* Morning *
Nagising ako nang maaga, nakaligo na ako at nakapag bihis pumunta na ako sa kusina para kumain nakita ko naman si mama na nagluluto at inayos na ang hapag kainan namin
" Gising ka na pala anak" sabi ni mama sa akin at ngumiti naman ako
" Opo ma" masaya kong sagot kay mama
" Ang ganda nang gising mo anak ah? napaginipan mo ba ang aso mo?" pang aasar ni mama sa akin, yan tayo ma eh umagang umaga asaran agad hayst
" Hehehe" tanging sabi ko sabay kamot nang ulo
" Kumain ka na nga diyan paniguradong sabik na sabik mo na siyang makita" pang aasar na namang sabi ni mama pero ngumiti nalang ako totoo naman kasi eh haha
Tapos na akong kumain at nakapag paalam na ako kay mama, sumakay na ako at nakita ko naman sina Charm At Shinah pagbaba ko at agad naman silang tumakbo papunta sa akin
" Ang aga niyo rin ata?" tanong ko sa kanila
" Para may backup ka" sabi ni Shinah sa akin, para may back up ako?
" Huh?" pagtatakang tanong ko
" Pumasok ka na sa loob nang school para makita mo" sabi ni Charm sa akin nang seryoso
" Huwag kang mag alala andito lang kami" sabi ni Shinah na halatang may fighting spirit
Pumasok na ako sa school at bigla nalang ako nagulat dahil sa mga nakikita ko andaming naka post na papel sa bawat pader na nakalagay doon ang picture na nagyakapan kami ni Syd at may nakalagay na " She's a Bitch", Pinagtatawanan at pinag uusapan ako nang mga estudyante dito sa school habang ako naman nakayuko sa sobrang hiya, ano ba ang nangayari? hindi kaya kagagawan na naman ito ni Fiacre??
" SUBUKAN NIYO PANG PAGTAWANAN ANG BESTFRIEND NAMIN MATITIKMAN NIYO KAMAO KO!!!" rinig kong sigaw ni Shinah
" AYAW NIYO PA RING TUMIGIL HA!" sigaw naman ni Charm na may balak sanang awayin ang mga estudyante na pinagtatawanan ako pero pinigilan ko siya
" Well andito na pala siya, ang babaeng nilalandi ang boyfriend ko" narinig kong sabi ni Fiacre na may kasama siyang dalawang babae sabi na nga ba eh siya talaga ang may pakana nito
" Ano ba ang problema mo Fiacre? nananahimik ako dito" seryosong sabi ko sa kanya
" Huh! Ikaw? nananahimik? look at the poster loser may kasalanan ka sa akin at sasabihin mo? nananahimik?" mataray na sagot ni Fiacre sa akin
" What a Stupid Girl, well sorry I'm incorrect, WHAT A BITCHY GIRL" pang aasar nang babae na nasa kanan lang ni Fiacre
" Aba aba nakikisama din pala dito ang dalawang bruha" rinig kong pang aasar ni Charm
" Tsk baka kayo yun" sabi naman nang babaeng nasa kanan ni Fiacre
" Gusto niyo sabunutan!?" sigaw na sabi ni Shinah
" Stupid, jerk" sabi naman nang babaeng nasa kaliwa ni Fiacre at agad naman siyang isinugod ni Shinah pati si Charm nagsasabunutan sa babaeng nasa kanan ni Fiacre at agad naman akong sinampal ni Fiacre sinasabunutan ako di ko siya napigil kaya nagsimula na kaming mag away dito
" Apakan mo nalang yang babaeng malandi ma yan Fiacre!"
