Zhikia Veleene Fenancial's POV
"Your eyes"- magkasabay naming sabi sa isa't isa.
Nagulat ako dahil sa sinabi niya sa akin.
Kung sinabi niya yun, ibig sabihin ganun din ang aking pares ng mga mata?
Nakaramdam ako ng daloy ng kuryente sa mata ko.
Dun ko lang nakita ang mga mata ko sa mata ni Glent na may kumikislap.
Tiningnan ko nalang ang kamay ko na hinawakan niya.
Hindi ko rin alam kung naririnig pa ba ng mga Minrus na nakapalibot sa amin ang aming pinag-uusapan ni Glent pero pakiramdam ko ay hindi na dahil nakikita kong may inihahanda sila.
Ang mga regalong ibibigay nila kay LG at Tepher.
Nabigla nalang ako ng bigla akong niyakap ni Glent.
"I love you, remember that."
*
"So? What happened earlier ah?"- pagtatanong ni Coleen saming dalawa ni Glent.
Nandito na kami sa lamesa pero hindi ko katabi si Glent dahil kaharap ko lang siya kaya todo pangiti-ngiti ito sa akin at halatang nang-aasar.
Kung hindi ko lang talaga siya mahal!
"Inamin niyo na rin no?"
Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni Dhane sa halip ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga Minrus na nasa gitna na nakalinya dala-dala ang mga regalo nila.
Kasalukuyang bigayan na ng mga regalo kaya nakokonsensya ako dahil wala akong maibigay dahil ngayon ko lang nalaman na birthday pala nila LG at Tepher dahil ngayon lang din nila pinaalam sa akin.
Sinabi naman sakin nina Tepher at LG sakin kanina na kahit wala ay okay lang daw.
"Suportado ako sa nagmamahalan"- napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko si Sir Weru.
Nasa likod niya si Jellu.
Niyuko ko nalang ang ulo ko.
Nag-usap pa sila ng nag usap pero hindi ko na ito pinakinggan.
Maya-maya pa ay napatigil ako dahil sa matinis na boses na pumawala sa loob ng isipan ko.
Tiningnan ko sila, ganun din ang kanilang mga ekspresyon na nabigla sa matinis na boses na dumaan sa kanilang isipan.
"Nandito na ang tatlong sorcerers na binilinan ko na ipaalam sa atin kung may nakuha na ba silang impormasyon kung sino ang nakatadhana"
Ang nakatadhana.
Pagkatapos ng maikling kasiyahan,
Sumunod na naman ang pangmatagalang kalungkutan."Good"- ewan ko kung sinong sinabihan ni Glent sa sinabi niya.
Nakita kong naglalakad sina Tepher at LG papunta sa kinaroroon namin.
Tapos na siguro ang pagbibigay ng regalo ng hindi ko namamalayan.
May sinag nalang ng liwanag ang pumalibot dito sa Hall at sa isang iglap, nasa harapan na namin ang tatlong sinabing sorcerers ni Jellu.
"Nandito na nga sila"- giit ni Jellu.
"Magandang gabi"- bati ng sorcerer na nasa gitna. "Kami ay pumarito para ipaalam sa inyo ang aming nakalap na impormasyon. Yung nga lang walang isa sa impormasyon ang nagsasaad na kung sino ang nakatadhana."
"May inilabas na ngang nakatadhana pero hindi namin makita kita kung sino ang nakatadhana"- giit ng isang sorcerer sa kanan na panay ang tingin sa akin.
"Pero kahit ganun pag-bubutihin namin na mangalap ng mga impormasyon para malaman kung sino siya." - giit ng panghuli.
"Nauunawaan namin. Salamat."
"Kami lang ay pumarito para ipaalam iyan sa inyo. Hanggang sa muli"- giit ng nasa gitna saka na sila nawala bigla sa harapan namin.
Tiningnan ko ang mukha nina Sir Weru at Jellu.
Alam kung ang hirap ng ganitong sitwasyon, yung ginawa mo na ang lahat pero wala paring epekto't kalalabasan.
Matatapos din itong problemang ito.
Maliligtas rin ang dapat mailigtas.
Sa tamang panahon, dahil alam kong malapit na ito.
Malapit ng magwakas.
"Are you okay LG?"- napatingin ako sa gawi ni LG dahil sa tanong ni Tepher.
Nagiging maputla na ang mga balat ni LG agad nalang siyang natumba't mabuti nalang at nasalo siya ni Sir Weru.
"Dalhin natin si LG sa Dorm, kulang lang siguro siya sa pahinga." - giit ni Coleen na halatang alalang-alala sa kalagayan ni LG.
Hinimas-himas ko nalang ang likod niya.
*
Nandito na kami sa dorm. Kasalukuyang nasa sarili niyang kwarto si LG kasama sina Dhane at Coleen.
Kakauwi palang din ng mga Minrus Officials habang kami ni Tepher ay nandito sa sofa na naka-upo.
Nag-aalala ako kay LG dahil sa biglaan lang siyang natumba. Wala din ako ideya sa nangyari kung pakana ba ito ng kadiliman.
Tapos narin akong magbihis ng damit pantulog. 10 PM pa pero gising pa ang diwa ko.
"What if kung may masamang mangyari kay LG?" - tiningnan ko si Tepher.
"Wag kang mag-isip ng ganyan Tepher. Okay lang si LG. Okay siya"- pakalmang giit ko sakanya.
Nakita kong kakalabas lamang ng kwarto ni LG sina Coleen at Dhane.
"Magiging okay din ang lahat. Goodnight"- giit ni Dhane saka pumasok na sa kanyang kwarto.
"Here Tepher" - saad ni Glent sabay lahad ng basong tubig kay Tepher.
"Salamat Glent."
"Goodnight"- narinig namin ang boses ni Coleen sa di kalayuan na may kinukuha saka pumasok na sa kwarto niya.
"Matutulog narin ako. Goodnight for the both of you"- ani ni Tepher na patungong kusina para ilagay sa lababo ang baso.
"Go to sleep now Zhikia"- tiningnan ko lang siya sa kanyang mga mata.
"You too." - nagsisimula na akong maglakad ng hilahin niya ang kamay ko, saka ako nagulat sa ginawa niya.
Hinalikan niya ko sa noo ko.
"Goodnight. Sleep well"
"Goodnight"- nakangiti kong ani saka ako naglakad papunta sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...