Chapter 53

990 26 0
                                    

* Jeni's Pov *

S-si Carl? bakit siya andito?? tsaka paano niyang nalaman na andito ako?? tumitingin tingin muna ako sa buong paligid at pumunta naman ang mga mata ko sa direksyon ni Carl

" Kumusta? na miss ulit kita" sabi niya sa akin nang may ngiti at itinaas niya ang kanyang kamay para mag wave

" Who are You?" seryosong tanong ni Aiden sa kanya

" Her boy bestfriend,why?" biglaang sagot ni Carl sa tanong ni Aiden sa kanya

" Is that true?" tanong sa akin ni Aiden at nakatingin sa akin nang diretso

" Ahhh oo" sagot ko naman , tumatango tango naman si Shinah sa narinig niyang sagot ko

" Pwede bang sumama sa gala niyo?" tanong ni Carl sa amin magsasalita sana ako kaso bigla ko nalang nakita si Syd sa likuran ni Carl at binigyan niya nang matalim na titig si Carl at pagkatapos ay sa akin na siya nakatingin nang seryoso

" Sa labas na tayo mag uusap pwede ba?" tanong ko sa kanila, ayaw kong nakikita sa ngayon si Syd lalo na kapag naaalala ko yung ginawa ko sa kanya kanina

" Sige ba" sagot ni Carl kaya umalis na kami

Nasa labas na kami nang mall, nasa parking lot kami ngayon, hindi naman masyado mainit ang sikat nang araw tsaka isa pa andito kami sa ilalim nang puno, may isang puno kasi dito sa parking lot kaya dito muna kami nag stay kahit saglit para mag usap

" Paano mo nga pala nalaman na andito ako?" tanong ko kay Carl

" Malamang nakita kita dito sa mall na tumatakbo, tsaka isa pa saktong andito sa mall ang hinahanap ko" paliwanag niya sa amin, at sino naman ang hinahanap niya?

" Sino naman ang hinahanap mo?" tanong ni Charm sa kanya, tumingin naman si Carl kay Shinah at saka ngumiti

" Nothing important" sagot niya sa tanong ni Charm

Sino naman kaya ang hinahanap niya? hindi kaya si Shinah? ewan, basta siya ang hula ko, pero bakit naman?

" Ano pupunta ba tayo sa Flower Garden o hindi?" tanong ni Carl sa amin

" Hindi na, uuwi na kaming lahat kaya ikaw nalang ang pupunta" seryosong sabi ni Aiden sa kanya, seryoso ata si Aiden ngayon? bakit?? hayst ang daming tanong nang isip ko ngayon

" Ganon ba? sayang makakapag relax pa naman sana si Jeni kung pupunta siya roon" sabi niya at tumingin naman sa akin saka nilagay niya ang kanyang mga kamay sa bulsa niya

" Uwi na tayo, ihahatid ko nalang kayo Nina Shinah, babe" seryosong sabi na naman ni Aiden at sabay na itong umalis habang hinihila si Charm, sinenyasan naman niya kami ni Shinah na sumunod na sa kanya pero nanatili parin akong nakatayo sa tabi ni Carl

" Pwede naman sigurong pumunta tayo sa Flower Garden, diba?" tanong ko kay Aiden kaya napahinto siya nang lakad

" This is for your safety Jeni" sagot ni Aiden sa akin nang di lumilingon sa akin at pagkatapos tumingin ito kay Carl, seryoso siya ngayon, kaya siguro seryoso din ang sinasabi niya, pero hindi  naman ako mapapahamak eh si Carl lang naman toh ang Boy bestfriend ko

" Jeni tara na" sabi ni Aiden sa akin

" Pero----" hindi na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tinignan ako nang masama ni Aiden kaya napahinga naman ako nang malalim at tumingin kay Carl, seryoso ang mukha niya, seryoso siyang tumingin kay Aiden, may alitan ba silang dalawa? kung may alitan man baka magkakakilala na sila? hayst  bakit pa kasing seryoso ang mga mukha nang mga tao ngayon??

" Sige, Carl alis na kami, bye" sabi ko at nagsimula nang maglakad

" Mag ingat kayo" pagpapaalam ni Carl sa amin nang may ngiti kaya ngumiti nalang din ako at sumunod na kina Charm at Aiden

* Aiden's Pov *

Sh*t yung lalaking yun he seems familiar to me, feeling ko mapapahamak kami kapag kasama namin siya, pero sino nga ba siya!? bakit pamilyar siya sa akin!

" Aiden! Nanghihinala na ako sa sasakyan na nasa likuran natin" sabi ni Jeni habang tumitingin sa likod nang kotse, lumingon ako sa side mirror at nakita kong kanina pa tong sasakyan , hindi kaya sinusundan niya kami? F**k it!

" Humawak kayo nang mabuti!" sigaw ko sa kanila at pinaandar ko na ang sasakyan nang pinaka mabilis , nadadaanan na namin ang traffic light at bigla nalang sumigaw ang traffic enforcer wala na akong paki alam dun basta ang akin ay mailigtas ko sila, baka mamaya kung sakaling maabutan kami, may hinding magandang mangyayari, sh*t kinakabahan ako!

Pakiramdam ko sa mga sumusunod sa amin ay ang mga Dark Age Members, hindi na nakakahinala ito dahil kulay itim ang kulay nang sasakyan nila kaya madaling hulaan na dark age members ang sumusunod sa amin at isa pa sila lang naman ang naging kaaway namin na ayaw talagang magpapatalo sh*t

" Aiden, bilisan mo pa!" nanginginig na sigaw ni Shinah, takot na takot na sila dito kaya mas lalo ko pang binilisan

Nang lumiko ako sa kanan Sh*t were trapped! dead end! umatras ako baka sakaling maka alis pa kami dito kaso huli na ang lahat naka harang na ang sasakyang kanina pa kami sinusundan Sh*t Sh*t Sh*t!

" Huwag kayong lalabas dito lang kayo, okay?" seryoso kong sabi sa kanila at bababa na sana ako sa kotse nang magsalita si babe

" Teka, saan ka pupunta?? baka mag mangyari pa sayo, dito ka nalang muna" pag alaalalang sabi niya sa akin ngumiti naman ako sa kanya at nagsalita

" Walang mangyayari sa akin pangako" sabi ko nang may ngiti at bumaba na sa kotse nakita ko namang nakangisi ang tatlong lalaki at hindi nga ako nagkamali mga dark age members sila

" Ano ba ang kailangan niyo?? nasaktan niyo na ang kasama namin, sino pa ba ang kailangan niyo??" sunod sunod kong tanong sa kanila

" Bro, babae lang , isang babae lang ang gusto namin, kung ayaw mong umalis sa harapan namin baka mamaya masali ka pa" pagbabanta nang isang lalaki na nasa kotse pa habang ngumingisi sa harap ko

" At sinong babae naman!?" galit kong tanong, hindi kaya si Jeni??

" Yung babaeng makulit, siya lang naman eh" sagot naman nang lalaking naka jacket na kulay black habang nakapamulsa at nakasandal ito sa kotse

Teka, si Shinah ba ang hinahanap nila?? pero bakit!? anong kailangan nila kay Shinah!?

" Hindi ko hahayaang kunin niyo si Shinah" seryoso kong sagot at binigyan sila nang matalim na titig

* Chris pov's*

Sinundan namin ang tatlong taong kanina pa sunod nang sunod kina Jeni, ang mga Dark Age Members, hindi namin alam kung ano o sino ang kailangan nila

" Lex bilisan mo pa!" sigaw ni Boss, si Lex ang sinabihan naming mag drive nang kotse, mabilis kasi siyang mag drive nang kotse dahil nakasali na siya noon nang mga car racing

" Binibilisan ko na" sagot ni Lex habang seryosong nagmamaneho, mabilis niyang pinaandar ang kotse dahil ang sinusundan naming sasakyan ay bigla nalang bumilis ang pagka andar, nangangamba na kami ngayon, lalong lalo na si Boss

Nang makahinto na kami sa pinaroroonan nang sasakyang sinusundan namin agad na kaming bumaba pagkatapos ay narinig nalang naming lahat ang sigaw ni Aiden, Sh*t!

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon