Chapter 50

954 30 0
                                    

* Syd's Pov *

Nasa bahay ako ngayon kasama si ate para kausapin si Dad dahil pinaliwang ko na lahat nang tungkol sa nangyari, Nasa kwarto kaming lahat ngayon sinisigawan ni ate si Dad dahil sa gulo na pinasok niya

" Dad naman bakit mo naman ginawa yun, at dahil lang sa negosyo natin??" tanong ni ate na halatanf stress na stress sa mga nangyayari

" Huwag mo ako isisi, yang lalaking yan, SIYA! SIYA ang isisi mo!" sigaw ni Dad sa akin habang tinuturo ako

Susugurin ko sana si Dad para suntukin pero pinigilan ako ni Ate

" At ako pa talaga ang isisi mo!? isisi mo yang mapurol mong utak Dad!" sigaw ko rin sa kanya habang pinipigilan parin ako ni ate

" Syd, tama na yan" mahinahon na sabi ni Ate

" Huwag na huwag mo akong pagsabihan na ganyan! at huwag na huwag mo akong tawaging Dad! hindi kita anak! tandaan mo yan!" sigaw niya ulit sa akin

" DAD PLEASE STOP!" sigaw na naman ni ate
" Then Sir! huwag mo akong isisi sa kagagawan nang mapurol mong utak" inis kong sabi sa kanya pagkatapos ay sinuntok niya ang mukha ko para matumba ako

" ANO BA! TAMA NA SABI!" sigaw ni Ate at agad naman siyang lumapit sa akin tumayo naman agad ako at tinititigan nang masama si Dad

" Ano ba Sharielle?? dapat kumampi ka sa Dad mo, dahil siya ang kadugo mo!" sigaw naman ni Mom sa amin

" WALA AKONG SINO MANG KINAKAMPI DITO MOM! YUNG AKIN LANG AY KINAKAMPI KO ANG TAMA! DAPAT NGA MOM PAGSABIHAN MO SI DAD SA GINAWA NIYA, DON'T TELL ME KASABWAT KA DIN, MOM!?" sigaw ni ate

" Wala akong kinalaman sa ginawa nang Dad mo Sharielle-----" hindi na natuloy ang sasabihin ni Mom dahil sumigaw nalang bigla si Ate

" THEN BAKIT MO PINAPABAYAAN ANG GINAWA NI DAD!!" sigaw niya ulit sinampal naman ni Dad si ate

" Ate!" sigaw ko

" Sharielle! kami ang Mom at Dad mo! ngayon mo lang kami sinisigawan nang ganito! Ginawa ko yun para lang ikabubuti mo! tapos yan lang ang gagawin mo!" sigaw ni dad kay ate

" Syd, umalis ka muna dito" mahinahon na sabi ni Ate

" Pero ate----" di na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Ate

" Sige na lumabas ka na, ako na ang bahala dito" mahinahon na namang sabi niya t sinunod ko naman siya kaya lumabas ako pero bago ako lumabas tinititigan ko muna sina  SIR and MA'AM

---------

Pumunta ako sa mall kung saan sinabi ni Chris sa akin na nandoon si Jeni, kanina ko pa kasi siya tintawagan ayaw niyang sagutin, siguro galit siya sa akin ngayon o sa pamilya ko~

* Jeni's Pov *

" Jeni! Sumama ka nalang kaya!" sigaw sa akin ni Charm sa kabilang linya

" Oo nga bessy para naman may mapaglibangan ka! hindi yung nagmumomok ka lang diyan!" biglang sigaw ni Shinah sa kabilang linya,pambihirang babaeng toh pasulpot sulpot

" Okay, sasama na ako" mahinahon kong sabi

" YEHEY!" sigaw nila Shinah at Charm pagkatapos kong  sumagot nang sasama na ako

Binaba ko na yung cp ko at pumunta sa cr para maligo, tanghali na kasi di pa ako nakaligo, dito na rin ako kumain sa kwarto ko, si ama naman at ang Mom ni Aiden naka alis na para sa negosyo nila, si ama ay mayroong malaking kompanya, isa siyang kilalang negosyante dito sa pilipinas habang ang Mom naman ni Aiden ang nagmamayari nang isang sikat restaurant sa may Cavite at sa iba't ibang bansa, alam ko ang lahat nang yun dahil kinuwento sa akin ni Aiden kagabi bago pa ako pumasok sa kwarto ko at natulog

Nakabihis na ako ngayon, naka T-shirt lang ako na kulay red at naka pantalon pagkatapos ay nag cap ako para kung sakali mang andun si As-------Syd di niya ako makita

" Jeni, kanina pa daw nag aantay sina Charm doon" sigaw ni Aiden mula sa labas

" Okay, paalis na ako, paki sabi sorry late ako" sigaw ko pabalik sa kanya at umalis na ako sa kwarto ko

Nang nasa labas ako ngayon nakita ko namang naka sandal si Aiden sa kotse niya ang cool ata nang dating niya ngayon ah, nakita naman niya agad ako at nagsalita siya

" Tara na" sabi niya at nauna nang sumakay sa kotse kaya sumunod naman ako

Pinaandar na niya ang kotse at naka alis na kami sa mansyon nila, seryosong nagmamaneho ngayon si Aiden

" Jeni, nagplano na kami ni Dad na kasuhan namin si Mr.---------" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sumigaw ako

" Bakit!? huwag niyo nang kasuhan" sabi ko

" At bakit naman? siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang mama mo Jeni" sabi niya sa akin

" Alam ko, pero alam ko ding malulungkot si..........Syd kung sakaling kasuhan natin ang Dad niya" mahina kong sabi sa kanya

" Jeni...........ano naman ang plano mo?" tanong niya sa akin

" Ako nalang bahala doon" mahinahon kong sabi

Kakausapin ko bukas si Syd huwag muna sa ngayon

Patawad Ma' kung di ko man mapapangako ang sinabi mo, mas nakakabuti na rin yung gagawin ko ito kesa naman sa kasuhan ko ang Dad ni Syd, baka maghirap lang siya at saka isa pa...........nakakabuti rin ito sa akin at sayo.....

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon