Zhikia Veleene Fenancial's POV
Matapos ang makatindig balahibong presentasyon nina Dhane at Tepher. Sumunod na pumunta sa gitna sina LG at Coleen.
"Okay, let's start!"- hudyat ni Mr. Weru.
Nakita ko ang pagmumukha nina LG at Coleen na halatang hindi nila gusto ang isa't isa bilang magkapares.
Ano bang nangyari sa dalawang ito?
"Zhikia, how's our presentation?"- nakakagulat na tinig ni Tepher sa likuran ko saka tumabi sa akin.
"Incredible. I can't believe you two had that dangerous powers. Galing!"- pagsagot ko sa tanong niya.
"Totoo?!" nasisiyahan pang ani ni Tepher.
"Super."
Totoo naman talaga. Kabog na kabog na nga dibdib ko kanina sa mga iniisip ko na baka makain sila ng mga mababangis na hayop na iyon.
"Look they're starting"
Napatingin ako sa tiningnan ni Tepher at nagsisimula na nga sina LG and Coleen. They are fighting with the three serpents.
Nakita ko si LG na may hawak na vines.
Muntik ko nang malimutan na Descendant pala siya sa Earth.
Sumugod sa kanya ang isang ahas, bago pa man ito makaatake sa sarili niya ay iginapos na niya ito gamit ang mga vines na mayroon siya. Itinaas niya ang vines kaya nabitay ang ahas.
Saka madali niya itong inihampas sa sahig. Nakita ko naman ang ahas na kahit marami ng mga pasa at gasgas ay lumalaban parin.
Naku.
Nasilayan ko nalang na mayroon nang napakaraming bato sa mga kamay ni LG at ipinagbabato na niya ito sa ahas.
"What can you say about LG? His power is fantastic right?"- tanong ni Tepher sa akin na nakatingin padin sa naglaban-laban. Tumango lamang ako bilang pagsagot.
1 down.
My eyes suddenly moved. Then I saw Coleen fighting with the other serpent.
Itinaas niya ang kaniyang kamay at may nakita akong bagay na bilog. It is color white. It's sparking and glowing. Ang sakit sa matang tingnan.
Light.
"Come closer."- pakikipag-usap pa ni Coleen sa ahas.
"Yeah! That's it. Come a little bit closer."- masayang sambit pa ni Coleen nang mas lumapit pa sa kanya ang ahas.
Biglang inihagis ni Coleen ang bilog na bagay galing sa kamay niya papunta sa ahas saka naman ulit ito bumalik sa kamay niya. Nawalan nalang ng malay ang ahas nang may biglang sinag ng araw ang tumama sa katawan nito.
Powerful.
Sa huli ay napatay nilang dalawa ang mga kalaban dahil bigla nalang nagpalabas ng maliliit na lindol si LG dahilan para mas matapos pa ang buhay ng mga ahas.
"I didn't expected it from the very start. Nice work."- puri ni Sir nila LG at Coleen.
"Thank you."
I felt uneasiness in my body when I realized that we will be the last and the next pair to perform.
Naku naman.
"It's your turn Zhikia." - saad ni Coleen sabay tap sa shoulder ko at ngumiti.
"Break a leg." dagdag pa nito. Hindi ko nalang siya sinagot at nagpakawala lang ng pilit na ngiti.
Naglalakad na ako papunta sa gitna pero bago pa man ako makarating ay inunahan na ako ni Glent saka siya may ibinulong sa akin.
"Do your best because I don't want to have a bad presentation." - nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya.
Tumingin lang ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti ng pilit.
"Whatever." bulong ko nalang.
Lumitaw nalang sa harapan namin ang dalawang dambuhalang Tigre.
Papaano?
Poor guy. I can't kill this super cute kind of an animal.
"Grrr..."- tunog ng dalawang malalaking tigre na handang-handa na kaming kainin. Papalapit na rin ito sa aming pwesto ngayon.
What should I do?
Nakita ko si Glent na nasa gilid ko na nagpapalabas na nang nakaka-pasong apoy niya sa kamay. Nabigla nalang ako nang nawala siya ng mabilis sa harapan ko.
Ngayon ko lang nakita na ganoon pala siya kabilis kung kumilos.
Ano pa nga ba ang silbi ko kung iyon ang abilidad niya. Kayang-kaya naman niyang patumbahin lahat.
"Zhikia, tumingin ka sa likod mo." - narinig kong sigaw ni Tepher kaya dali-dali akong napalingon sa sinasabi niyang direksyon.
Nagulat ako sa nakita ko na isang pulgadang layo nalang talaga at mapapatay na ako ng isang tigreng nasa harapan ko ngayon.
Nagpapanic na ako. Nanginginig narin ang dalawang tuhod at kamay ko. Wala akong alam kung ano ang gagawin ko ngayon.
Nakarinig ako ng pagputok ng mga crytalized fire sa likod ko na nakikita ko mula sa peripheral vision ko at alam kong kapangyarihan iyon ni Glent.
"Grrr..."- humakbang papunta sa katawan ko ang tigre pero bago niya ako maduplisan ay naunahan ko siya dahil itinaas ko ang mga kamay ko at bumulong
'mamatay ka na dambuhalang tigre'
May malakas na hangin ang bumalot sa kamay ko at nakita ko nalang na inilipad na ng hangin ang tigre.
Lumakas pa lalo ang hangin pero di ko pa ibinaba ang dalawang kamay ko. Lumakas nang lumakas pa ang hangin na parang kaya nakong tangayin. Namatay ang mga crystalized fire ni Glent.
At nakita ko nalang na namatay na ang tigre sa harapan ko.
Nakita ko din si Glent na napatingin sa akin ng diretso. Napatay din niya ang isang tigreng nakalaban niya kanina.
Hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon. Narinig ko ang malakas na palakpakan nina Dhane, Coleen, Tepher, LG, at ni Sir.
Pero bigla-biglaan,
nakarinig nalang kami ng malakas na pagsabog.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasía[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...