* Jeni's pov *
Tulala lang kami ngayon Ni Syd Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko blanko lang ang isip ko pagkaraan nang ilang minuto
Nagulat kami ng bigla nalang nagkadikit ang mga ilong namin na muntik na niya akong mahalikan dahil bigla siyang nadulas itutuloy na Sana niya ang paghalik sa akin kaso bigla nalang may sumigaw sa likuran namin" BESSSSYYYYYYYYYY" sigaw na naman ni Shinah habang tumatakbong lumalapit sa amin kaya binitawan na niya ako
Si Shinah na naman, kung kailan di ko na sila hinahanap dun lang sila susulpot diba tama hinala ko?
" Anong nangyare Jeni??" tanong sa akin ni Charm na para bang may ibig sabihin yung sinasabi niya at nakangisi pa! halatang nang aasar eh!
" Wala naman bakit?" palusot kong tanong
" Bakit kayo andito? Bawal ang mga another student dito dapat yung mga basketball player lang ang andito" sabi ni Syd I mean Manyakis
Muntik na niya akong mahalikan eh, kaya manyakis naman
Oo alam ko aksidente lang ang nangyare, pero di pwede yun sa akin tsaka isa pa may balak pa siyang halikan ako tch grabe paano nalang kaya kung maraming students dito? Nakakahiya!
" Anong di pwede kami??, Bakit si Jeni andito?" tanong naman ni Shinah sabay taas ng kilay at nag crossed arms
Ang hilig din talaga netong makipag sagutan well ganyan kasi sila nasanay narin ako
" Iba siya" tipid na sagot ni Manyakis
" Iba daw??, ano siya special girl??" tanong na naman ni Charm habang naniningkit ang mga Mata nito
Tahimik lang si Manyakis na inaayos ang kanyang mga gamit sa locker sinilip ko ang loob at namangha ako
Aba aba malinis pala tong si Manyakis, di ko in expect yun ah mga kalalakihan kasi sa ngayon magugulo at puro video games and online games ang inaatupag
" Woii Syd tinatanong ka ni Charm oh" dagdag ni Shinah
Tong babaitang toh kahit kailan tahimik lang ako sa gilid ni Syd at Hindi umiimik
Umalis si Manyakis nang di man lang kami pinapansin tahimik siyang umalis
" Anyare dun?" tanong sakin ni Charm
" Aba ewan ko, bakit ako tinatanong niyo? Ano ako manghuhula?" sagot ko kay Charm
" True na to beh" sabi ni Shinah
" Oo nga eh halata naman eh, sa kilos palang" sagot naman ni Charm
Ano pinagsasabi nang dalawang toh??
Nababaliw na ata eh
" Anyare sa inyo?, Siguro kaya di ko kaya nahanap kanina kasi nasa MENTAL HOSPITA--- Aray ang sakit" naputol na lamang ang sinasabi ko sa kanilang dalawa
Binatukan ba naman ako ng dalawang bruha at grabe ha grabe HINDI MASAKIT YUNG PAGBATOK
" Grabe ka sa amin Jeni, Di naman takas mental yung mga kaibigan mo" palungkot na sabi ni Charm
" At tsaka sa ganda naming dalawa ni Charm kami? takas mentalll?" dagdag ni Shinah, aba taas ng confidence
" Ehem ehen ehem, napa ubo ako ah" sagot ko at tumingin sa ibang direction
" Ikaw talaga Jeni eh, ganyan ka sa amin palagi, eh totoo naman na maganda kami, Alam mo namang si Charm model dito sa school at ako naman Muse palagi kasi ako ang pinakamaganda sa room namin" grabe ang haba ng sinabi tapos ano daw? Psh langyang dalawang toh taas nang confidence
Oo totoo yun na maganda silang dalawa, maganda nga sila MAS MAGANDA NAMAN AKO ahaha
Umalis nalang ako sa harapan nila, palabas sa room ng mga basketball player habang nag uusap kasi kaming tatlo andun pa kami sa locker room ng mga basketball player...sana walang nakarinig sa pinaguusapan namin
* Syd's pov *
Grabe yung nangyare kanina di ko in expect na mangyayari yun
Ano kaya ang nararamdaman ni Jeni sa nangyare sa amin kanina
Is she falling in love with me after that happens or not?
I can't think properly
What should I do to make her fall inlove with me?
But....Sana nga may pag asa ako ngaun
Siya lang kasi ang minahal ko nang sobra since when we're a child. Kaklase ko siya noon, Siya ang pinaka matalino sa room namin at ang pinaka maganda
We Know each other But After I heard na Si Jeni ay nagka amnesia after that accident , Di na niya ako nakilala at kailanman di na niya ako kinakausap
Kaya gumagawa ako ng paraan para mapansin naman niya ako
Matagal na din akong umaasa na babalik at babalik ang kanyang mga alaalang nakaraan tungkol sa aming dalawa
* Flashback *
" Syd, Ano baon mo ngaun?" tanong niya sa akin
" Sandwich lang para healthy, ikaw Jeni?" I asked her
" Ang galing parehas tayo, Magkaibigan nga talaga tayo!" she giggled and smiled
" Tara kumain na tayo!" masigla niyang sabi tumango naman ako at nagsimula na kaming kumain
* End of the flashback *
Tuwang tuwa ako noon dahil naging kaibigan ko siya
Pero ngaun parang iniiwasan na niya ako
Palagi nalang akong naghihintay at umaasa halos araw-araw na
-----------
( sorry ngaun lang ako nakagawa ng next chapter, Don't forget to vote my story hehe)
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
JugendliteraturOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...