CHAPTER53: TILL THE END

125 11 11
                                    

Zhikia Veleene Fenancial's POV

Di na makatiis ang mga luha ko sa mga nakikita ko mula dito sa loob ng hawla.

Ang Fartolia, walang-wala na.

Siguro gagawin ko na ang dapat kong gawin.

Mga usok nalang ang natira pagkatapos ng mga pagsabog sa kung saan-saang parte. Ang mga kauri ko walang wala na sa lalaban. Konti nalang sa kanila ang natira dahil ang ilan sa kanila ay natamaan na,nasugatan, at nawalan ng malay.

Nakita ko ang paglabas ng maraming mga duwende, pagdating ng mga limang higanteng kalaban at pagdating ulit ng mga maraming kadiliman at alam kung 'di kayang kalabanin ng mga duwende ang mga kalaban dahil ang dami nila.

Wala na rin dito ang reyna ng mga kadiliman na nagbabantay sa akin kanina kundi sumama na siya sa bakbakan.

Lumabas ka hangin, magparamdam ka

Lumabas ang hangin ko sa paligid. Agad na tumulo ang luha ko ng makita ko ang pagbagsak ni Glent mula sa di kalayuan.

Patuloy na lumalakas ang hangin ko hanggang sa naramdaman ko nang naramdaman na din ito nila Glent.

Lumakas ka.

Lumalakas ng lumakas ang hangin. Agad nalang nakuha ng paningin ko ang pares ng mga mata ni Glent na nakatingin dito sa gawi ko at agad din siyang nawala sa paningin ko.

Yumanig ang paligid.

Mas malakas pa sa yanig kanina at mas lumalalim at dumidilim din ang kalawakan. Nakita ko ang pagbagsakan ng mga duwende. Hindi na ito tama.

Siguro ito na ang oras.

Napatulo nalang ang mga luha ko para sa Fartolia.

Handa na ang kutsilyo ko para sa aking sarili.

Itinutok ko na ang kutsilyo sa puso ko. Pero napatigil ako ng marinig ang boses niya.

"Z-hikia"

Ang boses ni Glent.

*

Glent Christopher Wester's POV

"Z-hikia"- naisambit ko ng makita ko siya.

Nandito na ako sa tuktok ng Elemetal Temple at kitang-kita ko ang pagtutok ni Zhikia ng kutsilyo sa puso niya.

"Zhikia"- pag-uulit ko.

Di ko siya kayang makitang nandyan na nakakulong.

"Hanggang dito nalang Glent"

"'Wag mong gawin iyan Zhikia"- pagmamakaawa ko sa kanya.

"Pero ito lang ang tanging paraan Glent para matapos na ang lahat ng ito. Ang kaguluhang ito at mawala na sila. Maililigtas ko pa ang pinuno at ang mga kauri nating nadakip ng mga kadiliman. At par-a manumbalik na sa dati ang lah-at. Para manumbalik na sa dati ang Fartolia." - Sinubukan kong lumapit sa kanya pero di ako makalapit.

Sigurado akong may inilagay na kung anong-anong spells dito para walang sino man ang makalapit kay Zhikia.

"Zhikia ple-ase maawa ka"- tumulo na ang luha ko. At ganun din sa kanya. "Ma-awa ka Zhikia"

"Glent handa akong magsakrapisyo para sa Fartolia kahit ito pa ang kahihinatnan ng sarili ko."

"Di' mo ako maintindihan"- diretso kong giit sa kanya. Parang ulan na lumalabas ang mga luha ko. "Dahil may isa pang paraan bukod sa papatayin mo ang sarili mo. Mahal kita Zhikia. Mahal kita"

Please tell me you love me too.

"G-lent sana'y mauunawaan mo rin ako"- nakapikit niyang tugon dahil sa mga bigla-biglaang pagputok.

Nakita ko nalang ang isang-isang pagbagsak-bagsakan ng mga duwende.

"Nasa sarili ko nalang Glent ang kaligtasan nin-yo"

"Mahal kita Zhiki-a! Sabihin mong mahal mo rin ako Zhi-kia!"

Napapikit siya.

"Zhiki-a!"- pagsisigaw ko sa pangalan niya.

Dun na tumigil sa paggalaw ang mundo ko ng saksakin ni Zhikia ang sarili niya.

Tumigil ang lahat ng nakikita ko. Pati ang katawan ko ay tumigil ng ilang sandali nang dahil sa nakita ko.

May isa lang akong naramdaman.

Yun ay ang mga luha kong todo sa paglabas.

"Zhiki-a!!"- walang tigil ko sa pagsisigaw.

"Mah-al rin kita Glent"

Nakita ko ang mahinang pagbagsak ng katawan ni Zhikia matapos sabihin ang mga katagang iyun.

Napaupo ako.

May nakita akong liwanag galing sa itaas. Napatingin nalang ako sa maitim na kalawakan at kapaligiran na unti-unting lumiliwanag.

Nawawala na ang pagyanig sa paligid.

At higit sa lahat, unting-unting nahihigop ng liwanag ang mga kalaban namin, ang mga kadiliman.

Unti-unti ring natutunaw ang mga higanteng kalaban namin.

Lumiwanag na ulit.

Hudyat na tapos na ang labanan at mawawala na panghabang-buhay ang mga kadiliman.

Bigo ako. Nabigo ako.

Natira nalang ang mga katawan ng mga kauri namin at ng mga duwende na walang malay.

Dahil sa pagbabagong nakikita ko. Agad kong pinuntahan ang katawan ni Zhikia sa hawla at binuksan ito.

Hinaplos ko ang mukha niya.

"Zhik-ia"- paghahagulhul ko.

Yun na ang huling panahon na makakausap ko siya.

Yun na ang huling panahon na masisilayan ko siya.

At yun na ang huling panahon na marinig ko ang mga katagang nagpapatibok nitong puso ko.

"Mah-al na mahal na mahal na mahal na mahal kita Zhikia. Hindi ako magsasawang mahalin ka. Habang-buhay"

"Glent"- napalingon ako sa tumawag sa akin.

Nakita ko sina Tepher, LG, Dhane at Coleen na hinang-hina na. Nakahawak lang si LG sa braso niyang natamaan at si Dhane na napapapikit nalang sa sakit na natamo niyang sugat kanina sa dalawang higante.

Nakita ko ang paglabas ng mga luha nina Tepher at Coleen. Pati na rin kina LG at Dhane.

"Salamat sa mga magagandang alaalang ibinigay mo sa amin Zhikia. Salamat sa iyo. Hinding-hindi ka namin makakalimutan. Tandaan mo yan. Mahal na mahal ka namin. We will miss you Zhikia."- magkasabay nilang giit.

Saka na nagkulay asul ang katawan ni Zhikia.

Hudyat na wala na siya. Patay na siya.

***

Next will be the Epilogue. Salamat sa pagbabasa hanggang dito.

|GINNYGINNN|

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon