* Shinah's Pov*
Andito kami ngayon sa hospital, nandito naman ang Dad ni Jeni pati na rin ang Mom ni Aiden, sa kasalukuyang naka upo sa tabi si Charm sa gilid ni Aiden at naghawakan nang kamay tsk, lamporeber! maghihiwalay din kayo! hayst nakakabitter!!
" Ayos ka lang ba anak? You need something?? magpapabili ako nang pagkain" pag aalalang tanong nang Mom ni Aiden pero ningitian lang ito ni Aiden
" I'm okay Mom" tipid na sagot ni Aiden, lumingon naman ako kay Jeni nakita ko siyang malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa Mom ni Aiden, hanggang ngayon siguro ay inaasam asam parin niya ang Mama niya, hindi rin naman natin masisisi kung bakit siya malungkot, ikaw ba naman mawalan nang Nanay diba malulungkot ka?
" Anak, tara na muna, gusto mo bang kumain?" tanong nang Dad ni Jeni kaya napunta ang mga mata niya sa Dad niya at tumango naman siya
" Honey, alis muna kami ni Jeni para kumain" sabi nang Dad ni Jeni at tumango naman ang Mom ni Aiden saka sila umalis
* Jeni's Pov *
Naglalakad kami ngayon palabas nang hospital ni Ama para bumili ng pagkain, mayroon kasing Jollibee malapit lang dito sa may hospital
" Ahm anak, malapit na tayo sa pupuntahan natin, sa Jollibee, what do you want to order?" tanong ni Ama sa akin, tumango naman ako bilang sagot, bakas sa sinabi niya na malungkot siya dahil kanina ko pa siyang hindi sinasagot sa tanong niya at puro tango lang ang sagot ko , wala naman akong balak na makipag usap sa kaniya nang matino
Patuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa jollibee napahinto naman ako bigla ewan ko kung bakit pero parang may ala ala akong gusto kong balikan pero hindi ko alam kung ano yun, at bakit gusto kong malaman ang ala alang iyon? pero panigurado masaya ang ala alang iyon
" Anak tara na" sabi ni Ama sa akin at sinabayan niya ito nang ngiti, ngumiti naman ako, ewan ko kung bakit
Nagsimula na kaming pumasok at pina upo ako ni Ama sa isang table kaya naghintay ako at siya naman pumunta sa cashier para mag order habang tumitingin ako sa kanya, Umalis na ang tingin ko kay ama kaya napunta naman ako sa labas nang jollibee at nagiisip tungkol kay Syd
Namimiss ko na siya, yung dating kami, namimiss ko na iyon gusto kong kasuhan ang Dad niya dahil sa ginawa nito kay Mama pero pinipigilan ko lang ang sarili ko para sa kanya, ayaw kong makipaghiwalay sa kanya pero parang may tumutulak sa akin na gawin ko ang bagay na iyon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! naguguluhan na ako!
" Anak, kumain na tayo" gulat kong sabi ni ama dahil bigla nalang siyang sumulpot at agad naman siya naka upo habang may dala siyang tray isang spaghetti na may burger at coke ang nilapag niya sa harap ko, ang sa kanya naman ay isang burger na may fries lang at isang pineapple juice, sa kabilang gilid naman ay may isang take out order siguro para yan kina Aiden at sa Mom niya
" Favorite mo ang spaghetti hindi ba?" tanong niya sa akin at agad naman akong tumingin sa spaghetti at saka ngumiti
" Opo" tipid kong sagot na ang siyang dahilan kung bakit ngumiti si Ama nang abot tenga
" Kumain na tayo" sabi niya kaya tumango naman ako nagsimula na kaming kumain
Nagtagal nang 30 minuto kanina pa kami usap nang usap tungkol sa anong gusto kong maging at pangarap ko
" Kapag nakapagtapos ka, tutulungan kita sa pangarap mo okay?" sabi ni Ama habang umiinom nang pineapple juice
" Huwag na po gusto kong tumayo sa sarili kong paa" sagot ko naman habang nakangiti kaya napangiti naman siya
" Hindi ka talaga nagbabago, anak" sabi niya
Hindi nagbabago? at ano naman yun? gustong gusto ko nang malaman parang mag mga ala ala akong dapat kong malaman sana lang malaman ko iyon
" Tara na, naghihintay na sina Aiden doon" sabi niya at sabay na itong tumayo kaya tumayo naman ako dahil tapos na akong kumain, naglakad na kami pabalik sa hospital
" Salamat anak" sabi niya kaya lumingon naman ako kay ama at nakangiti siya
" Salamat po saan?" tanong kong pagtataka
" Kinausap mo na ako, at hindi ko pa alam kung napapatawad mo na ba ako" sabi niya at agad namang nawala ang ngiti niya
" Pinapatawad ko na po kayo" sagot ko bigla
" T-talaga?" di kapaniwalang tanong ni Ama
" Opo kung pinatawad ka na ni mama, kaya ko rin po kayong patawarin ama , at di ko kayang tanggihin iyon dahil ama kita, mahal ka ni mama, at lalong mahal din kita, patawad din dahil bigla akong umalis nang bahay nung unang pumunta ka sa amin ni mama, nasaktan lang ako noon at nadala sa galit at sakit na nararamdam ko" tuloy tuloy kong sabi kay Ama habang kami ay naglalakad
" Masaya talaga ako dahil naging anak kita, Maraming salamat......anak" sabi naman niya kaya napahinto ako nang lakad
" Bakit naman? bakit ka huminto anak?" tanong pagtataka ni Ama
Lumapit ako sa kanya at saka siyang niyakap hindi ko alam pero nais ko siyang yakapin nang mahigpit
" Namiss ko po kayo, ama" sabi ko naman kaya niyakap din ako ni ama pabalik
" Namiss din kita anak, miss na miss na kita" sabi niya sa akin at agad namang bumuhos bigla ang mga luha sa mga mata ko
ANG SARAP SA PAKIRAMDAM KAPAG PINATAWAD MO ANG ISANG TAO, ANG TAONG MAHALAGA SAYO, ANG AMA KAYA NI SYD? KAYA KO RIN KAYA SIYA PATAWARIN SA KABILA NANG LAHAT? SANA NGA, MAPAPATAWAD KO SIYA BALANG ARAW~~
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
TeenfikceOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...