Glent Christopher Wester's POV
Pabalik-balik akong naglalakad dito sa sala ng dorm namin.
Nakabalik na kami sa Fartolia pero ang iniisip ko parin ay ang lugar ng mga kadiliman.
Ang lolo ko.
"Hey, Glent can you please stop walking. Nahihilo na ako sa kakatingin sayo"- narinig kong sambit ni Coleen sa akin.
Wala lang akong reaksyon sa sinabi niya.
Hindi ko rin alam kung alam na ba ng mga Officials ng mga Minrus na nakabalik na kami sa Fartolia dahil pagkabalik na pagkabalik namin nandirito na agad kami sa dorm namin.
"Puntahan nalang kaya natin ang Minrus Officials"- napatingin ako sa sinabi ni LG.
"No, It's already 9 PM maybe tomorrow" - narinig kong pagsagot ni Tepher.
"Hindi pa ba kayo matutulog kasi ako gustong-gusto ko na"- nakita kong naglalakad si Dhane papunta sa kwarto niya.
"Segi matutulog na kami Glent. Hindi ka pa ba matutulog?" - napailing ako bilang sagot.
Mamaya nalang ako matulog. Kailangan ko pa munang magpahangin.
Ako nalang ang naiwang nag-iisa dito sa sala. Pumunta ako sa kusina at gumawa ng kape saka ako dumiretso sa terrace ng dorm na ito.
"It's getting complicated"- bahagya kong naisambit.
Inilagay ko ang kape sa lamesang nandirito sa terrace.
Napatingin ako sa view na makikita mula rito.
Matatanaw mula rito ang kabuuang lugar ng Fartolia.
Sa ngayon masasabi kong mas umaayos na ang kalagayan ng Fartolia kaysa noong bumalik kami rito kung saan inatake sila ng mga kadiliman ng hindi namin alam.
"How can we solve this?"- naitugon ko sa sarili ko.
I don't get it.
Pumunta na kami sa lugar ng mga kadiliman pero bakit kami ipinabalik dito sa Fartolia.
Hindi ko maintindihan ang lahat.
My father is one of the Missionaries on his time. And my mother is just a normal Minrus with a normal power.
Technically, namana ko ang ama ko.
Just like me, my father is a Fire descendant. My grandfather is the father of my father.
Ang alam ko, ang mga kadiliman rin ang kalaban noon ng ama ko. I knew all about this dahil sinabi iyon ng ina ko.
Hindi totoong naglaho lang bigla ang mga Darkness side noon pero nang dahil sa ama ko, ang mga kalaban ay naglaho.
Pero ang hindi ko alam ay kung bakit bumalik na naman ang lipon ng mga kadiliman ngayon.
Sinabi sa akin ng ina ko na kaya namatay ang mga kadiliman dahil sa ama ko na lumaban at sumakrapisyo para kalabanin ang mga kadiliman.
Ayon sa propesiya, ang ama ko na may Elemental power na Apoy ang gusto talagang kalabanin ng mga kadiliman dahil itinakda noon na ang apoy ang pinakamakapangyarihang at pinakamalakas na mahika kung kaya't siya ang una at gustong pabagsakin ng mga kadiliman.
Pero hindi nila alam na nakatadhana na noon na ang ama ko rin ang iisa lang na makapagwasak sa mga kadiliman sa pamamagitan ng ipapabalik ang mga kadiliman sa lugar kung nasaan sila kagaya ng mahika na meron ang lolo ko na hindi ko namana.
Ginawa iyon ng ama ko para sa Fartolia at para sa lahat ng mga Minrus.
Ginawa niya ang kailangan niyang gawin sa harap nang labanan ng mga Minrus at mga kadiliman.
Dahil sa ginawa ng ama ko unti-unting nakain sa ilalim ng lupa ang mga kadiliman pero kapalit naman iyon ang buhay ng ama ko dahil maraming nakuhang kapangyarihan niya sa ginawa niya kaya niya ito ikinamatay.
Namuhay ang mga Minrus sa Fartolia ng matiwasay mula noon at nawala ang mga kadiliman.
Wala na rin akong alam kung ano na ang nangyari sa mga iba pang kasamahan na missionaries rin noong panahon nila ama.
Pero sinabi ng ina ko, namatay rin daw ang ibang mga missionaries noon matapos ang ilang nagdaanang mga panahon pagkatapos ng naganap na labanan.
May isang missionary na ibinigay niya ang kapangyarihan niya sa normal na batang Minrus at sa pagkakaalam ko ang binigyan niya sa kapangyarihan niyang iyon ay si LG na Earth Descendant na ngayon.
Napabuntong hininga ako.
" I don't know what are the anwers of all my questions"
Napatigil ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Glent"
Sa boses palang alam na alam ko na kung sino siya.
"Glent"
Hindi ako lumingon pero pinakiramdaman ko ang boses niya.
Ang boses niya nalang ang gustong-gusto kong marinig ngayon.
Hindi ko rin alam pero kapag nandyan lang ang presensiya niya maayos na ako.
At mas lalong hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman ko ngayon.
"Nandito ako sa likod mo lumingon ka"
Dahil sa sinabi niyang iyon, unti-unti akong napapalingon sa likod.
Agad na kumakabog ang dibdib ko ng pagkabilis-bilis.
Nakita ko na ang taong alam kong nagmay-ari ng boses na iyon.
Nandirito siya sa harapan ko ngayon.
Nandito siya.
"Glent"- naisambit niya ulit na naging dahilan sa pagngiti ko ng hindi ko alam.
"Zhikia" - pagsagot ko sa sinabi niya.
She's here.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...