Dhane Xiron's POV
Nasisiyahan na sana ako dahil konti nalang ang natitirang mga kadiliman dahil napatay na namin ang karamihan sa kanila.
Subalit agad nalang akong napapitlag ng yumanig ang lupa at lumalabas mula doon ang mga naglalakihang mga dambuhala.
Limang mga higante.
"Dhane! Watch out!"- sigaw ni Tepher sa akin.
Pinalabas ko ang mga ice kong matutulis.
Ang tubig na pinatigas ko para maging ice.
Dinirekta ko itong pinapatama sa dalawang higante na papalapit sa lugar namin ni Tepher.
"Jellu!"- agad akong napatigin sa malakas na sigaw ni Glent.
Nakita kong natumba na si Jellu at may malaking sugat siya sa ulo dahil sa mga tama ng higante.
Tinulungan naman siya ng iba niyang mga kasamahan sa Minrus Officials.
Makakaya natin to.
"Dhane 'e target mo lang yang leeg at mga tuhod nila"- napatingin ako kay Tepher dahil sa sigaw niya.
I saw her body na nilalamon ng kadiliman at dumilim ang buong katawan niya kaya gayun din ang paligid niya.
"Segi!"- giit ko kay Tepher.
Napatingin na naman ako sa biglaang pagsigaw ng mga kasamahan ko.
Nangingipit sila sa sakit dahil sa mga tama na nakuha nila mula sa mga higante.
Karamihan na sa aming mga Minrus ay natumba na't kinakapa nalang ang natamong sugat na nanggagaling sa mga kalaban.
Kailangan namin ng back-up.
Mabuti naman at nakita kong pumwesto na ang mga back-up naming mga Minrus na mga lalaki.
Mabuti naman.
Itinuon ko nalang ang sarili ko higante malapit sa lugar ko.
Pero napalundag at agad akong bumagsak ng biglang sabay na nagpalabas ng 'Thenos' (water, fire, at air ball) ang dalawang higanteng malapit sa akin.
Ang sakit.
"Dhane!"- pagsigaw ni Coleen at agad akong inilalayan.
"T'ska mo muna ako aalalayan kung tapos na ang laban Coleen."- giit ko sa kanya kaya napatigil siya sa pag-alalay sa akin.
"Bakit Dhane?"- namimilipit at di ko ipinahalata na parang nilalamon na ng sugat ko ang katawan ko.
Kakayanin kong lubanan, pero parang di na kaya ng katawan ko ang lumaban.
**
Loie Gem Chon's POV
Nagbigay ng lakas ng loob ang lahat ng nakikita ko ngayon.
Ang makita kong maraming pagbagsak ng mga kasamahan kong mga Minrus na natamaan ng mga kapangyarihang patuloy parin na pinapalabas ng mga Higante ay nagbibigay ng lakas sa akin.
Mabuti naman at hindi na namin kailangan pang tawagin ang mga back-up naming Minrus kundi sila na ang kusang pumwesto sa mga lugar na dapat sila pumiwesto.
Paika-ika at nakahawak ako sa braso kong naglalakad para harapin ang dalawang higanteng na nagpalabas ng kapangyarihan na kung saan ang natamaan ay si Dhane.
Dahil sa hindi ko na kaya pang palabasin ang kapangyarihan ko sa kamay, pinalabas ko nalang ang mahika kong 'malakas na lindol' sa pamamagitan ng pag-iisip nito ng taimtiman.
Lumabas at yumayanig na ang paligid.
Pero kapalit niyon ang poot na di ko kayang mapatumba ang dalawang higante.
Nagpatuloy sa paglabas ng 'Thenos' ang mga higante kaya alam kong wasak na wasak na ngayon ang ibang bahagi ng Fartolia.Mas dumilim ang paligid at nakarinig nalang kami ng mga ingay mula sa di kalayuan. Nakita namin ang maraming paparating na mga kalaban. Ang mga kadiliman.
Ang rami na nila.
May narinig akong pagbagsak ng isang higante sa gawi ni Glent. Tsaka ko nakita ang paglabas ng isang higante at mga duwende sa isang na crack na lupa dala ng pinayanig ko ang paligid.
"Salamat at tinugon mo ang tulong namin!"- narinig kong sigaw ni Jellu sa isang higanteng pinuno ng mga duwende.
"Para sa Fartolia at sa mga kauri namin tutulong kami!"- ani ng higante na pinuno ng mga duwende.
Kaanib namin sila?
Tsaka may lumabas na impormasyon sa utak ko.
Ang mga duwende ay kaanib niyo sapagkat kabilang sila noon bilang mga Middle Minrus noong unang panahon.
Salamat sa kanila at nandito sila ngayon upang kami ay tulungan.
Upang tulungan ang Fartolia.
Napangiti ako ng pilit at agad na natumba dahil sa may tumamang kung ano sa likod na parte ko. At nagdilim na ang paningin ko.
**
Glent Christopher Wester's POV
Nakita ko ang pagbagsak ni LG. Dali-dali ko siyang pinaalalayan ni Coleen. Nakita kong nawalan na ng malay ang mga Minrus na kasali sa labanang ito dahil ang ilan ay natamaan na at konti nalang ang natitira.
Konti nalang kami. Pero sa salamat at dumating agad ang mga kauri namin bilang back-up.
Si Dhane na natamaan at pilit na lumalaban.
Si Coleen na inaalalayan si LG.
Si LG na wala ng malay.
Si Sir Weru na nawalan ng kapangyarihan at bumagsak ganun din si Jellu.
Si Tepher na patuloy na nag-anyong kadiliman ang katawan at lumalaban parin
Ako na lumalaban at pilit na hinanap sa pamamagitan ng paningin lang si Zhikia. Para pag-sabihan siya na may panghuli pang paraan para matapos na ang nangyayari ngayon.
At hindi ang paraang patayin niya ang sarili niya.
Pero naguguluhan at hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya dito dahil wala akong nakitang Zhikia sa labanang ito. At ang nakakasama hindi ko malaman kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Baka pinatay na ba niya ang sarili niya o kung ano.
Pilit kong pinalabas ang mahika ko pero 'di na ito kayang lumabas pa kaya bumagsak nalang ako sa gilid.
Zhikia.
Nagpatuloy ang labanan. Pero konti nalang ang mga Minrus na lumalaban at halos lahat ay bumagsak na.
Ang mga kadiliman at ang mga duwende nalang ang naglaban-laban.
Salamat sa kanila at nandito sila para tulungan kami.
"Zhikia magpakita ka ngayon sa akin. May isang paraan pa"- naisambit ko at patuloy na iniisip ng isip ko ang pangalan ni Zhikia.
Naramdaman ko nalang ang malakas na ihip ng hangin sa paligid.
Nandito si Zhikia.
Lumalakas ito.
Napatayo ako at nabigyan ng pag-asa. Nakita ko sina Coleen at Tepher na nakatingin sa akin na malungkot ang pagmumukha.
Alam ko na ang iniisip nila. Hinding-hindi yun magagawa ni Zhikia.
Hinding-hindi.
Dahil alam kung magagawa namin ang panghuling paraan. Magagawa namin ito.
"Zhiki-a"- naisambit ko ng makita ko si Zhikia na nasa tuktok ng Elemental Temple na nasa loob ng isang hawla.
Huwag ka munang bibitaw Zhikia. Paparating na ako dyan.
'Sana nga't di pa ako huli. Sana. Hintayin mo ako Zhikia'
Nagpakiramdam ako at ginamit na ang teleportation skill ko.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasi[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...