Chapter 6

2.5K 95 1
                                    

Nakakainis talaga yung lalaking yun feeling ko nga eh mayabang yun basta pakiramdam ko lang mayabang yun

Andito ako ngaun sa room ko at kung tinatanong niyo kung katabi ko ang mokong na yun syempre hindi pa nakikipag landian pa ata yun sa mga babaeng malalandi

"KYAAAAHHHHH SI SYD MATRIX!!!" sabi ng mga kaklase ko at niyuyogyog ang mga kaibigan nila tsk

"May ghaddd, Si Shinah lang ang peg??, Bakit ba ang hilig nilang sumigaw at tumili" bulong kong sabi ko sa sarili at tinakpan ang tenga ko tinuon ko nalang ang pagbabasa nang libro

"Hey my Seatmate, how you doing?" tanong na naman sa akin ng mokong at sabay itong lumapit sa akin at saka umupo sa tabi ko tsk

Hindi ko siya sinagot nananatili pa ring nakatikom yung bibig ko habang nagbabasa wala akong ganang makipag usap sa lalaking ito baka mamaya titigan pa naman ako ng masama ng mga babaeng kaklase ko

"Hey, may bibig ka ba? o sadyang pipi ka talaga?" tanong na naman ng mokong mukhang nainis psh

At ano daw pipi daw ako? wala siyang paki kung di ko siya sasagutin sa tanong niya psh

"Haha nagagalit ka lang dahil natapunan ko lang yung uniform mo ng Juice??" tanong na naman ng mokong at sabay itong tumawa

Bakit ba ang hilig netong magtanong? Baliw, adik, nasobrahan ata sa baygon at katol

"Hey are you listening to me?? ginagawa mo lang akong tanga kaka tanong sayo" sabi naman niya sa akin

"Buti Alam mo at tsaka sino ba ang nagsabi sayo na tatanong ka sa-" napatigil ko ang pagsabi ko sa kanya dahil tinakpan ko bigla yung bibig ko

Dapat kasi di ko na siya pinansin itong bibig na ito nakakagigil satsat nang satsat traydor na bibig

"Haha pinansin na din ako ni Miss beautiful, by the way what's your name?" nagtanong na naman siya

"Bakit ba ang hilig mong magtanong ha?!" inis kong tanong sa kanya

"I just want to know about you" sabi naman niya sa akin sabay winked pa

"Tsk" tipid kong sabi sa kanya

"Hmmm kung di mo ko papansinin hahalikan kita" sabat pa niya habang nakangising nakatingin sa akin, yung mukha niya pamilyar talaga nagising agad ako sa realidad

"Ang kapal naman ng mukha mo para halikan ang babaeng katulad ko!" naiinis na ako sa lalaking ito

"Haha bakit kung hahalikan kita, yun na yung magiging First kiss mo, am I right?" sabi niya sabay lagay yung kaliwa niyang kamay sa may likod ko

" Manahimik ka nga, nakakainis ka na ah, kung gusto mo akong makilala ng husto di sa paraan ng ganyan!" sigaw ko sa kanya sabay alis ng kamay niya sa likod ko

Aalis na sana ako kaso na timing pang dumating ang teacher

Magiging malas na ata araw ko mula ngaun nakakagigil tong lalaking toh

* Syd's pov *

Masarap parin pala tong kausapin mas nagiging cute siya kapag nagagalit

Kausap ko ang babaeng tinapunan ko ng Juice, sinadya ko talaga yun para lang makilala siya at makausap ulit

"Manahimik ka nga, nakakainis ka na ah, kung gusto mo akong makilala ng husto di sa paraan ng ganyan!" sigaw niya sa akin na galit na galit

Aalis na sana kaso siya saktong dumating na talaga yung Prof kaya bumalik na siya sa kinauupuan niya at padabog na umupo sa tabi ko

Siguro di niya type ang tulad ko

Dati ko pa talaga siyang kilala nung bata pa siya stalker na niya ako because she's my childhood friend I think? Pero naging close lang kami noong highschool na kami

Maliban kasi sa maganda siya in Physically maganda din yung kalooban niya

Nakatingin lang ako ngaun sa kanya

Di ako nakikinig sa Prof namin, tinatamad akong makinig mas mabuti pang titigan ang maganda at maamo niyang mukha habang naka salong baba

* Soccer field *

* Jeni's pov *

Hhayy salamat tapos na rin yung 1st at 2nd subject ko

Naka alis na naman ako ng mabilis sa mokong na yun kanina pa kasi titig nang titig eh di tuloy ako makapag cocentrate sa pakikinig sa prof namin haysst

Kumakain ako ngaun ng malamang pagkain

Hindi ko alam kung anong klaseng pagkain toh basta niluto lang to ni mama para sa akin

Ako lang mag isa ang kumakain panigurado kasi nasa kanya kanyang room pa ang dalawang bruha

Habang kumakain nanonood ako sa mga naglalaro ng soccer, malayo naman yung field nila dito sa pwesto ko kaya ayos lang na dito kumain

"Jeni, Jeni" may narinig akong may tumatawag ng pangalan ko

Lingon ako ng Lingon kung sino yung tumatawag sa akin di ko pa rin makita

Hanggang ngayon May tumatawag pa rin sa akin, nakakatakot na siya tsk pag magpakita lang yun babalian ko na nang buto yun

"Jeni, Jeni pst" May tumatwag na naman sa ngayon sumitsit na siya ano BA talaga pakay nang nilalang na iyon!? istorbo sa pagkain

nakakainis na! kanina pa tawag ng tawag eh ba't di nalang magpakita? naman!

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon