Chapter 74

964 33 1
                                    

* Jeni's Pov *

Papunta ako ngayon sa mansyon kasama si Aiden siya kasi ang inatasan na maghatid sa akin pauwi , si Ama may trabaho daw napaka importante daw  nang gagawin niya ngayon kasama si Tita yung mama ni Aiden , habang naka upo sa may passenger seat nakatingin lang ako sa bintana tahimik lang kaming dalawa walang gustong mag usap lalo na ako gusto ko muna nang katahimikan lalo na ngayon ay nalaman ko nalang na patay na pala si lolo gusto kong pumunta sa puntod niya magkatabi lang nang puntod sila ni mama pero ang sabi ni Ama ay sa susunod nalang muna dahil kailangan ko daw nang pahinga

" Jeni are you okay?" Tanong bigla sa akin ni Aiden kaya natauhan ako pumatak na pala ang mga luha ko pinahid ko ito at sumagot nang tango

Nakakainis kasi kung bakit pa nawala ang mga ala ala ko sa mga taong mahalaga sa buhay ko , ako pa tuloy itong nasasaktan dahil pakiramdam ko ay wala akong paki alam sa kanila dahil hindi ko sila kilala lalo na si Lolo ngayon ko lang siya naalala kung kailan huli na at magkasama na sila ni mama ngayon ko lang naalala ang lahat nang masasayang ala ala na nabuo sa pagkatao ko at kay Syd na isa ko palang malapit na kaibigan ngayon ko lang naalala ang tungkol sa aming dalawa, kamusta na kaya siya? Ang alam ko kasi ay nasa ibang bansa siya ngayon kasama ang pamilya niya para mas lalong lumago ang negosyo nila, iisa lang ang ibig sabihin nito maaaring magkasama sila ngayon ni Fiacre nang masaya

" Jeni, andito na tayo" biglaang sabi ni Aiden , lumabas na siya sa kotse kaya lumabas na rin ako dala ko ang isang backpack pero kinuha niya sa likod ko ang bag

" Ako na bahala dito huwag ka munang magbuhat nang mabigat" nakangiting sabi ni Aiden kaya hinayaan ko nalang siya bigla namang nagsipunta sa amin ang mga kasambahay para buhatin pa ang ibang gamit

Binuksan ni Aiden ang pintuan sa harap pagbukas nang pinto ay dilim lang ang nakita ko walang tao, anong nangyari?

" Nasaan sila?" tanong ko kay Aiden pero wala akong marinig na sagot kaya lumingon ako sa kinatatayuan niya bigla nalang siyang nawala nasaan siya?

" AIDEN!!!" sigaw kong tawag sa pangalan niya pero walang sumasagot ayaw kong pumasok sa loob natatakot ako , hindi ako takot sa tao pero takot ako sa dilim aminin ko man o hindi

" Aiden!! Ano ba! Lumabas ka na!" Sigaw ko ulit pero wala parin akong narinig nang biglang

Boom!!! Boom!!! Boom!!!

" WELCOME BACK JENI!!" masayang bati nang lahat sabay bukas nang ilaw at pagputok nang party blower nagulat ako nang makita silang lahat na nakangiti , si Shinah,Charm, Si Tita at Ama, si Aiden maging ang mga kasambahay at ang Driver , kasama din sina Chris,Alder, Lex, John at Aimond

Bigla namang bumagsak muli ang mga luha ko galing sa aking mga mata napaluhod ako habang nakangiti ito pala ang pinaka,importanteng gawin ni ama? Kaya pala hindi ko sila nakita nang pwede na akong umalis sa hospital dahil abala sila sa sorpresang ginawa nila para sa akin tuwang tuwa ako ngayon dahil nandito sila para gawin ang mga dekorasyon na ito

" Ano Bessy? Effort ba?" Nakangiting tanong sa akin ni Shinah, namiss ko siya namiss ko ang pagiging makulit niya pakiramdam ko ay ilang taon ko siyang hindi nakita

" Oo naman" nakangiti ko ring saad at saka ko pinahid ang mga luha gamit ang dalawa kong kamay

" Eto panyo Jeni" nakangiti ring sabi ni Charm at saka inilahad ang panyo sa akin na agad ko namang tinanggap itong si Charm ay namiss ko rin ang pagiging bungangera niya yung boses niya

" Ayos lang ba ang sorpresa namin anak?" Rinig kong tanong ni Ama kaya tumayo ako at saka tumakbo papunta sa kanya agad ko naman siyang binigyan nang yakap at doon na namang nagsimulang bumagsak ang mga luha ko

" Salamat Ama, salamat sa inyong lahat hindi ko in expect ang mga ito akala ko ay.......ay........ginawa niyo lang ang trabaho niyo, yung negosyo niyo, Salamat talaga, salamat dahil nagbigay kayo nang time para gawin ito" tuwang tuwa kong sabi habang nakangiti at nakapikit at kumawala na mula sa pagkakayakap

" Ano ka ba Bessy! Kaya nga may kasabihan na Don't EXPECT an expected things because  an expected things can be UNEXPECTED, na gets mo ba bessy?" Nakangiting tanong ni Shinah tumango naman ako bilang sagot

" Syempre naman! Alam mo namang matalino tong bestfriend natin!" Nakangiting sabi ni Charm at sabay akbay sa akin

Tumingin ako sa dekorasyon may nakalagay na WELCOME BACK JENI tumingin din ako sa paligid naka handa ang mga masasarap at paborito kong pagkain kaya na excite tuloy akong kumain lahat nang iyon

" Gutom na ata si Jeni, tayo na at kumain na tayo" birong sabi ni Chris nahalata niya rin pala

" O baka ikaw ang gutom Chris?" Nakangising sambit ni Aimond

" Uy hindi ah kakakain ko lang kaya" sagot naman ni Chris

" Kapag tumaba ka Chris baka hindi ka na sasagutin niyan ni Shinah ha?" Pang aasar ni John teka ano daw?

" Hindi sasagutin ni Shinah? Ano ang ibig mong sabihin John?" takang tanong ko

" Nililigawan na kasi ni Chris si Shinah" sagot sa akin ni John

" Wehhhh? Talaga!! Pero hindi ba ligaw yung ginawa niya noon kay Shinah?" Muli ko na namang tanong na kaagad naman akong inakbayan ni Chris

" Alam mo kasi Jeni pinapakita ko palang doon na mahal ko siya tapos ngayon ligaw na" saad ni Chris

" May pagkaibahan ba yun?" Tanong ko naman

"Hayst tara na kain na tayo kanina pa ako nagugutom" singit ni Charm sa usapan at nagsimula na kaming kumuha nang pagkain sa mahabang mesa , kumuha ako,nang cake isa sa paborito kong pagkain!

Masaya kaming lahat hababg kumakain maging ang mga kasambahay ay tuwang tuwa dahil nakakain din sila nang ganito kasarap na pagkain siguro kung andito lang sina mama at Lolo mas magiging masaya siguro ang araw ko ngayon pero kahit naman na wala na sila nararamdaman kong nasa tabi ko lang silang dalawa nakatayo at nakangiti habang pinagmamasdan kaming lahat

" Kailan mo nga pala sasagutin si Chris?" Pang aasar kong tanong kay Shinah bigla naman siyang namula sa tanong ko kaya tumawa ako at saka tumingin kila Chris

" Uyyy tignan mo si Chris oh ang gwapo kapag tumatawa" asar ring saad ni Charm sabay  siko kaya mas lalong namula si Shinah

" Haha Shinah halata na" sabi ko sabay tawa kaya tumalikod nalang siya sa amin

" A-alis muna ako saglit" nakatalikod niyang saad sa amin at sabay nang umalis

" May lablayp narin si Shinah Haha" natatawang sabi ni
Charm habang nakapamewang, yeah tama nga siya

Bigla ko namang naalala si Syd , yung mga masasayang ala ala naming dalawa , noong una naming pagkikita yung tinapunan niya ako nang Orange Juice yung palagi siyang tanong nang tanong sa akin kung ano daw ang pangalan ko pero alam din naman pala niya kung ano ang pangalan ko , nang oras na binigyan ko siya nang advice at pinakinggan niya ang problema na bumabagabag sa akin, yung tawagin naming aso ko at pusa ko hindi ko malilimutan yun, nang pumunta kami sa bundok at manood nang sunset yung akala ko na i r-rape niya ako pero nasa isip ko lang pala yun haha yung oras na nagsubuan kaming dalawa nang pagkain, yung first kiss na nangyari sa aming dalawa iyon na siguro ang pinaka,masayang ala ala na nangyari sa akin nang kasama siya,pero ngayon wala na, ang relasyon namin ay tapos na.

" Naaalala mo na naman ba si Syd?" tanong sa akin ni Aiden doon ko lang nalaman na nakangiti na pala ako kaya bigla akong nalungkot at yumuko

" Kainin mo na ang cake na yan baka maunahan ka nang langaw" birong sabi ni Aiden kaya ngumiti ako at saka sinubo ang Cake

Kahit naman na wala na siya sa tabi ko mamahalin ko parin siya kahit naman na masakit na salita ang binitawan niya alam kong kahit sa saglit na panahon ay minahal niya ako pero Sh*t..........

SYD , I MISS YOU...

------------------

Hello Guys! Matatapos na ang story ko yess haha so please don't forget to vote and comment! Share niyo narin para mas dadami ang readers nang story ko support niyo rin ang Fantasy story ko ha? Yes isa sa bago kong story support it guys! Thanks!!! 😍😘😁💞



My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon