Chapter 31

1.3K 49 0
                                    

Andito na kami ngayon sa Hospital at hinahanap ang kwarto ni Syd at agad na akong pumasok sa loob at nakita ko si Syd na nakahiga sa kama at natutulog at nandito din sina Shinah at Charm

" A-Anong nangyare!?" tanong ko sa kanilang dalawa

" Hindi namin alam basta't sinabi lang ng Doctor na may nagdala daw sa kanya dito" sabi ni Shinah

" Kamusta na ang kalagayan niya?" tanong ni Aimond

" Ayos lang naman , yan ang sabi nang Doctor pero ang dami niyang natamong pasa kaya dapat niya munang magpahinga" sabi naman ni Charm sa amin, Lumapit naman ako papunta kay Syd at agad naman akong umupo

" Teka alam na ba nang mga magulang niya ang tungkol dito?" tanong ko habang nakatingin pa din kay Syd

" Ahhh ehhh kasi alam mo" sabi ni  Chris sabay kamot ng ulo

" Huh?" tanong kong pagtataka kay Chris

" Tinawagan ko na ang mga parents ni Syd tungkol sa kanya pero tumanggi sila na pumunta dito dahil ahmmm" sabi ni Chris sa amin na halatang malungkot siya sa mga nangyayare kay Syd ngayon maging ako man din gets ko kasi ang sasabihin ni Chris

" Ako nalang muna ang magbabantay kay S----" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla nalang bumukas ang pinto at si Fiacre ang bumungad sa amin

" Syd" sabi ni Fiacre na halatang alalang alala sa kanya

" Anong nangyare sa kanya!?" sigaw na sabi ni Fiacre

" Hindi namin alam kung anong nangyare sa kanya basta't nalaman nalang namin na andito na siya sa Hospital" paliwanag ko kay Fiacre

" Hindi ikaw ang kausap ko!" sigaw niya sa akin tch ako na nga tong nagpaliwanag sa kanya tas sisigawan niya ako nang ganyan!

" Ahhmm tama naman yung sinabi ni Jeni eh" sabi ni John sa kanya

" Ganon ba" mahinahong sabi ni Fiacre tch iba pakiramdam ko ngayon ah parang may mali

" Oh sige alis na muna kami dahil may pupuntahan pa kami sige see you tomorrow" sabi naman ni Aimond sa amin at agad na silang umalis at isinara ang pintuan samantalang andito pa kami nina Shinah at Charm

" Ano!? Hindi pa kayo aalis!?" sigaw niya sa amin, ano ba problema nang babaeng toh

" Ang sungit mo naman tsk aalis na kami" sabi ni Charm sa kanya habang tinutulak ako papunta sa labas

" Maganda nga wala namang ugali" inis na sabi ni Shinah sa kanya at agad na niyang sinara ang pinto

--------

" Kainis!! kulang nalang kakalbuhin ko yung babaeng yun! ang sama nang ugali! kita mo naman kung anong ginawa niya sayo kanina!" sabi ni Charm na inis na inis kay Fiacre habang umiinom siya nang caramel Coffee na in order niya kanina sa labas

" Oo nga eh! akala ko pa naman ang bait nun tsk ugaling aso pala o mas malala pa sa ugaling aso tch" inis na sabi ni Shinah habang kumakain nang chippy

" Pabayaan niyo nalang yun" sabi ko habang umiinom nang Choco

Nasa court kami ngayon nag uusap tungkol dun sa nangyari kanina

" Anong pabayaan!? Hindi pwede yun!" sigaw ni Shinah wow grabe galit na galit parang siya yung sinigawan kanina ah

" Easy lang Shinah, tapos na yun eh nagawa na niya eh" sabi ko naman sa kanya

" Tsk hindi namin pwedeng pabayaan yun! yung tipong babastusin yung kaibigan namin!" sigaw naman ni Charm kaya napangiti nalang ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko akalain na magkaroon ako nang kaibigan na tulad nila sana hindi sila tulad ni Fiacre  na iiwan lang ako sa ere

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon