silid sina LG at Dhane, kaya naiwan kaming dalawa ni Tepher dito.

Nagulat nalang kami ng biglang lumabas si LG sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto ni Glent.

"Ginagamit ni Glent ang kapangyarihan niya."- taliwas sa sinabi ni LG tiningnan namin ang silid ni Glent at may lumalabas nga na usok galing sa silid niya.

"Tawagin mo si Dhane"- madaling giit ni Tepher.

Madaling tumakbo si LG sa kwarto ni Dhane maya't-maya pa'y lumabas na sa silid niya si Dhane.

All I know, nagawang patayin ni Dhane ang apoy ni Glent.

Buti nalang at hindi dumaloy ng ganon kabilis ang apoy sa dorm namin kundi sa maliit lang na bahagi sa silid ni Glent.

"Bro?"- saad ni LG kay Glent.

Nakita ko ang maraming bruises sa braso ni Glent.

What happened to you Glent?

Katatapos mo lang magamot, magpapagamot ka na naman?

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon