Mr. Weru's POV
Nandito ako ngayon sa Ospital, sa kung nasaan natutulog pa rin si Zhikia.
Ako ang nagbabantay sa kaniya dahil may pinuntahan ang mga Minrus Officials, Executing Officials at kasama nadin ang mga Missionaries.
Pupuntahan nila ang lugar na minsan naring napuntahan nila Glent, Dhane, at LG.
"Magiging maayos rin ang lahat ng mangyayari"- positibong naisambit ko habang nakatingin sa bintana na nandito sa kwarto.
Ang mahika ko ay kaya kong makaramdam kung mabuti o masama ba ang mangyayari.
Hindi ko ito makikita sapagkat mararamdaman ko lamang ito.
At ngayon, para sa akin mabuti ang magiging resulta ng mga nangyayari ngayon.
Dahil inilabas na sa propesiya ang nakatadhana.
Nakatadhana na makapagpawala at nang tuluyan ng maibaon sa lupa ang mga kadilimang kalaban namin.
Hindi ko alam kung sino pero nararamdaman kong mayroon na.
May namuong kasagutan na rin ako kung bakit nagbalik ang mga kadiliman ngayon kung gayung ipinabalik at ipinatapon na sila noon nang ama ni Glent na Fire Descendant rin.
Dahil may nabuhay na mas makapangyarihan.
Nabuhay sila dahil sakim sila sa kapangyarihan at yun ang naging dahilan sa pagbabalik nila para tuluyan ng ipabagsak ang Fartolia at nang sila ang mamumuno.
Pero hindi nila magagawa iyon dahil lalaban kami para sa Fartolia.
Maaliwalas, mapayapa at matiwasay ang Fartolia noon. Walang kalaban at hindi nasasangkot sa anumang kaguluhan.
Kagaya ngayon, Minrus ang tawag sa lahat ng taong nakatira o nasa lugar ng Fartolia. Ang Fartolia noon ay nahahati sa tatlong parte: Ang Upper, Middle at Lower.
Ang Upper ay ang mga Minrus na mas makapangyarihan kaysa sa mga Minrus na nasa Middle at Lower.
Kung kaya't nasa parteng Upper nandoon ang pinuno ng buong Fartolia at mga Minrus na makapangyarihan kagaya ng mga Missionaries dahil sa angking nitong mga malalakas na mahika. Mga magagaling na gumawa ng mga spells at mga witches na malalakas at makapangyarihan.
Nandoon naman sa parteng Middle o Inner ang mga normal na Minrus. Bali ang kapangyarihan nila ay pantay lamang.
Hindi gaanong malakas o mahina ang mga kapangyarihan nila. Kadalasang binubuo ang mga Middle o Inner nang mga duwende. May mga anyong tao din naman na Minrus na nandoon din sa Middle na parte.
At ang panghuli ay ang Lower.
Sila ang pinakahuli at masasabi kong pinakakawawang parte ng Fartolia dahil ang mga naninirahang mga Minrus doon ay may mga mahihina na kapangyarihan.
Ang tingin para sa kanila ay mababa. Sila lang din ang naiiba dahil ang kaanyuan nila ay maiitim at naiiba sa Middle at Upper.
Sa panahong iyun, ang kauna-unahang pinuno pa ng Fartolia ang namuno. Na may malakas na kapangyarihan.
Naitatag narin ang Missionaries na kauna-unahang naitatag na ang mga kasali lamang ay ang mga Minrus na nasa Upper na may pinaghalong Minrus na galing sa Middle na parte ng Fartolia.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...