* Jeni's Pov *
Grabe makatingin sa akin yung mama ni Alder yung kaibigan din ni aso ko hayst parang nandidiri tsk mata pobre talaga kahit kailan oh!
Tahimik lang akong naglalakad habang magholding hands kami ng aso ko si Shinah at Charm nakikipag daldalan kay Tita Carmela daw wala akong ganang makipag usap sa mama ni Alder, kanina pa naman nandiri sa akin kala naman niya isa akong basura tsk mahirap nga kami ngayon pero balang araw itaga mo pa sa bato yayaman din ako!
" Pusa ko? Are you okay?, kanina pa kita tinatanong kung okay ka lang" sabi ni Aso ko sa akin kaya natauhan ako nakita ko namang wala na ang mama ni Alder nakatulala na pala ako kanina pa
" Bessy ayos ka lang?" tanong ni Shinah
" Hehehehe oo ayos lang ako tara--------Aray!" sigaw ko matapos akong mabunggo sa pader yung ulo ko hayst ang sakit!
" Kung di ka okay, ihahatid nalang kita sa bahay niyo okay?" pag alalang sabi ni Aso ko sa akin habang ako hinahawak hawakan ang ulo ko
" Okay lang ako" sabi ko naman
"Hindi ka okay! baka mamaya lalagnatin ka pa diyan" pag alalang sabi ng aso ko
" Hayst okay nga lang ako promise at paano ako lalagnatin? eh ang lakas lakas ko eh" sabi ko ulit sa kanya
" Sigurado ka ha?" pag alalang tanong ni Charm tumango naman ako bilang pagsagot
" Tara ihatid nalang kita sa bahay niyo baka mapaano ka pa diyan" sabi niya sa akin sabay hila palayo sa kanila at hinawakan ang kamay ko paalis na sana kami nang sumigaw si Chris kaya napalingon kaming dalawa sa kanya
" Boss gamitin mo nalang muna ang kotse ko" sigaw ni Chris sabay hagis nang susi at lumingon naman si Aso ko tsaka kinuha ang susi at hinagis niya naman ang isa pang susi
" Gamitin mo muna ang Motorbike" sabi nang aso ko kaya tumango naman si Chris
" Babalik ako dito para kamustahin si Alder" dagdag pa ni aso ko
" Tara na sa bahay niyo, para makapag pahinga ka na" sabi nang aso ko sabay ngiti hmmmm napapansin ko moody rin pala ang aso ko haha
-------
Nasa kotse na kami ngayon, kanina nagtanong si Tita Carmela (kahit wala pa namang talagang sinasabi na tawagin ko siyang Tita) kung bakit aalis daw kami agad, nagpaliwanag naman si Aso ko kaya nag okay na si Tita Carmela pero bago kami naka alis sa bahay ni Alder! Nandidiri na naman sa akin si Tita Carmela tsk mata-pobre talaga, nangigil ako!
" Okay ka lang ba pusa ko? kanina ka pa tulala diyan" tanong ni aso ko kaya natauhan ako at saka lumingon sa kanya seryoso siya sa pagdridrive
" Oo okay lang naman talaga ako aso ko, may iniisip lang" sabi ko naman sa kanya kainis kasi si Tita Carmela eh hayst nakakaloka siya
" Kung iniisip mo kanina yung tungkol kay Tita Carmela, huwag mo nang pansinin yun, ganyan talaga siya sa simula palang pati nga si Charm noon ginaganyan niya pero ngayon close na sila" paliwanag ni Aso ko, kung ganon inborn na talaga sa kanya ang pag uugaling yun?
" Okay lang sanay naman ako" sabi ko sa kanya habang naka salong baba at nakatingin sa bintana feeling bored ako ngayon
" Hmmm may tanong ako pusa ko" sabi niya kaya napalingon naman ako seryoso ang mukha niya
" Ano yun aso ko?" tanong ko sa kanya napabuntong hininga muna siya bago nagtanong
" Bakit ang saya mo kanina? tapos sabay pa kayo ni John?" tanong niya sa akin at ikinagulat ko naman iyon kaya lumingon ako sa kanya seryoso parin siya sa pagdridrive halatang galit ito nanlilisik ang mga mata kaya kinurot ko ang pisngi niya at saka bumalik sa pagkaupo
" Ililibre lang kasi niya ako nang ticket sa concert ni Taylor Swift yun lang yun" sagot ko naman sa kanya parang i Smell fishy kay aso ko ah haha, nagseselos ba siya!?
" Ako nalang ang manlibre sayo" sabi niya sa akin yieee nagseselos nga! haha
" Sigurado ka?" tanong ko naman sa kanya na ikinatuwa ko ang totoo niyan hindi talaga ako ililibre ni John sa concert ni Taylor Swift natuwa lang ako dahil same pala kaming anime lover haha tapos bibigyan pa niya ako nang anime manga! whooo the best talaga!
" Oo pusa ko" sagot niya waahhh ililibre niya ako? hahaha yess! pero alam ko next year pa ang concert ni Taylor Swift pero excited na ako! lalo na't libre ni Aso ko yun!
" Tsaka sa susunod ako na ang maghahatid at susundo sayo kahit saan" seryoso niyang sabi magpapasundo sana ako sayo kanina eh kaso sabi mo may importante kang gagawin kaya nakisabay nalang ako kay John
" Hmm okay! araw araw??" excited kong tanong sa kanya at napatawa naman siya nang mahina at nagsalita
" Oo araw araw, kung gusto mo oras-oras, Minu-minuto, at segu-segundo para lang makita ang maganda kong pusa" pang bobola niya sa akin kaya napatawa nalang ako nang mahina
" Bolero karin pala eh noh?" sabi ko naman sa kanya sabay tawa nang mahina at habang nakatutok ang mata sa dinadaanan namin
" Totoo naman diba?" sabi niya sabay tawa
" Asus, sige oo nalang" sabi ko naman sa kanya
" Oh kita mo? nag oo ka, edi totoo nga sinasabi ko haha" sabi niya sa akin kaya sinuntok ko ang braso niya
" Aray! ang sakit naman nun pusa ko!" sabi niya kaya tumawa ako
" Haha Bolero ka kasi!" sabi ko sabay tawa
" Hayst" reklamo niya
" Pero suntok ng pagmamahal yun diba?" ngiting sabi niya kaya sinuntok ko ulit ang braso niya
" Kahit kailan talaga! tumigil ka na nga" sabi ko naman
" Kita mo dalawang beses pa! mahal talaga ako ni Pusa ko haha!" with confidence niyang sabi pero totoo naman mahal na mahal ko talaga siya kaya nga sinagot ko siya eh
" Syempre naman!" masigla kong sabi sa kanya kaya napangiti siya
Hmmm parang gusto kong kumain nang ice cream nagugutom ako
" Aso ko, pwede punta muna tayo sa ice cream shop? may malapit lang dito diba? gusto ko kasing kumain nang Ice cream eh sige na" sabi ko sa kanya
" Buntis ka ba pusa ko? hahaha" pang aasar niya sabay tawa kaya ngumuso naman ako at sinuntok ulit ang braso niya
" Hindi noh! grabe ka sa akin aso ko! hmp" sabi ko sa kanya sabay crossed arms
" Hala biro lang, sige pupunta tayo sa ice cream shop libre na kita" sabi niya sa akin kaya napangiti naman ako
" Thank You Aso ko!" sabi ko sa kanya sabay ngiti kaya napangiti na rin siya
---------
Nandito na kami sa Ice Cream shop flavor nung akin ay Chocolate syempre! favorite ko kasi ang chocolate eh! si Aso ko naman ayaw niyang kumain mas mabuti pa daw na titigan niya ako habang kumakain hayst
" Wahhh ang sarap talaga nang Ice Cream!" sigaw ko habang lumalamon nang ice cream
" Dahan dahan lang pusa ko baka mabulunan ka niyan" sabi niya habang nakatitig sa akin
" Ang sarap kasi eh" sabi ko naman
" Okay bilisan mo na diyan ha, 5:30 pm na" sabi niya sa akin sabay tingin sa relo niya
" Okay!" masigla kong sagot at ngumiti lang siya
Ang sarap talaga nang Ice Cream!
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...