Zhikia Veleene Fenancial's POV
Nagising ako ng nasa loob na ako ng isang hawla't nakakulong na ako dito. Bumungad sa akin ang mga itim na mga tao na may isang mata.
Nakakadiri.
Nandito na nga ako sa lugar ng mga kadiliman. Itim lang ang makikita mo dito sa lugar nila't walang anumang iba pang kulay. Nasa harapan ako ngayon ng maraming mga kadiliman. Nag-uusap ang lahat ng mga kagaya nila pero di ko sila maintindihan, may sariling wika silang ginagamit.
"Maligayang pagdating dito sa pamamahay namin Air Descendant"- seryoso at nakakasindak na giit ng katabi ko ngayon na nakaupo sa malaking upuan at kaharap sa mga pinamumunuan niya.
Siya ang reyna ng mga kadiliman sa pagkakaalam ko. Sigurado akong siya ang nagmamay-ari ng maimpyernong tinig na naririnig ko sa isipan ko nung gabing nasa Fartolia ako.
"Alam mo na naman siguro diba kung ano ang gagawin namin sa iyo?"- siya lang kaya siguro ang marunong na magsalita ng Tagalog? Kasi ang tahimik lang ng mga kauri niya. Tss. Halatang nakikinig at taimtim na nakatingin sa akin.
"Alam mo na diba?"- pag-uulit ng reyna nila.
Oo, alam ko kung ano ang gagawin ninyo sa akin, kukunin niyo lang naman ang dugo ng isang katulad ko para tikman ito't maging isang makapangyarihan na kayo. Pero hindi-hindi niyo iyun magagawa, dahil bago niyo pa man gawin iyun siguraduhin ko munang mamamatay at mawawala na kayo sapagkat papatayin ko ang sarili ko. Bobo kasi sila kasi hindi nila alam kung ano ang gagawin ko. Wala silang kamuwang-muwang patungkol sa nakatadhana na kapag napatay ng isang nakatadhana ang kanyang sarili mawawala rin silang lahat. Yun ang hindi nila alam.
Nakita kong lumapit sakin dito sa hawla ang reyna nila.
"Ihanda mo nalang ang sarili mo hahahahaha. Pero bago namin kukuin at iinumin ang sarili mong dugo hayaan mo muna kaming makapaglibot at makapagwasak sa Fartolia at sa mga kauri mo"
Napasmirk ako.
Kung uunahin nalang kaya nilang kunin ang dugo ko bago sumugod sa Fartolia, mas maging makapangyarihan pa sila nun.
"Nasan ang lola ko?"- pagtatanong ko sa kanya. Naglakad siya at umupo pabalik sa inupuan niya kanina.
"Hahahahaha kawawa ka naman"- yan lang ang naintindihan ko sakanya dahil may sinabi siya sa kanyang mga kalahi na hindi ko alam.
Posibleng itong reyna ng kadiliman na ito ang lumitaw doon sa kagubatan nung pinapahanap kami ni Mr. Weru ng sole stone at unique flower na sinasabing nagbalik na daw sila.
May papalapit na isang kadiliman sa hawla ko. Nakatingin ng nakatingin lang ito sa akin habang lumalapit.
Anong gagawin niya?
"Hindi mo ako makilala Zhikia? Ako 'to"- sa boses niya palang, kilalang kilala ko na kung sino siya. Siya ang lola ko.
"Lola"- giit ko sa kanya.
Dun ko nalang siya tuluyang nakilala ng nagbago ang anyo niya, ang anyong tao.
Anong ibig sabihin nito?
"Hindi mo ako lola kaya wag mokong matawag-tawag na lola"- pagbabanta niya. "Kakampi ako ng mga kadiliman. At higit sa lahat magkalaban tayo Zhikia. Isa akong witch na nasa lower Minrus noon, nung malaman kung nagbuntis ang isang Air Descendent na ang mama mo dun ako nagsimulang gawin ang sarili ko na mag-anyong tao tutal nakita ko ang mama mo noon sa kagubatan at nagbibigay sayo ng mga salita na dun ka niya itatapon sa mga Mortal na tao. Para di nila malaman na ikaw ang pinakamakapangyarihang Minrus na nangyari na ngayon."- nanlilisik siyang nakatingin sa akin. "Agad akong nag-anyong tao sa mga panahong iyun at hinanap kita sa lugar ng mga Mortal at saktong nakita kita sa gilid ng daan kaya kinupkop kita at nagsisilbi-silbihang akong lola-lolahan mo hanggang sa lumalabas at nagpapakiramdaman na ang kapangyarihan mo ay nagkunwari akong wala alam pero sa totoo ay alam na alam ko"- unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...