CHAPTER31: DOWN

134 16 17
                                    

Zhikia Veleene Fenancial's POV

Sumalubong sa mga mukha naming lahat ang hindi makapaniwalang reaksyon sa mga nakikita namin ngayon sa Fartolia.

Maski ako nagulat.

Ang Fartolia ay hindi ganito ng kami ay umalis.

"What happened? Bakit nagkakaganito?" - naguguluhang ani ni Dhane.

Naglalakad na kaming anim ngayon.

Marami akong nakikita na mga nasusunog at nasisira na mga bahay ng mga Minrus kaya kahit saan ka bumaling may nakikita kang mga usok.

Nagiba na ang magandang Fartolia na nakita ko noon.

Anong nangyari?

"Malaki ang kutob kong may nangyari dito."- diretsong saad ni Coleen na hindi rin makapaniwala sa kanyang nakikita.

Nakuha ang atensyon ko sa isang bata na nakayuko sa di kalayuan na masasabi kong umiiyak.

Nakita ko nalang ang sarili ko na lumapit sa kinaroroonan ng bata.

"Are you okay?" - mahinhin kong sabi sa bata ng makalapit ako sakanya.

Hindi sumagot ang bata sa tanong ko kung kaya't nakayuko parin ito.

Hinahagod ko na lamang ang likod ng batang ito dahil alam kong umiiyak ito dahil sa naririnig kong mga hikbi.

"An-g ina'y at itay k-o"- magsasalita na sana ako ng may narinig akong boses na nanggaling sa likod ko.

Si Glent.

"Why? What happened to your parents?" - dahil sa biglaang tinig niya napalingon agad ang bata sa nagsasalita.

"Hi-ndi m-o po alam?"- tanong ng bata. Mas lalo akong na-curious. Lumakas ang iyak at paghikbi ng bata. "Kinuha si ina'y at ita'y ko ng mga naka-itim na ta-tao"

Hindi kaya?

Tama batong naiisip ko?

Nakita kong napatingin si Glent sa ibang direksyon at siyang pagdating naman nila Dhane, LG , Coleen at Tepher na may bahid na kalungkutan sa kanilang mga mukha.

"Inatake ang Fartolia" - giit ni Tepher.

"Darkness" - magkasabay na bulong nina Coleen, LG at na rinig na rinig naman.

"Umatake ang mga kadilimang iyon habang wala tayo. Kailangan natin puntahan ngayon ang-" - Hindi na natapos sa pagsasalita si Dhane dahil sumabat na si Tepher.

Napatingin lang ako sa kanilang lima.

"Puntahan natin ang elemental temple, so that we can asked the highest counselor what really happened here"- Napatango si Glent saka na naglalakad, sumunod nalang din kami.

Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari ngayon sa Fartolia.

Malakas ang kutob ko ngayon. Nawala ang libro, at ito naman ang bumungad na Fartolia sa aming anim pagbalik.

Napatigil kami sa paglalakad.

"Missionaries"- giit ni Jellu ang pinakamataas sa mga Minrus Officials.

Agad nila kaming pinatigil sa paglalakad ng madaanan at nakita nila kami. May kasama si Jellu na walo pa niyang kasamahan na mga Minrus Officials rin.

Hindi paman kami nagtanong nag kung ano ay nagsalita na sya.

"Biglaang inatake ang Fartolia ng kadiliman, Wala kaming ibang nagawa kundi ang lumaban kasama ang mga executing officials. Marami sila, kaya kailangan narin namin ang tulong ng mga Minrus kung kaya't gamit ang kani-kanilang angkin mga kapangyarihan lumaban rin sila kasama ang ating pinuno ( Highest Counselor ). Ginawa na namin lahat, ipinalabas na namin ang aming mga angking lakas na kapangyarihan sapagkat hindi talaga namin kayang labanan sila. Marami ang mga kadiliman, mapa-tao man o mga hayop na kabilang sa mga kadiliman. Nakita niyo naman ang resulta ng lahat dahil sa paglalabanan, maraming nawasak at natupong mga bahay at emprastraktura ng mga Minrus."

Napatigil siya sa pagsasalita at saka tumingin sa amin ng diretso. " Pero hindi lang yan ang resulta. Sa kasamaang palad, natalo tayo laban sa mga kadiliman, maraming mga Minrus at mga kasamahang naming mga officials, mapa-executing man o minrus officials ay nadakip din. Dahil doon ang ginawa ng ating pinuno ay ang gamitin ang kanyang huling magawa para sa kadiliman, ang mapaalis ang mga ito bago paman mawasak ng buo ang Fartolia. Inilabas niya ang kanyang kapangyarihan para makagawa ng portal, dahil doon unti-unting napapapasok ang mga kadiliman sa portal subalit kapalit pa din doon ang ating mga kapwa Minrus na napapasok rin nga sa portal dahil tinangay sila ng mga kadiliman pero sa huli-hulihan agad na may kumuha na isa ring kadiliman sa highest counselor at dinala at ipinasok din ito sa portal, at isa lang ang nasa isip namin ngayon. Ang pinuno ay natangay at nandoon ngayon sa lugar ng mga kadiliman."

Napatulala ako sa kanyang sinabi. Ang highest Counselor ay nandoon ngayon sa lugar ng kadiliman.

Nang dahil sa kanya nakabalik kami dito sa Fartolia.

"Ibig sabihin, ng tulongan tayo ng pinuno para makabalik rito sa Fartolia ng kanyang portal ay nasa kamay na siya ng kadiliman nun."- saad ni Coleen.

Napatango si Glent.

"Kumusta ang pinuntahan niyo?"- tanong ng isa sa mga Minrus Official sa amin.

"Hindi na namin sila naabutan pa. Alam na din ito ng pinuno dahil tinawag namin siya at nagpakita siya sa amin bago niya kami bigyan ng isang portal para kami ay makabalik dito sa Fartolia"- diretsong saad ni Dhane.

Parang nainis ako sa sarili ko, dahil ito sa akin kaya nawala ang libro.

Ako din naman talaga ang may kasalanan.

"Kailangan natin makuha ang pinuno sa mga kamay ng kadiliman. Hindi natin alam kung ano ang maging gawin nila sa kanya"- napantig ako sa sinabi ni Jellu.

Tama siya, pero may problema padin ako, kailangan ko rin maibalik ang libro.

"How? We even don't know kung nasaang lupalop na ngayon ang mga kadiliman."- ani ni Tepher. Tumingin sakanya si Jellu saka may dumating na mga executing officials.

"Sila. They can track down kung nasaan na ang kadiliman ngayon."- napatango si LG.

"Kailangan nating mag-plano ng mabuti."- tugon naman ni LG.

"Missionaries"- napatingin kami sa nagsasalita. Ang pinuno ng executing officials. "Nasa sa inyo na ba ang libro? Kung nasa inyo na, nasaan?"

Napalingon kaming lahat sa kanya.

"Libro?"

"Ang librong TOUBA AILOTRAF"- napatigil ako sa narinig ko.

Tiningnan ako sa mga mata ng pinuno ng executing officials na parang may ipinahiwatig sya sa akin subalit hindi ko mabasa-basa. Ganun din nakatingin si Jellu sakin, ang pinuno ng Minrus Officials.

"We lost it"- diretsong sagot ni Glent.

Hindi ko alam pero parang sinisisi ko na naman ang sarili ko.

"Importante ba ang librong iyon?"- saad ni LG. Parang natameme lang ako dito na walang masabi.

Kasalanan ko ito.

"Kailangan natin yun para ma-track down at mahanap ang kadiliman ng mabilis. Importante ang librong iyon, dahil makatutulong din iyon sa inyo Missionaries"- tinitingnan lang ako sa mga mata ni Jellu habang siya ay nagsasalita.

"Kailangan niyong mahanap ang libro"

Paulit-ulit na bumabalik at tumatatak sa utak ko ang huling sinabi ni Jellu.

'Kailangan niyong mahanap ang libro'

'Kailangan niyong mahanap ang libro'

'Kailangan niyong mahanap ang libro'

Hindi ko na masyadong narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil biglang nanlalabo ang aking mga mata, bumibigat ang aking pakiramdam at parang pinipiga ang aking ulo.

"Zhikia!! Okay ka lang?"- huling narinig kong salita bago ako mawalan ng malay.

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon