* Jeni's pov *
" Whhhhhaaaatttttt!!!!???? Seryoso!!?? Aso Ko!!!??" sigaw ko kay aso ko pero ni ngitian niya lang ako
Ang totoo niyan nagulat ako dahil binilhan niya lang ako nang bagong cellphone hahaha bakit? ano ba akala niyo kung bakit ako nagulat? hahaha pero ang totoo nagulat talaga ako dahil Iphone pa naman ewan ko lang kung anong Iphone toh Iphone 6 ba or something?
" May nilagay na pala akong picture nating dalawa diyan sa may gallery tignan mo nalang may video din diyan na ginawa ko para sa ating dalawa" sabi niya sabay kamot ng ulo at namumula kaya kinurot ko ang pisngi niya
" Aray" tanging sabi niya pero tumawa lang ako nang mahina
" Ang cute mo rin pala aso ko pag namumula ka haha" sabi ko sabay tawa
" ehhh? halata bang namumula ako pusa ko??" nahihiya niyang tanong sa akin
" Ayieeeeeeeeeee ang sweat nela oh" pang aasar nila sa amin ni Aso ko pero tumawa lang kami ng mahina
Umupo siya tabi ko at inakbayan niya ako saka may binulong siya sa akin
" I love you pusa ko....." sabi niya sa akin nang pabulong kaya napangiti naman ako nang abot tenga at bumulong din sa kanya
" I love you too aso ko....." bulong ko sa kanya at napangiti din siya
" uy ano yang binubulong niyo diyan baka mamaya may balak kayo ha?" pang aasar ni Aimond sa amin
" G*g* di ako ganyang lalaki Aimond" galit na sabi ni Aso ko, grabe katakot si aso ko pag magalit hehez
" Okay chill lang boss" sabi ni Aimond
" Kain na nga muna tayo" sabi ko dahil gutom na gutom na ako
" Kayong dalawa palang naman ang hindi kumakain eh" sabi ni Charm
" Oo nga?" sagot ko naman
" Oo nga? ganon nga" sabi naman ni Charm
" kaloka kayong dalawa kumain na kayo bessy ng aso mo yieeee" sabi ni Shinah with matching asar pa ah talaga naman oh
" Oo na kakain kame" sabi ko
Kukuha sana ako nang plato kaso inunahan ako ni Aso ko
" Susubuan nalang kita okay?" sabi niya sabay kuha ng pagkain na cake at spaghetti
" say ah" sabi ni Aso ko
Aso ko ginagawa mo naman akong baby netoh eh
" Ako na aso ko kaya ko naman eh" sabi ko sabay kuha ulit ng plato pero pinigilan na naman niya ulit ako
" Ahhh, sige na lumamon ka na" sabi niya sa akin
" Parang ginagawa mo naman akong baby neto aso ko eh" sabi ko naman
" Syempre ikaw yung baby ko eh" sabi niya sabay ngiti
Napa blush nalang ako sa sinabi niya sa akin kanina ang sweet niya talaga ...
" yieeeeeeee ang sweet niyo" sabi ni Charm kaya inakbayan naman agad siya ni Aiden
" naiingit na gf mo dude haha" pang aasar ni Chris kaya siniko naman siya ni Charm
" Shatap nga kayo diyan panira kayo ng moment nila bessy" sabi naman ni Shinah
" Haha okay sorry naman" sabi ni Aimond
" lumamon ka na pusa ko pleasee" sabi niya sabay pout ehk? aso ko naman eh
" Oo na lalamon na" sabi ko kaya napangiti naman siya hayst
kinain ko na ang cake na nasa kutsara at kumuha rin siya nang cake at kakainin niya sana pero pinigilan ko siya
" Ako naman ang susubo sayo" sabi ko kahit puno pa ang bibig ko nang cake at kumuha nang cake at sinenyasan siya na kumain kaya napangiti naman siya kinain nga yung cake na nasa kutsara
" Masarap ba?" tanong ko" O-----o n-----aman" paputol putol niyang sabi haha puno pa kasi bibig niya nang cake eh hahaha
" Kumain ka muna baka mabulunan ka niyan aso ko" sabi ko sa kanya kaya tumango naman siya
" Grabe alis na nga lang muna kami, nilalanggam na kami dito eh" sabi ni Chris sabay tayo pati yung iba tumayo na din
" Oo nga eh kanina pa ako kinakagat na sobrahan ata sa asukal pagkain natin" pang aasar ni John
" Sinabi mo pa, namumula na tuloy braso ko" sabi naman ni Shinah kahit di naman talaga
Napatawa nalang kami nang mahina ni Aso ko sa mga pinagsasabi nila
" Take your time nalang senyo, enjoy kayo ha? basta huwag lang, lam niyo na" pang aasar ni Charm
Sinabihan ko si Charm gamit ang Lip Sync parang kay yaya dub nang " Loko ka Charm" anong akala niya di ko na gets pinagsasabi niya, pero ang totoo niyang inisip ko yun kanina eh hehez sorry aso ko
Tumawa lang nang mahina si Charm at nagsalita
" Joke lang eto naman, sigeh alis muna kami may pupuntahan lang malapit lang naman dito sa lugar na toh" sabi ni Charm at iniwanan na kaming dalawa dito ni Aso ko hayst
Kain lang kami nang kain ni Aso ko habang nagsusubuan kaming dalawa pagkatapos nagtatawanan dahil kinukuwento ko sa kanya yung nang yare sa akin noong bata pa ako
Pagkatapos nang tawanan at kainan naming dalawa humiga kami sa damuhan at tumingin sa langit
" Pusa ko, sana ganito tayo lagi" sabi niya sa akin
" Sana nga Aso ko, basta't walang iwanan ha?" sabi ko sa kanya
" Oo pangako din Pusa ko, di kita iiwan at mamahalin kita nang buong puso at higit pa sa buhay ko" sabi niya sa akin na siyang dahilan kung bakit ako napangiti ako ngayon
Sana nga lahat nang ating pangako ay magkakatotoo Aso ko.....
" Ahmm Aso ko, di ko pa pala nakilala ang mga magulang mo" sabi ko sa kanya at napatahimik naman siya nang mga 40 segundo
" Sa susunod nalang pusa ko, busy pa sila sa ngayon" sabi naman niya sa akin
Dumapa ako at tumingin sa kanya habang nakasalong baba gamit ang dalawang kamay ko
" Sigeh sa susunod nalang" sabi ko sabay ngiti at kinurot na naman niya ang pisnge ko
" Ang cute mo talaga pusa ko" sabi niya pagkatapos ay hinalikan niya ang pisnge ko kaya namula ako
" Ayt walang kiss pabalik" sabi niya sabay pout
Aso ko naman eh, magiging first time ko kapag hahalikan kita sa pisnge
" Okay lang, huwag na" sabi niya sabay tingin ulit sa langit hayst na-gui-guilty tuloy ako
Hinalikan ko nalang siya sa pisngi pero nang paghalik ko sa kanya sa pisnge niya bigla nalang siyang humarap sa akin nang may dalang ngiti sa kanyang mga labi at nagulat ako dahil imbes sa pisnge ko siya hahalikan ay napunta sa mga labi namin............
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...