" Hahaha such a losers"
" Kawawa naman kayong tatlo haha"
Rinig kong sigaw nang mga estudyante dito kaya bigla nalang ako napaluha dahil sa kahihiyan na nangyari sa akin ngayon
" Narinig mo yun Jeni?" pang aasar ni Fiacre habang sinasabunot pa rin ako
" Tama na Fiacre! ayaw ko na nang away kaya tumigil ka na!" sigaw ko din sa kanya
" Diba sinabi ko na sayo na maghihiganti ako sayo!" sigaw niya sa akin
" JENI! FIACRE STOP IT!" rinig kong sigaw nang isang lalaki na pamilyar sa akin at si Syd yun
Inawat na kami ni Syd, si Aiden inawat naman niya si Charm at si Chris naman inawat niya si Shinah sa pakikipag away at yung iba namang mga ka grupo ni Syd pinagsisigawan ang mga estudyanteng pinagtatawanan ako at inutusan silang alisin ang mga naka post sa mga bawat pader
" ANO BA ANG GINAGAWA MO HA! AT MAY GANA KA PANG SAKTAN SI JENI!" sigaw ni Syd kay Fiacre
Sinisigawan ni Chris at Aiden ang kinalaban ni Shinah at Charm pero di ko narinig dahil kay Syd makatutok ang tenga ko sa pakikinig at kay Fiacre
" SHE'S A BITCH! INAGAW KA NIYA SA AKIN! AT HINDI MO PA ITUNULOY ANG DEAL NANG MGA PARENTS NATIN NANG DAHIL SA KANYA!" sigaw ni Fiacre kay Syd at tumingin naman siya nang masama sa akin pero nakayuko lang ako habang nakikinig at umiiyak
" HINDI KA NIYA INAGAW SA AKIN! SADYANG MAHAL KO LANG TALAGA SIYA KAYA TINANGGI KO ANG DEAL NANG MGA PARENTS NATIN!" sigaw pabalik ni Syd kay Fiacre
Pagkatapos sumigaw ni Syd tumakbo nalang ako palayo sa kanila habang umiiyak, ayaw ko nang tipong ako ang pag uusapan ayaw ko nang makikinig na ako ang ugat sa pag aaway, nakakahiya ang nangyayari sa akin ngayon nakakahiya!!
Pero tama kayang sinagot ko si Syd? Tama kayang sumagot ako nang oo na may pag asa siyang mahalin ko rin siya? pero pagkatapos nang maikling kasiyahan ang naganap kahapon kahihiyan na ang nangyayari sa akin ngayon,
* Shinah's Pov *
Kainis yung Mazey na yun! nanggigil ako lalo na yung makapal na mukhang si Fiacre naku! kulang nalang kaladkarin ko sila palabas sa school!
" Nahanap mo na ba?" tanong ni Chris sa akin
" Hindi pa ikaw ba?" tanong ko rin sa kanya
" Hindi rin" sagot niya
Hinahanap namin ngayon si Jeni nag cutting kami nang isang subject ngayon para hanapin ang babaeng yun! si Jeni kasi kapag may problema tumatakbo lang kainis edi eto hinahanap na naman namin siya
" Eh kung maghiwalay nalang tayong dalawa para hanapin siya?" tanong ko kay Chris
" Hindi Pwede! baka aawayin ka pa ni Mazey" seryoso niyang sabi sa akin
" Kaya ko namang kalabanin ang babaeng y-----" di na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang nagsalita
" Hindi pwede! kahit na kaya mo siyang awayin, masasaktan ka rin sa gagawin niya kaya magkasama tayong dalawang hanapin si Jeni" sabi niya sa akin sabay hila
" T-teka sandali lang ang tulin mong maglakad eh!" sigaw ko sa kanya
" Para madali nating mahanap si Jeni kaya dapat mabilis ang paglakad" sabi niya sa akin
" Eh kung tumakbo nalang tayo? kesa maglakad kung bibilisan lang din naman natin" sabi ko sa kanya
" Tama ka nga, tara" sabi niya sa akin sabay takbo grabe ang bilis
" WAAAHHHHH ANG BILIS MO NAMAN MASYADO EH!" sigaw ko sa kanya
" Mas mabilis mas maganda" sabi niya habang patuloy pa rin sa pagtatakbo
Itong lalaking toh! basta basta nalang tumatakbo kainis! ang tulin pa naman kala naman niya runner ako hayst pero.........habang tumatagal concern na siya sa akin sa bawat anong nangyayari sa akin~~
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...