Chapter 49

1K 27 0
                                    

* Jeni's Pov *

Kanina ay tumawag sa akin si Chris gamit ang cellphone ni Aso ko pero di ako ang sumagot dahil na kay Aiden ang cp na binigay sa akin ni Aso ko, sinabihan niya akong huwag akong pupunta kay Syd, di naman ako makapag salita dahil sa tuwing naririnig ko ang boses ni Aso ko o marinig lang ang pangalan niya, Di ko pa rin maalis sa isip ko si mama at sinisisi ko pa rin hanggang ngayon ang ama niya

Gabi na at Andito ako sa kotse ni Aiden ngayon, sa kasalukuyan ay sa bahay nila ako titira dahil pinaki usapan niya akong tumira sa bahay nila kaya tumango nalang ako

" Malalampasan mo din toh, Jeni, sa ngayon andito lang ako para damayan ka" sabi ni Aiden sa akin habang seryoso sa pagmamaneho

" Salamat" tipid kong sagot

" Walang anuman, panigurado tatanggapin ka namn ni Mom sabik na sabik ka na nga niyang maka usap eh, lalo na ang Dad natin, panigurado sabik ka na niyang yakapin at kausapin" sabi niya sa akin nang may ngiti ngumiti nalang ako nang konti para di siya madismaya

" Cheer up, Jeni, fight lang" pag cheer sa akin ni Aiden ngumiti naman ako sa kanya at ningitian niya ako

Nakarating na kami sa bahay nila Aiden este mansyon nila, malaki kasi ito kulay puti at kumikinang pa sa sobrang linis, may mga rose sa may gate nila at may fountain pa sa harap, mansyon talaga toh hindi bahay dahil malaki ang espasyo na pwede nang gawing field , ang yaman naman nila, nagbago na pala ang mansyon na ito bago kami lumayas na mama dito

Pinarada na ni Aiden yung kotse at bumaba na kaming dalawa , hawak ko ngayon ang isang maleta na punong puno nang memories namin ni Mama at mga damit ko pati na rin ang bag ko na ginagamit ko sa paaralan

Pagbaba namin ni Aiden ay bigla kong nakita ang Isang lalaki at babae na abot tenga ang mga ngiti nila at sinabayan nila kami nang mahigpit na yakap lalo na ang lalaki na hindi niya parin inaalis ang kanyang pagkayakap sa akin at siya ang aking ..........ama~

Niyakap ko din siya nang mahigpit at umiiyak, hindi ko kasi kayang pigilan ang luha ko na pumatak sobrang sakit kasi ang nangyari sa akin na para bang nadudurog yung puso ko nang pinong pino sa sobrang sakit na niraramdam ko ngayon hindi ko rin alam kung bakit yumakap din ako sa kanya matindi ang galit ko sa kanya dahil sa paglisan niya sa aming pamilya at sumama sa kabit niya pero hindi ko talaga aakalain na mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya

Umalis na siya mula sa pagkakayakap niya sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko sa mula sa mga mata ko gamit ang hinalalaki niya ngumiti muna siya bago nagsalita

" Anak, I'm Sorry, patawad sa ginawa ko sa inyo nang mama mo, patawad" paghihingi nang tawad ni ama sa akin at bigla nalang nag bago ang ekspresyon nito naging malungkot ito

" Nakikiramay ako sa pagkamatay nang mama mo, Jeni" sabi ng mama ni Aiden sabay tapik sa akin bikat feeling ko ay parang nang aasar hayst gusto ko ring magalit sa mama ni Aiden kaso di ko magawa dahil siguro sa nararamdaman ko ngayon

Gusto kong magalit sa kanya, dahil siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin! naiinis ko kapag nakikita ko siya! Pero di ko kayang pagsigawan sila, mabait din naman sa akin ang mama ni Aiden pero~

" Tara, Let's go inside" sabi nang mama ni Aiden tumango naman ako at naglakad na sa marangya nilang mansyon, umakyat kami sa itaas at may binuksan si ama na isang kwarto at pagbukas nun nagulat ako sa sobrang ganda nang kwarto, kulay blue ito, na may design na mga ibon sa pader, maganda yung kama, malambot nang umupo ako malinis ang bintana, namiss ko ang ganitong kwarto, dahil bago kami lumayas ni mama sa mansyon na ito, naranasan ko pa ang marangyang buhay, nakakamiss

" Ito na ang magiging kwarto mo anak, ako pa ang nag design lahat nang yan dahil alam kong paborito mo ang kulay na toh, tsaka alam ko kasing mahilig ka sa mga hayop hindi ba?" sabi sa akin ni ama pero tumango lang ako sa kanya

" Ahmm alis muna ako, magbihis ka muna diyan" malungkot na sabi ni ama sa akin at umalis na siya kasama ang mama ni Aiden, kaming dalawa nalang ni Aiden ang natira dito

" Magbihis ka na Jeni, at bumaba ka mamaya para sa dinner okay?" sabi niya sa akin sabay umalis sa kwarto ay isinara ang pinto, humiga naman ako sa kama at saka huminga nang malalim

" Ang Hirap mabuhay" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa taas

Ano na kaya ang ginagawa ni mama ngayon? masaya kaya siya sa heaven? o andito lang siya sa tabi ko? nagbabantay sa akin , miss ko na paglalambing ni mama, miss na miss ko na siya, Sobra~~

---------

Nakabihis na ako, simple lang ang suot ko naka T-shirt lang ako na kulay puti na may korona na design at naka short na hanggang tuhod, naka arrange na rin ang mga damit ko sa cabinet, ewan ko lang kung cabinet eh parang walking closet na toh eh, ang konti lang nang damit ko pero ang daming lalagyan hayst, mala prinsesa ang dating nang kwarto ko, nakikitira lang naman ako dito, di naman ganito karangya ang hinihingi ko hayst

Bumaba na ako at may nadaraanan akong maid na parang bata pa ata at nasangga ko siya kaya nabasag nalang ang dinala niyang parang mamahaling vase

" Sorry po ate, hindi ko sinasadya" sabi ko at tinulungan ko siyang kunin ang basag na vase

" Okay lang po ma'am ako nalang po baka magalit pa ang Dad mo" sabi niya sa akin pero di ako nakinig, sanay naman kasi ako sa ganito kaya hindi ako masusugatan

" Okay lang po yun, ako naman tong may kasalanan" paghingi ko nang tawad sa kanya at ningitian ko siya

" Salamat po Ma'am" sabi niya sa akin

"Jeni nalang ang itawag mo sa akin" sabi ko naman sa kanya

" Ahh maid po ako dito kaya hindi---" hindi na natuloy pa ang sasabihin niya dahil nagsalita ako

" Para namang hindi tumagal ako dito sa mansyon na ito hehe, kaya Jeni nalang po" sabi ko naman sa kanya

" S-sige po, Jeni" sabi niya na para bang nahihiya

" Ahmm matanong lang ilang taon ka na po ba?" tanong ko sa kanya

" Ahmm 15 po" sagot niya, what? 15 palang siya??

" Teka ang bata mo pa ah, nagtratrabaho ka na??" gulat kong tanong sa kanta

"Opo, Scholar kasi ako nang Dad mo, Kaya nagtratrabaho po ako dito para makapagbayad naman ako sa tulong na ginawa niya sa akin" paliwanag niya sa akin, ang sipag naman niya sana ganyan nalang ang mga bata sa ngayon, yung iba kasi di naranasan ang hirap kaya akala nila madali lang ang buhay

" Ate Jeni nalang tawag mo sa akin" sabi ko sa kanya, pangit naman kung Jeni tawag niya sa akin eh samantalang mas matanda naman ako kaysa sa kanya akala ko pa naman mag kasing age lang kami

" Sige po" sabi niya sa akin

" Jeni, dinner time na daw" sabi ni Aiden na bigla nalang sumulpot sa amin

" Ahh sige" sabi ko at sabay nang umalis at naka alis na rin ang maid kanina dahil sinenyasan ni Aiden na pwede na siyang umalis , pero teka di ko pa alam pangalan niya haysy mamaya nalang tatanungin ko siya

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon