CHAPTER34: WE'RE READY

108 17 6
                                    

Loie Gem Chon's POV

Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw na ding hindi pa nagigising si Zhikia.

Wala kaming magawa kundi mag-alala ng mag-alala para sa kanya.

Paiba-iba rin ang nararamdaman ko para kay Zhikia na hindi ko masabi-sabi kung ano ito.

"Ito sayo LG"- nabigla nalang ako sa pag-atake sa akin ni Coleen gamit ang kapangyarihan ng animal spirit niya na Wolf.

Mabuti naman at agad akong nakalayo gamit ang kapangyarihan ng animal spirit ko na Cheetah.

Ang hayop na Cheetah ay mabilis kumilos.

Nandito kami ngayon sa Training Hall.

"You can't-"-  hindi natapos ang pagsasalita ko ng dumating sila Tepher at Dhane.

"Magkasama pa talaga kayong dalawa. We smell something fishy"- magkasabay na saad ni Tepher at Dhane.

"At sa tingin niyo kayo hindi?"- saad ko sa kanilang dalawa na nakagawa ng katahimikan sa paligid naming lahat.

Sa loob ng tatlong araw, natutunan namin ang dapat namin matutunan.

Nagawa namin na makuha at gamitin ang iba't ibang kapangyarihan ng aming mga Animal Spirit.

"Nandoon pa si Glent sa Ospital diba?"- seryosong saad ni Coleen.

Napatango sina Tepher at Dhane, saka naman lumungkot ang mga mukha pati na rin ako.

Para sa akin, talagang natamaan na talaga yang si Glent kay Zhikia eh.

Loko-loko lang talaga tsk*. Pa-cold pa! Ang obvious naman!

"You know what guys, nahiwagaan talaga ako ng nagamit ni Glent ang teleportation ability niya kasama si Zhikia. It's just that we all know, Glent can't use his ability to teleport kapag may kasama" - napatango kami sa sinabi ni Tepher.

Pati rin ako nahiwagaan.

"You know what guys, if I am not mistaken. Inlove na 'yang si Glent kay Zhikia e."- giit ko sa kanilang lahat. Napangiti naman si Tepher sa sinabi ko.

"Tapos ano ngayon? Paki mo ba kung na inlove na si Glent kay Zhikia?"- pagsagot naman ni Coleen sa akin.

Hanggang kailan talaga nitong babaeng ito ang maldita!

Hindi nalang ako sumagot sa kanya.

"Kasi nga gwapo ako"- Napatingin kaming lahat kay Dhane dahil sa sinabi niya.

Tiningnan ko siya ng 'Pasapak-ka look'.

Mas lalo nalang kaming natahimik ng makita naming nandirito na pala si Glent.

"How's Zhikia?"- kahit alam kong obvious na ang maging sagot, tinanong ko pa din para magkamalay ang paligid namin dahil sa katahimikan na naganap.

"She will make it" - chorus na pagsagot ni Glent.

"Missionaries"- Agad kaming napalingon sa taong nagsalita ngayon na papalapit sa amin kasama ang mga kasamahan niya.

"Na trace na namin ang lugar ng kadiliman"- napatango ako sa sinabi ni Jellu.

Ready nadin akong puntahan ang mga pesteng Kadiliman na iyan.

Handa na kami.

Una, para kay Master, pangalawa, Kay Zhikia na hindi namin alam kung kontrol ba nila ito kung bakit hindi pa siya nagigising. Pangtatlo, para kunin ang Elemental Powers na alam naming sila ang  nagkontrol na kunin. At Pangapat, upang pagbayarin sa ginawa nila sa Fartolia.

"Good to hear that"- saad ni Coleen. "We're ready to face that whole shit. Pero paano niyo na-trace ang lugar ng walang gamit na libro na TOUBA AILOTRAF?" - napangisi nalang ako ng mahina sa sinabi ni Coleen.

"Executing officials did. Gumawa sila ng paraan ma-trace lang ang lugar ng mga kadiliman without the help of that book"- natahimik nalang kami sa sinabi niya.

May inilabas na malaking mapa ang isang kasamahan ni Jellu, dinampot ito ni Jellu, at ipinakita sa amin.

"Dito ang lugar ng kadiliman, dito sa parteng ito kung saan matatanaw ang kanilang itinago o kinuhang mga minrus, kasama na siguro si Pinuno. Wag kayong paderi-deritso kung lumusob dahil marami ang nagbabantay na kadiliman sa parteng diyan. Sa gilid ng malaking lugar kung saan makikita ang mga Kadiliman mayroong malaking ground. Mag-ingat kayo dahil hindi natin alam na baka may inilagay na mga pa-in o mga bitag at baka mahuli pa kayo."

Napatango kaming lahat sa mga sinasabi ni Jellu.

"Paano si Zhikia?"- diretsong tanong ko.

"Kami ang magbabantay sa kanya. Handa na kayo?"

Nagkatinginan kaming lahat.

Handa na kami.

Inilabas ni Dhane ang kanyang pendant na Shark na nagbabatid na handa na naming simulan ang gagawin namin. Inilabas din ni Tepher, Coleen, Glent ang kani-kanilang pendant ( Eagle, Wolf, Tiger) at ang panghuli ay ako, ang pendant na Cheetah ay inilabas ko.

Ginawa at tinuruan nadin kami nito ni Mr. Weru. Na kapag buuin at pagsamahin namin ang aming mga animal spirits na pendants at isaisip ang lugar na pupuntahan namin, ay makakarating kami. Kaya heto ang ginagawa namin.

Napayuko kaming lahat.

Sa lugar ng kadiliman

Sa lugar ng kadiliman

Sa lugar ng kadiliman

Agad akong napatingin sa aming mga kamay ngayon na may mga pendants ng mga animal spirit namin na magkadikit.

Umilaw ito ng mahina na grayish na color hanggang sa umilaw ng malaki na nasasakupan na kaming lima na naka-bilog.

"Hmm"- narinig kong pagbuntong hininga ni Tepher.

Agad nalang kaming unti-unting sinisipsip ng liwanag na kung saan alam na namin kung ano ang kalalabasan at kung saan kami mapupunta.

***

"We are here"- giit ni Glent.

Napatingin ako sa paligid. Makakapal na usok ang bumalot sa amin dito. Nandito na kami.

"Here"- inabot ni Coleen ang dala niyang mapa na ibinigay ni Jellu kanina sa kanya.

"Una nating puntahan ang lugar na ito"- Tinuro ni Dhane ang lugar kung saan makikita ang mga taong nahuli ng mga kadiliman.

"Let's do this"

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon