Chapter 13

2.1K 80 5
                                    

Nang sinalubong na ako ng mga ka grupo ko binati naman nila ako

" Yow bro, handa ka na ba?" sabi ni Aimond

Si Aimond ang pinaka chick boy dito sa amin, Di talaga maiwasan sa mga grupo ang mayroong chickboy diba? Pero malupit kapag totoong magmahal yan one time may tinagal siyang almost 1 year in relationship kaso nga lang yung babae yung nakipaghiwalay sa kanya kaya bumalik na naman ang pagiging Chickboy niya

" Si Syd pa kaya?" dagdag naman ni Alderick

Alder ang kadalasan sa tinatawag namin sa kanya para maikli, at isa pa ayaw niyang tawagin siyang Alderick, amg pangit daw kasi, siya naman yung pikonin sa grupo namin , minsan cold ito minsan masayahin ang weird diba? Mahilig din itong magsalita nang english , englishetero

" *l*l Si Syd? dati pa yan handa eh, Hindi pa yan natatalo sa labanan" sabi naman ni Chris

Christian ang true name niya, but we call him Chris, Siya ang hilig magmura sa grupo namin every sentence na sasabihin niya may mura na para bang may galit sa mundo dahil mura ng mura angas nga eh chickboy din toh magaling ding makipag bakbakan

" Mag si-tahimik na nga lang kayo diyan, ang daldal niyo naman" sabi ni John Kurthed

Jhon ang palayaw neto, siya ang mabait sa grupo namin, gentleman at etc etc, pero pag pinagalit niyo toh, tumakbo nalang kayo kung ayaw niyong mapunta sa hospital pati nga babae binubugbog neto eh , mahilig din toh si Anime siya din ang matalino sa grupo namin mahilig mag suot ng salamin kahit hindi naman malabo ang mata niya matalino at mas matanda sa amin nang one year

" Tsk Dakdak kayo ng dakdak diyan, nag aantay na yung mga kaaway natin tsk" sabi ni Lex

Si Lex yung seryoso yung mukha samin, K-pop lover din toh eh kami lang ang nakaka alam ayaw nga niyang malaman ng mga tao na adik toh sa K-pop kaso nahuli namin nanonood ng K-drama haha kaya nga minsan sinasabihan naming bakla kasi ang alam lang namin mga babae lang ang mahilig sa K pop take note opinion lang namin tsaka laging phone ang hawak niya tas araw araw naka suot ng head phone, music lover be like

"Woah Easy lang Lex, masyado ka na namang seryoso, lalaban din tayo, atat ka na ba? haha" dagdag ni Aiden

Si Aiden ay anak ng pamilya Reyes, ang pamilya nila ay Sikat sa buong mundo, madami na rin silang business na pinatayo sa iba't ibang bansa, Balita ko nga may half sister daw toh hindi namin alam kung sino

Etong lalaki na toh ang pinaka makulit sa amin, minsan nga naiinip na kami sa sobrang kulit neto pero wag kayo magaling din tong makipag suntukan

"Bakit nga pala nagkaroon kayo ng kaaway?" Tanong ko

"Bored boss eh" sagot naman ni Aimond

Sinasabi na nga ba eh bored kasi

" Tara na, asan na ba mga kaaway natin?" seryoso kong tanong sa kanila

" Sundan mo kami boss" sabi ni Chris

Boss tawag nila sa akin dahil ako ang pinuno ng grupong ito

Tinago namin ang mga mukha namin para di malaman ng mga kaaway namin na kami ang SCORPION CLASH kalahati lang ang natakpan kaya iisang mata lang ang ginagamit namin para makita ang kaaway

Nagsimula na kaming nakikipagbugbogan 10 sila kami 7 lang pero akala siguro nila matatalo nila kami magaling silang makipag away miyembro kasi ng isa pinaka malakas na kaaway namin

Wala pang 30 minuto napabagsak na namin sila ,isa lang naman kasi silang mahinang miyembro ng pinaka malakas na kaaway namin alam ko yun dahil iba makipag laban ang malakas na miyembro nila

"A piece of cake " sabi ni Chris habang ini i stretched ang dalawang braso niya

Tumakbo palayo ang mga kaaway namin nang patikang tikang bugbog sarado eh

Bumalik kami sa loob ng bodega at saka ako umupo sa mesa pagkatapos ay tinangal na namin ang nakatakip sa mukha namin

"Boss balita ko may isyu ka daw ngaun, anyare?" tanong ni Aimond

" It's not your business Aimond" sagot ko sa kanya

" Easy lang, pati ba naman ikaw boss?, na virus ka ba ni Lex? haha" dagdag pa ni Aiden

Tumawa pa talaga ha? Loko talaga tong lalaking toh

" F***k anong na virus? pwede ba hindi ako zombie para mang virus ng mga tao tsk" Galit na sabi ni Lex

"Okay lang yan may kasama ka naman eh mga Zombies sa The Cure hahaha" natatawang saad ni Aiden

" Hoy, magsitahimik nga kayo diyan, baka mamaya yan pa ang simulan ng awayan" suway ni John sa kanila

Hindi ako kasama sa mga usapan nila diyan tsk, ka bad mood naman to sila hayst

Ganito grupo namin magulo walang nagkakaintindihan para bang magkakapatid na palaging nag aaway pero kahit ganito ang grupo namin kapag ang isa inaapi lalabanan ng isa para sa isa

" Boss share ka naman ng mga sikreto mo diyan" sabi ni Chris habang naninigarilyo

" Pwede ba Chris itapon mo yang sigarilyo mo, alam mo namang masama yan sa Katawan mo" suway ni John sa kanya

Si John nag sesermon sa amin kapag naninigarilyo kami kahit na ako man ang boss dito mas matanda kasi toh kesa sa akin ng isang taon at dahil mas matanda siya sa akin pinapayagan ko siyang mag sermon sa amin kapag alam naming tama at nasa katwiran siya

" Sus, Di ako matatablan niyan ako pa? malakas kaya ako kita mo oh may muscle at abs pa haha" sabi pa neto sabay pinakita yung pinagmamalaki niya langya din talaga si Chris kahit kailan

" Asan asan? wala naman eh puro tabs nakikito ko" asar ni Aiden kay Chris kahit na meron naman talagang abs si chris

Binatukan ni Chris si Aiden at tumawa nalang sila  bigla haayss bad mood pa din ako, di ko alam kung bakit siguro dahil sa kanila nag cut kasi ako ng klase di ko tuloy makikita si Jeni hayst

" Sigi alis na muna ako, may pasok pa ako" sabi ko sabay alis at kumaway ng kamay

" Sigi boss paalam, ingat ingat ha baka madapa ka" Dagdag ni Chris

" What a Childish" bulong ko sabay tawa ng mahina

Kapag bad mood ako, makikita niyo yung totoong ako

PLASTIK MAN AKO SA PAGKATAO KO PERO KAHIT KAILAN DI AKO PLASTIK SA TAONG MAHAL KO

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon