CHAPTER14: TUOBA AILOTRAF

207 29 17
                                    

Zhikia Veleene Fenancial's POV

Nakabalik na kami dito sa Fartolia.

Nandito na kaming lahat sa dorm.

Kaming tatlo nina Coleen at Tepher ay nandito sa sala habang ang tatlong boys.

Abay ewan ko!

Baka pagod at natulog.

"Do you believe from what we've encountered?" - nakatingin lang ako kay Coleen. "You know Miguella?"

"Maybe but I think tomorrow, ipapatawag tayo sa mga Officials"

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

One week na simula nung napunta ako dito sa lugar na ito.

Sa mga araw na nagdaan, masasabi kong mas nagiging malapit na ako sa kanilang lahat maliban lang siguro kay Glent.

Tch.

"Hey, Nakikinig ka ba Zhikia?"- Napatingin agad ako kay Tepher.

"Of course, She is. She's just thinking about something hahaha. Don't you want to sleep? It is already passed 10 PM" - saad ni Coleen.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Binasa na naman niya ang laman ng utak ko ngayon.

Bawal yun!

"Wag kanang magalit Zhikia"- Mas lalong sinamaan ko ng tingin si Coleen. "Hehe Matulog na nga lang ako" - saka na siya pumasok sa silid niya na bumelat pa sa akin.

"Goodnight Coleen!"- sigaw ni Tepher. "Ikaw, di ka pa ba matutulog Zhikia? Matutulog na kasi ako"- humihikab pa siya na nagpapapout sa chin niya.

"Mauna ka nalang"- saad ko sa kanya.

Tumango lang siya saka pumasok na sa sarili niyang kwarto.

"Goodnight"

Nandito lang ako sa sala. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako dinadalawan ng antok ngayon. 11 PM na din basi sa nakita kong malaking orasan dito sa sala.

"Kamusta na kaya si Lola?"- Pagtatanong ko sa sarili ko. 

Miss ko na siya. Sana ok lang siya.

Aja! Wag kang masyadong drama Zhikia. Ok lang yung lola mo.

Napangiti ako sa inisip ng utak ko. Sana nga.

Nagulat nalang ako ng may lumiwanag na isang bagay sa isang sulok dito sa sala.

Nilapitan ko ito at napagtantong isa itong libro. Hindi padin nawawala ang liwanag nito.

Nakakasilaw ah!

Hinawakan ko ito at binasa ang nakasulat sa harapan.

"Tuoba Ailotraf"- Pagbabasa ko nito.

Anong Tuoba Ailotraf?

Greek word ba to?

Hindi ko pa naman binuksan ang unang pahina ay kusa lamang itong bumukas.

Akmang babasahin ko na sana ang kung ano man ang nakasulat dito subalit agad ko nalang itong itinago sa likod ko ng may nagsalita sa harapan ko.

"That's why you're too petite."- saad niya na nakapamulsa.

Nakasuot siya ng jeans at hood.

"Ako? Petite? Mas masasabi ko pangang petite ka kaysa sakin"- saad ko na binulong ang hulihang kataga.

Tiningnan niya lang ako gamit ang walang kaemo-emosyon niyang mukha.

Bato ba ang mukha niya? Bato?

"You're hiding something" - saad niya na tumingin sa hindi ko alam kung san siya nakatingin ngayon.

Ang libro.

Next thing I knew, wala na siya sa harapan ko at nasi-sense ko ang sarili niya sa likod ko.

Buti nalang at agad ko ring ginalaw ang libro na nasa likod ko kanina at ngayon ay nasa harapan ko na nang mabilis siyang pumunta sa likod ko.

Edi siya na ang mabilis kumilos.

"Wala akong tinatago"- nagboboses strikto ako.

Eh, wala naman talaga akong tinatago.

Kasalanan niya, susulpot-sulpot lang siya bigla! Ayan tuloy naitago ko sa likod ko.

"Tch."- rinig kong lumabas galing sa bibig niya.

Wag naman! Kung hindi ako nagkakamali!

Nakaramdam nalang ako ng ginaw sa mga kamay ko ng hawakan niya ito.

Hinawakan niya ang kamay ko?!

Dahil sa biglaang paghawak niya sa kamay ko ay napatingin ako sa  mukha niya ngayon.

Sa mukha ng Glent na'to.

Narinig ko nalang ang pagbagsak ng libro na hindi padin nawawala ang liwanag na nakakasilaw.

"You're hiding something ah!"- napalanghap nalang ako ng hangin dahil sa sinabi niya.

"It's too obvious" -  dagdag niya pa.

Napaisip ako sa sinabi niya.

Tompak!

Kaya pala nya nalaman na may tinatago ako dahil may liwanag kasi ang libro! 

Sigurado akong nakita niya ang liwanag mula sa likod ko kanina.

Bobo ko masyado!

Nakakahiya.

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon