* Aimond's Pov *
"Uy Aimond balikan natin sina Chris"
"Aimond sige na oh!"
" Aimond! ano ba mapapahamak na sina Chris!"
"Aimond!!!!"
Huminto ako sa pagkakahila kay Shinah grabe nakakapikon na itong babaeng itoh! paano kaya toh minahal ni Chris? nakaka irita eh! hindi man lang gumagamit nang common sense! hayst
"Kaya nga kita itatakas dito para tumulong sa pulis! manghingi ka nang tulong gets mo ba!!?" sigaw ko sa kanya
"Paano kung ayaw maniwala nang pulis??" pag aalalang tanong niya kahit kailan ang babaeng ito sisigawan ko sana ulit siya nang may narinig akong dalawang taong tumatakbo kaya agad ko siyang hinila at nagtago sa likod nang mga kahon
Huminto sa pagtatakbo ang dalawang tao at ramdam kong hinahanap nila kami
"Shhhh" sabi ko sabay lagay nang daliri ko sa aking bibig
"Alam kong nandito lang sila eh!" sabi nang babae teka babae? pamilyar sa akin ang boses niya inangat ko ang aking ulo hindi nga ako nagkamali! sina Charm at Aiden! Lumabas ako sa pinagtataguan namin ni Shinah at saka ko hinila ang babaeng ito nakita naman kami agad ni Charm kaya agad nagyakapan ang dalawa sina Charm at Shinah
"Buti ayos ka lang Shinah, si Jeni?? hindi niyo kasama?" tanong ni Charm at umiling lang si Shinah bilang sagot
"Hinahanap na ni Boss panigurado naman ako na nahanap na nila si Jeni at ligtas siya kapag kasama niya sila Boss kaya huwag na kayong mag aalala tsaka isa pa magaling mag karate ang babaeng iyon anak ata ni Jackie Chan yun eh basta ang mas mahalaga ay maalis ko kayong dalawa ni Shinah dito sa bodegang ito" seryoso kong sambit
"Seriously? bodega pa tawag mo dito? parang mansyon na nga eh sa sobrang lawak nito bodega?" sungit na sabi ni Charm at inerapan ako, may saltik ata tong babaeng ito eh! kung wala lang si Aiden dito sinigawan na rin kita diyan tsk!
"Tara na alis na tayo, kailangan na nating maka alis agad at tulungan sila" seryosong sabi ni Shinah, mabuti naman at tumino rin ang utak nang babeng ito
"Sige umalis na kayo, Aimond ikaw na bahala sa kanila? okay? take care of them susunod ako kina Boss, mag iingat kayo" sabi niya sa akin at tumango naman ako bumaling naman ang tingin niya kay Charm at saka niya ito hinalikan sa noo
Boss? kahit na hindi na siya kasapi sa grupo namin boss parin ang tawag niya kay Syd pero para sa amin kasapi parin siya dahil naging tapat siya sa amin nawala lang siya sa grupo namin dahil sa galit niya kau Boss hay buhay life nga naman
"Tara na" sabi ko at nauna nang maglakad sumabay naman sa akin ang dalawa
* Chris Pov*
Malakas kong sinipa ang pintuan kaya nabuksan ko ito bumungad sa amin ang mga Dark Age members mga sobra pa sa 50 karamihan ay mga nasa ages of 30 pataas konti lang ang mga medyo bata este yung mga ka age lang namin nakita ko ring may kasama silang Matandang lalaki........kilala ko siya mayroong alitan sina Boss at ang matandang iyon paniguradong kilala din siya ni Jeni pero sa lagay niya ngayon paniguradong wala siyang maaalala sinabi na kasi sa akin este sa amin ni Boss sa tuwing naglalasing siya iba talaga ang tama kapag lasing ka nabibinyag lahat lahat kaya dapat lagi ko itong kasama si Boss eh
Bumaling naman ang aking tingin sa isang lalaki isang lalaking pinagkakatiwalaan ni Jeni at naging kaibigan si Carl.........bakit siya nandito? bakit niya kasama ang tanda na iyan? May kinalaman ba siya sa mga nangyayari sa amin ngayon? kung meron man bakit?
"Andito na pala ang ka backup ni "Boss"" pang aasar nang lalaking naka cap , pag ako napuno tignan lang natin
"Teka lang bakit kulang sila? Haha siguro nakatali pa ang iba" nakangising saad nang kasama niya ang mga katabi ni Tanda ay ang mga nakalaban namin noon ang dalawang lalaki na nasa likod ay ang kinalaban ni Jeni noon na bugbog sarado
" Ano ba ang kailangan niyo! sabihin niyo na para matapos na ito!" sigaw ko habang nakakuyom nanlilisik na rin ang mga mata ko at tinignan silang lahat nang masama ang mga Dark Age members kung bakit pa kasing ayaw nilang matanggap na talo talaga sila tsk!
" Isa lang naman ang kailangan ko eh ang anak lang nang mabait kong kaibigan at dahil nga pumunta rin kayo rito edi damay damay nalang kayong ilibing sa hukay" nakangising saad ni Tanda
" Isa lang pala eh bakit pati ang tatlong babae ay idinamay niyo sa mga kabaliwam niyo!" sigaw ni John teka lang John parang binebenta mo na iyan si Boss eh!
" Edi syempre para mas madali ko siyang mapapunta rito mag isip ka bata" nakangising saad ulit ni Tanda tumingin ako kay Boss nakakuyom ang kanyang mga kamao bigla naman akong tumingin kay Jeni nang magtanong ito
"Sino ka? bakit pamilyar ka sa akin?" tanong niya so hindi nga niya naaalala ang matandang iyan?
"Isang espesyal na tao para sa iyo Iha" sagot naman nang matanda
Nanatiling tahimik si Jeni nakakuyom na rin ito hindi ko alam kung bakit pero bigla itong tumingin kay Carl namg masama si Carl naman seryoso lang ang tingin niya kay Jeni ni hindi mo man lanh malaman kung ano ang ekspresyon nito may pagka poker face pala itong si Carl
"Haaayyyy ano ba yan! ang tagal simulan na kaya natin ang bakbakan!" sigaw nang lalaking naka cap at saka siya tumakbo kay Boss mabuti nalang at umiwas si Boss kaya nakipag bakbakan narin kami mahirap silang kalabanin marami sila kami 6 lang kami samantalang sila eh nasa 50 plus unfair right? mabuti nga't marunong mag self defense si Jeni marunong pala siyang mag martial arts? sobrang galing niya kasi sa sipaan Jackie Chan ang peg niya
"Too easy man" nakangisi kong saad nang mailagan ko ang pagsuntok nang matanda kasi naman nasa age 30 na ito eh wala na akong paki kung wala man lang akong respeto bakit sila may respeto ba sa mga mas bata sa kanila? well quits lang kami
Nagulat na lamang ako nang lahat sila ay nagsilabasan nang mga kutsilyo yung iba ay may hawak na baril kaya napahinto kami sa kinatatayuan namin napa istatwa kami sa nangyari lumingon ako kina Boss may nakatusok na sa kanyang kutsilyo sa leeg niya hindi ko akalaing may lalaki ring tumutok sa leeg ko nang kutsilyo Sh*t konting galaw lang ay lulusot na ang kutsilyo sa leeg ko
"Matapang ka talaga kahit kailan Iha" nakangising saad ni Tanda tinignan ko si Jeni nakakuyom parin ang kamay nito habang tinitignan nang masama si Tanda pati rin si Carl kahit na may kutsilyo pa itong nakatusok sa leeg niya at may baril nang nakalagay sa ulo niya
"Huwag niyo siyang sasaktan! dahil sa oras na gawin niyo iyon makikita niyo na ang totoong ugali nang Scorpion Clash!!" sigaw ni Boss sa kanila ngunit biglang ngumisi si Carl at saka tumingin kay Boss
"Good dahil iyan ang hinihintay namin, Show it........Scorpion Clash" nakangisi niyang sambit L*tche talagang sinusubukan kami nang Carl na iyan ah ngumisi din ako well kung gusto niyang ipakita namin ang totoo naming ugali huwag kang mag aalala pagbibigyan ka namin..........
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Novela JuvenilOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...