Glent Christopher Wester's POV
Marami ng mga panahon ang lumipas mula nung nangyari ang panghuling bakbakan ng mga Minrus sa mga kadiliman.
Mapayapa na ang Fartolia at masayang naninirahan muli ang mga Minrus kasama ang mga panibagong mga Minrus. Ang panibagong Minrus na sinasabi ko ay ang mga duwende. Naninirahan na sila pabalik dito sa Fartolia dahil iyun sa lolo ko na pinuno ng Fartolia. Nung una, hindi makapaniwala si lolo sa kinahinatnan ng bakbakan dahil sa ginawa ni Zhikia pero natutunan na niyang tanggapin ang lahat ng nangyari. Sa makatuwid, masaya na sila ngayon pero kahit na masaya na sila hindi parin mawala-wala ang lungkot sa kanilang mga puso at isipan kung ano ang nangyari noon.
At dahil iyun kay Zhikia.
Lahat ng mga kauri naming nadakip ng mga kadiliman ay napalaya na. Pati na rin si lola na pinuno pa rin namin dito sa Fartolia ay nailigtas.
Pero paumanhin at ako'y nabigo sa dapat ko sanang gawin. Hindi sana nangyari iyun sa iyo Mahal.
Sa iyo Zhikia.
Higit pa riyan, nalaman na rin namin ang mga dapat naming malaman.
Ang patungkol sa libro?
Ang librong TOUBA AILOTRAF ay ang librong binuhay at ginawa ng ina ni Zhikia, iyun ay ginawa ng Air descendant na ina ni Zhikia para sa kanyang anak at para sa mga makabagong Missionaries. Kami. At ang Teleportation spell, hindi si Miguella ang nagnakaw ng iyun. Nagkamali kami sa pagbintang sa kanya dahil ang totoong kumuha ay ang lola ni Zhikia.
Nalaman din namin na hindi totoong mortal ang lola ni Zhikia dahil siya ay isang imortal. Isa siya sa mga lower Minrus noon. Siya ay isa sa mga kadilimang kalaban namin.
Ginamit niya lang si Zhikia dahil sa kapangyarihan nito.
May sinabi rin si Tepher sa amin na noon pa man ay may hinala na talaga siya sa lola ni Zhikia. Sinabi niya na hindi ito isang normal na mortal lang dahil para sa kanya ito ay isang imortal at kabilang sa mga kalaban namin na tinatawag na kadiliman. Nang dahil iyun sa bagay na logo na nakita niya sa bahay nila Zhikia doon sa mortal world noong kami ay naghahanap sa tatlong kapwa namin estudyante na kung saan kami ay bigong mahanap sila dahil nahuli na kami.
Lahat ng impormasyong iyun ay nalaman namin nang dahil sa isang libro. Isang libro na lumitaw na lamang ng hindi namin alam kung saan nanggaling pagkatapos ng nangyaring digmaang. Isa iyung hiwaga sa amin para malaman ang lahat-lahat.
Kaya lubos kaming nagpapasalamat sa libro na iyun dahil sa mga impormasyon.
"Papa Glent let's go"- napatingin naman ako sa kung sino ang tumawag ng pangalan ko. Si Tepher na pangiti-ngiti pa, halatang nang-aasar.
Papa? Tss-
Tiningnan ko lang siya ng masama. "I don't want"- galit kong giit sa kanya.
Iniluwa naman sa pintong iyun sina Dhane, LG, at Coleen.
"Anubayan! Sinabi mo kagabi na sasama ka sa amin! "- pagmamaktol ni Coleen.
"I don't want."- yan lang ang sinabi ko.
"But Glent it's your- -"- nagagalit na talaga akong nakatingin sa kanila.
Mukhang na gets' naman nila na ayaw kong sumama kaya dismayado silang umalis at lumabas.
"Segi, kami nalang. Alis na kami."
Hindi ko alam kung saan ba sila pupunta.
Gagala-gala lang siguro sila, basta ako, ayaw ko.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...