CHAPTER29: MORTAL -3

112 17 0
                                    

Tepher Seal Mendez's POV

"Parang lugar na'to namin"- narinig kong saad ni Zhikia na tinitingnan ang libro na hindi pa lumiliwanag. 

Agaran kaming umalis kanina sa mga bata dahil yun ang sinabi ni Glent sa amin na kailangan na naming umalis kaya no choice kami kundi sundin siya. 

"Are you sure Zhikia?"- pagtatanong ko sa kanya. Napatango lang siya bilang sagot.

"Pwede ba daw na bisitahin muna ni Zhikia ang lola niya?"- agad na saad ni Coleen na alam kong binasa niya kung ano ang nasa isipan ni Zhikia.

"No problem"- saad ni Glent na napatingin lang sa malayo.

"Gutom na din kasi kaming dalawa."- giit ni Dhane. "Kakain tayo dun"- agad ko siyang pinitik sa noo.

Kakakain lang niya nung natirang pandesal.

"Dalian lang natin ang lakad natin. Malapit na ang bahay namin ni Lola"- saad ni Zhikia. Nagmamadali nalang kaming naglalakad ngayon.

Malayo paman kami parang may nararamdaman ako. Lumalakas ang itim na awra dito. "Ok kalang?"- Tumingin silang lahat sa akin sa naging katanungan ni LG.

"Sure."

Exactly five meters mula dito papuntang bahay nila ng lola ni Zhikia. Narinig naming may mahiwagang tunog. Kaya tiningnan naming lahat ngayon ang libro.

"Seems like-- -"- Hindi natapos ni Coleen ang sasabihin niya ng nandito na kami sa bakuran ng bahay nila Zhikia ng nakita nalang naming lumiwanag ang libro.

Lumiwanag ang libro?

"Nandito na ba talaga tayo?"- pagtatanong ni LG. "Sa bahay nila Zhikia?"

"We don't have any choice but to accept"- napa-awang ang dalawa kong mata sa sinabi ni Glent.

"Sa bahay namin ni lola dinala ang tatlong kapwa natin mag-aaral?"- pagtatanong ni Zhikia.

"How we can be sure of that?"- saad ni Coleen.

"Siguro dito nalang tayong lima sa labas at si Zhikia nalang ang papasukin sa loob ng bahay nila."- pagpapaliwanag ni Dhane.

"No, I can be with Zhikia"- pandalian kong saad. Tumango silang lahat.

Kaming dalawa ni Zhikia ang papasok ngayon sa bahay nila ng lola nila at nasa labas sila Glent, Dhane, LG at Coleen.

"Bakit kaya dito ang lugar na sinasabi nang libro?"- saad ni Zhikia ng buksan niya ang pinto. Nagkibit-balikat lang ako kay Zhikia. "Lola"

Nagulat nalang ako pagpasok dito sa sala nila ng nagkalat ang maraming kagamitan.

Parang dumaan ang lindol ng hindi namin alam. Ang gulo talagang tingnan.

"Lola!"- pagtawag ni Zhikia na nakita kong pumanhit sa hagdan papunta sa tatlong kwarto sa itaas. 

Nagpa-iwan ako dito sa sala. Hindi ko alam pero may naramdaman talaga akong kakaiba. Lumalakas na hindi ko alam ang kapangyarihan kong dilim.

"Wala si Lola dito."- narinig ko ang boses ni Zhikia. "Lola!"- naguguluhang tinig ni Zhikia.

Wala na naman akong nakitang tatlong mukha ng mga mag-aaral dito.

Impossibleng ito ang lugar na dinala ang tatlong kapwa namin mag-aaral.

"Zhikia, halika na"- saad ko sa kanya na nasa itaas.

"Tepher,  wala si Lola."- saad niya na pumanhik na at papalapit na sa akin.

"Anong ginagawa ninyo dito?"- narinig ko ang tinig na malumanay sa labas. "Nasan si Zhikia?"

Alam kong lola na yan ni Zhikia.

Agad kaming pumunta ni Zhikia dito sa paanan ng pinto.

"Lola!" - Natatanaw na namin ang lola ni Zhikia na nakasuot ng bastidang itim. Nakatingin lang sa akin sina Glent, LG, Dhane, at Coleen.

Tiningnan pa ako ni Coleen na 'may nakikita-ka-dyang-kakaiba?-look'

"Wala"- mahina kong saad mula dito sa paanan ng pintuan sa kinatatayuan ngayon ni Coleen.

Nakita ko ding nagyakapan sina Zhikia at ang Lola niya.

Lalabas na sana ako dito sa paanan ng pintuan ng bahay nila Zhikia ng may nahagilap ang mga mata ko.

Teka!

"Papaano-" - nasambit ng bibig ko na hindi naman natapos dahil sa nakita ko.

Madali akong lumabas nang tuluyan dito sa pintuan at pumunta sa gilid ni Coleen.

"Nothing?"- napatingin agad ako kay Glent na nagtatanong. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Paano kung hindi tama ang hinala ko patungkol sa nakita ko sa bahay nila ng lola ni Zhikia?

"Wala doon."- pasagot ko ng matuwid. Nag-uusap ang lola ni Zhikia at si Zhikia ngayon, hindi ko alam kung bakit parang tinitingnan ako ng lola niya.

I can't move on from what I just saw.

"Mag-ingat ka din apo."- narinig kong giit ng lola ni Zhikia.

Naglalakad na kami ngayon. Nagulat nalang kaming lahat ng napatigil kami sa paglalakad at nararamdaman ko nalang na pumikit na ang mga mata ko.

Pagkamulat ng aking mga mata, nagulat ako dahil iba na ang nakita ko kung nasaan na kami ngayon.

"Where are we?"- saad ni Zhikia.

"I think we are in a big cave." - giit ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko sa bahay nila Zhikia.

"We failed to find the three students." - tumingin ako kay LG.

"Not yet."- giit ni Glent. "Where's the book?" - pagtatanong niya kay Zhikia.

Mas nagulat kaming lahat sa sinabi ni Zhikia.

"Naiwan ko ang libro sa bahay ni Lola."

Natahimik nalang sila maski ako

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon