CHAPTER35: UNDONE

97 16 8
                                    

Coleen Yesha Almor's POV

Pumasok kami dito sa isang makitid na daan.

Maitim ang kulay na pumapaligid sa amin ngayon at maraming mga usok na bumabalot sa lahat ng dinadaanan namin.

"Malayo pa ba?"- pagtatanong ni LG na nakasunod lamang sa akin.

Ako ang nauna sa kanilang lahat.

Nakasunod sa akin ay si LG, tapos si Tepher, Dhane, at ang nasa huli ay si Glent.

Napasama nalang ang mukha ko sa pagtanong ni LG.

Sabihin niyo nalang na ma-harsh ako.

Tsk* siguro may hindi pa talaga ako alam kung bakit parang ayaw na ayaw ko talaga kay LG. Sabihin nalang natin na- ah basta ayaw ko sa kanya! Yun na yun.

"Hoy! Malapit na ba tayo?"- pag-uulit niya ng tanong.

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din sila.

"Pwede ba! I have my own name so tigilan mo yang 'HOY' na yan! It's so irritating!"

Napatingin ako sa gawi nila Tepher ng sabay silang tumawa ng mahina ni Dhane.

"LQ sila oh! Prft hahahahhaha"

Mga loko talaga tsk*

"At pwede ba pakitingnan nalang kung nasan na tayo, hindi puro tanong ka ng tanong dyan"- pagbabanta ko kay LG saka na ako nagpatuloy sa paglalakad.

Napatigil na naman ako ng maramdaman kong lumamig ang mga parte ng katawan ko.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid.

Mas hindi na masyadong madilim ang paligid dito kaysa nung unang pumasok kami dito sa lugar nila na ito kung saan gusto naming puntahan at makita ang mga nahuling mga Minrus at ang pinuno namin para maligtas namin laban sa mga kadiliman bago pa mahuli ang lahat.

"What happened?"- I heared Glent's voice.

Nagsimula akong maglakad pero sa bawat paglakad ko parang may kakaiba.

Naramdaman kong parang nandirito parin ako sa posisyon ko kung saan ako tumigil kanina.

"Hindi na tayo makakapasok pa dahil may portal"- diretsong giit ko sa kanila. "Per-" - Hindi ko matapos ang aking sasabihin dahil sumabat silang lahat sa akin.

"Portal!?"- pagtatanong nila.

Napatango ako.

"But we can enter anyway. Kung nakalimutan niyo, we do have our animal spirits"- giit ko.

Sinabi na iyon sa amin ni Mr. Weru na gamit ang mga animal spirits namin kaya naming makalabas masok sa isang portal na hindi sa amin.

Ibig sabihin, makalabas at pasok kami sa portal ng mga kalaban namin gamit ang kapangyarihan ng aming mga animal spirits.

"Muntik ko nang makalimutan"- saad ni Tepher.

Naglakad papunta sa direksyon ko si Dhane. Dinukot niya ang animal pendant niya na shark sa bulsa niya.

"Calling the animal spirit of the Shark. Let me in, the last handsome guy on Earth"- lumiwanag ang dalang pendant ni Dhane.

Isa pa to!

Nakita kong lumiwanag ang kanyang dalawang pares na mata at lumabas ang mukha ng mabangis na animal spirit niya mula dito saka siya nawala.

Napasmirk ako. Nakapasok at nandoon na yun si Dhane.

Sumunod si LG. Napairap nalang ako.

"Calling the animal spirit of the Cheetah" - gaya ng nangyari kay Dhane. Lumiwanag ang dalang pendant ni LG at may lumabas na mukha ng Cheetah sa mga mata niya saka siya nawala.

Sumunod si Tepher at Glent.

Kagaya ng nangyari kina Dhane at LG, lumiwanag at lumabas din ang mukha ng kanilang mga animal spirit na Eagle at Tiger at nawala na sila.

"Let me in. Calling the animal spirit of the Wolf"- napaawang kong sabi. Wala akong kahit na anong nararamdaman dahil parang pumasok lang din naman ako sa isang normal na portal.

"Coleen, over here"- may narinig akong nagsalita sa di kalayuan kaya nilingon ko ito.

Nakita ko sina Glent, LG, Dhane at Tepher.

Nagpatingin-tingin ako sa paligid.

Wala pa ring nagbago marami pa ding maiitim na usok at maitim pa rin ang paligid. Pinuntahan ko kung nasaan sila Tepher.

"Where are we going now?"- diretsong giit ni Glent ng makalapit ako.

Nagpalingon-lingon ako. Wala namang kakaibang nandirito kundi maitim at mausok na nakapaligid sa lugar na ito. Napatingin kaming lahat kay Dhane.

"Wait!"- sigaw ni Dhane. Nakita naming napataas ang kanyang kamay. "I heared something over there"

Ikaw pa na mataas ang pandinig.

Napalingon kaming lahat sa itinuro niya. May malaking daan kaming nakita.

"Let's go!"- giit ni Glent na nagsimula ng naglalakad ngayon dito sa daan. Sumunod nalang kaming lahat sa kanya.

Napatigil at pumasok kami mula dito sa malaking daanan o sabihin nalang nating isang gate.

Ganito pala kalaki ang lugar ng kadiliman. Tsk*

"Missionaries"- napatigil kaming lahat sa paglalakad dahil sa narinig naming may nagsalita.

Sabay kaming napalingon.

Agad kaming napayuko at napaluhod sa nakita namin.

***

Zhikia Veleene Fenancial's POV

Nandirito ako sa mataas na lugar.

Nakatanaw lang ako sa mga ulap at sa malawak na dagat na makikita sa baba ng ulap.

Naramdaman kong tumulo nalang ang mga luha ko na nanggagaling sa dalawang mata ko.

Hindi tumigil sa paglagak ang mga butil kong luha sa mukha ko.

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.

Napalingon ako sa liwanag na nakita ko sa gilid ko.

Ang libro.

"Hindi pa tapos ang dapat mong kalabanin" - narinig kong tinig ng isang babae.

Alam kong hindi pa talaga.

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon