Chapter 35

1.2K 37 0
                                    

* Syd's Pov *

Pinigilan ko sa pag aaway sina Jeni at Fiacre Sh*t ano ba kasi ang nakain ni Fiacre kung bakit kailangan pa niyang ipahiya si Jeni!

" Ang landi talaga nang babaeng yun, super duper kung ako kay Fiacre sinunog ko na yun nang buhay"

" Tama ka diyan Girl, dapat maglaho na ang mga babaeng malandi tulad niya"

May naririnig akong mga babaeng nag uusap na pinag uusapan si Jeni kaya lumapit ako sa kanila ar tinititigan nang masama

" Huwag na Huwag kayong magsalita nang walang kabuluhang bagay! Kung ayaw niyong pahiyain ko rin kayo dito sa school! UNDERSTAND!" sigaw kong sabi sa mga babae at tumango naman sila habang nakayuko kaya umalis na ako sa harapan nila para hanapin ulit si Jeni

Halos maprapraning ako sa kakahanap baka mamaya lumabas nang school yun at kung saan saan na naman pumunta sh*t lalabas na sana ako nang school nang may naririnig akong umiiyak kaya lumapit ako at nakita ko si Jeni naka upo habang ang ulo niya ay ipinatong niya sa tuhod niya kaya napangiti naman ako at lumapit ako sa kanya

Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap agad siya

" I'm sorry" sabi ko habang niyayakap siya

" S-Syd" malungkot niyang tawag niya sa pangalan ko at humahagulgol sa pag iyak

* Jeni's Pov *

" I'm sorry" rinig kong sabi ni Syd habang niyayakap niya ako

" S-syd" malungkot kong tinawag ang pangalan niya habang umiiyak

--------

Naka upo kami ngayon sa bench dito sa school kaming dalawa lang ang andito tahimik lang ako habang naka upo habang hinahawakan ang palda ko at agad naman niyang ipinatong ang kamay niya sa kamay ko

" I'm sorry kung di man kita na ipagtanggol agad kanina, I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo para pigilan si Fiacre" pagpapatawad niya sa akin pero di ko pa rin kayang ngumiti

Lumapit siya sa kinauupuan ko at inakbayan ako kaya lumingon ako sa kanya at nakatingin naman siya sa langit at yumuko ako at nagsalita

" Okay lang, naging ka back up ko naman sina Charm at Shinah" malungkot kong sabi sa kanya

" Don't worry hindi ko na hahayaang mangyari ulit sayo yan I Promise" sabi niya sa akin kaya lumingon ako at nakita ko namang nag promise sign siya kaya napangiti nalang ako kahit konti

" Ang liit naman nang ngiting mong yan" reklamo niya sa akin

" Eh ano ba gusto mo?" tanong ko sa kanya

" Dapat ganito" sabi niya sa akin sabay kurot sa magkabilang pisngi ko nang malapad at GRABE SYD HINDI MASAKIT!

" Aray! Masakit yang kurot mo na yan eh!" reklamo ko sa kanya pero tumakbo lang siya paalis sa akin kaya hinabol ko siya para makabawi

" Ikaw talaga! kahit kailan! humanda ka sa kurot ko sayo!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol pa rin siya

" Kung kaya mo akong mahabol" sabi niya sa akin sabay tawa

" Oo kayang kaya ko!" sigaw ko sa kanya sabay tawa na din

Mga ilang minuto na ang lumipas di ko pa rin siya mahabol ang tulin niyang tumakbo eh! kaya nagpahinga muna ako saglit

" Pagod ka na ba?" tanong niya sa akin

" Oo" sabi ko habang hingal na hingal at nang palapit na siya sa akin kinurot ko rin agad ang pisngi niya nang napakalakas

" Ouch!" sigaw niya pero tumakbo lang din ako at pinagtatawanan siya

" Hahahaha nakabawi rin ako sayo hahahahaha" sabi ko sabay tawa habang nakahawak sa tiyan ko

" Ang daya mo ha!" sabi niya sa akin nang may ngiti hahabulin pa sana niya ako kaso----

" EHEM!" rinig na sabi naming dalawa kaya lumingon kami at si MRS VILLA FUENTES! kaya napayuko naman ako bigla grabe kakahiya kay Ma'am

" Tandaan niyo paaralan ito! kaya dapat niyong galangin ang patakaran dito! understood?" suway na sabi ni Mrs Villa Fuentes

" Yes Ma'am" sabay na sabi naming dalawa ni Syd kaya napalingon kaming dalawa sa isa't isa at ngumiti kaming dalawa

" Sumama ka sa akin Ms. Reyes" seryosong sabi ni Mrs Villa Fuentes

" O-okay po" pag galang kong sabi at pautal utal kay Ma'am at tumingin naman ako kay Syd pero sininyasan niya lang ako na sumunod kay Ma'am

Napalunok nalang ako nang laway ko dahil di ko alam kung saan kami pupunta ni Mrs Villa Fuentes ang lakas pa naman nang kaba ko huhu

* Syd's pov *

Nagtakbuhan kami kanina ni Jeni kaso bigla nalang dumating si Mrs Villa Fuentes at tinawag si Jeni kaya napahiwalay na naman ako sa kanya, pero bakit kaya tinawag ni Mrs Villa Fuentes si Jeni?

Habang naglalakad ako ngayon nakasalubong ko naman sina Lex,John, at Aimond

" Boss nakita mo na yung pusa mo?" tanong ni Aimond sa akin kaya namula nalang ako bigla at sabay kamot sa ulo ko at di tumitingin sa kanila

" Haha nakita na niya pusa niya" pang aasar ni John sa akin

" Oo kanina pa" sagot ko sa kanila

" Love na naman" rinig kong sabi ni Lex

" Sus Bitter ka lang kasi! wala ka kasing jowa, maghanap ka kaya sayang ang mukha mo kung di mo gagamitin" sabi ni Aimond sa kanya habang naka ngiti at nagtaas baba naman ang kilay nito

" Bakit ikaw? may jowa ka na?" asar na tanong ni John at saka ito ngumisi

" Wala pa, pero malapit na, bakit ikaw? may jowa ka na ba?" tanong ulit pabalik ni Aimond kay John

" Oh? talaga? araw araw nga eh may mga chicks kang laging kasama" reklamo ni John, si Aimonf talaga ang hari nang malandi sa group namin, mas malandi pa toh kay Chris

Naalala ko tuloy yung dinala talaga ni Aiomd yung dalawang chicks niya sa may bodega namin kung saan lagi kaming naka istambay kapag wala kaming masyadong ginagawa sa bahay at kung naghahanap nang away

" Buti alam mo John HAHA, at ikaw naman Lex hanapan kita Chicks gusto mo? para naman may jowa ka na, hindi yung puro si phone lang ang hawak mo, nakakabobo at nakakabulag yan" tuloy tuloy na sabi ni Aimond kay Lex

" Tsk Di ako tulad mong Chickboy" seryosong sagot ni Lex at saka umirap at umalis siya palayo sa amin

" Apaka seryoso namang nilalang yun at may nalalaman pang pa irap, sungit, ako na nga tong tumutulong sa kanya eh" rinig kong reklamo ni Aimond

" Hayaan mo nalang yun, talagang in born na yun sa kanya" sabi ko kay Aimond

" Sus! masaya ka lang kasi nakita mo na pusa mo!" pang aasar sa akin ni Aimond

" Tumigil ka na nga diyan" suway ko sa kanila at halata na namang namula ang mukha ko sh*t bakit ba di ko matago tong pamumula nang mga pisngi ko!

" Namumula ka nga diyan eh" pang aasar sa akin ni John

" Bahala nga kayo diyan alis na ako" sabi ko sa kanila sabay alis

Puntahan ko nalang si Jeni kay Mrs Villa Fuentes para malaman kung bakit siya pinatawag , patapos narin naman yung subject sa oras ngayon

" Sige Boss Ingat ka!" sigaw na sabi ni Aimond sa akin kaya nagwave nalang ako nang kamay habang naglalakad nang nakatalikod

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon