Chapter 71

915 24 0
                                    

Extra muna po ako Haha

Ang Chapter na po ito ay ang mga ala ala ni Jeni mula noong bata pa siya hanggang sa dumating na na-aksidente siya at nagka amnesia

-----------------------***

* Third Person's Pov *

Isang iyak nang batang sanggol ang narinig nang lahat nang tao sa hospital pagkatapos manganak nang isang magandang babae na nasa edad na 27 years old

" Huwaaaahh Huwaaahhh Huwaaahhh" hikbi nang napakagandang bata makinis ang balat nito at maputi marahang ibinigay nang Doctor sa ama ang bata habang ang ina nito ay nawalan na nang malay

Abot tenga ang ngiti nang ama niya habang hinahawak hawak siya nang kanyang ama tuwang tuwa ang buong pamilya niya nang makita siya maging ang kanyang Lolo na nasa labas

"Ang ganda nang anak namin" ngiting sabi nang ama nito sa bata

"Mukhang sa paglaki nang batang iyan magiging katulad siya nang kanyang ina nang isang magandang dalaga" ngiting sabi nang Doctor sa ama nito

"Tama ka nga diyan Doc" ngiting sabi ulit nang Ama nito tumango lang ang Doctor bilang sagot at agad na itong umalis ibinigay naman niya ang bata sa nurse nang dahan dahan

Lumabas na ang ama nang bata at sa paglabas ay nagyakapan ang isang lalaki na nasa 48 years old na ito

" Sa wakas ay nagkaroon narin ako nang isang apo" masiglang sambit nang lolo nang bata sa ama niya

"Sa wakas at nagkaroon narin kami nang anak nang asawa ko" ngiting saad nang ama nang bata

"Ano naman ang kanyang ngalan?" tanong nang Lolo

"Sa tingin ko ay ang ina na niya ang bahala sa pangalan niya" nakangiting saad nang ama nang bata

* Fast Forward*

Nasa isang mansyon na ang buong pamilya at ipinagdiriwang ang unang taon nito ipinangalan nila ang bata bilang si Jeni Mace Reyes nakakulay blue ang dress nang bata na may headband sa ulo na kulay Rosas

Nang Lumaki ang bata hanggang sa pumasok na ito bilang kindergarten kasama niya ang kanyang ina sa pagpasok niya sa paaralan may kausap ang ina nito kaya tumitingin tingin na lamang muna siya sa paligid hanggang sa may nakita siyang isang lalaki isang batang lalaking tulad niya nag iisa na ito at walang kasama kaya naisipan niyang lapitan ito at kausapin

"Hello, What is your name?" tanong ni Jeni sa batang lalaki nguniti binigyan lang siya nito nang malamig na titig at saka umalis sa harapan niya

"Jeni anak, come on" sabi nang ina ni Jeni tumakbo siya palapit sa mama niya nang may ngiti

Pagpasok niya sa room niya agad naman siyang napahawak sa paa nang kanyang ina , si Jeni dahil hindi pa ito sanay na kumausap sa maraming tao lalo na't nakatingin sa kanya ang lahat

" Children this is your new classmate her name was Jeni say Hi to her" bati nang guro at sinabayan ito nang pagturo kay Jeni

"Hi Jeni" masiglang bati nang mga kaklase niya maliban sa isa sa isang batang lalaki na kinausap niya kanina medyo lumuwag na ang pagkakapit niya sa paa nang kanyang ina at saka ngumiti

"Hello" masigla niyang bati at saka ngumiti agad naman siyang tumingin sa batang lalaki binigyan siya nang malamig na titig at saka umiwas nang tingin

"Umupo ka na Jeni" sabi nang guro sa kanya humanap nang mauupuan si Jeni pero iisa nalang ang bakante......sa upuan nang batang lalaki

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon