* Shinah's Pov *
Andito kami ngayon ni Charm inaantay si Jeni, ma l-late daw siya ngayon sabi ni Aiden kaya todo antay kami sa kanya ngayon, nakakapagod mag antay!
Nasa Mang Inasal kami ngayon kumakain nang halo halo, gusto daw kasing kumain ni Charm nang halo halo eh mainit din kasi ngayon kahit na malamig ang aircon dito sa mall ramdam padin ang init dahil sa singaw nang mga taong papasok palang sa mall ang dami kasing mga taong nagkukumpulan ngayon
" Ang tagal naman nila Jeni at Aiden" bagot na bagot na sabi ni Charm habang ang ulo nito ay nakapatong sa mesang puti at hinayaan ang halo halo niya sa gilid
" Mag antay nalang tayo kahit nakakapagod" sabi ko naman habang umiinom nang orange juice
" Mag antay ka nalang napapagod ka? buti ka pa nga naka upo ka lang yung iba nagtratrabaho, yun ang nakakapagod" sermon naman ni Charm sa akin, kahit kailan tong babaitang toh akala mo naman eh nagpapagod sa bahay mahiya nga siya kay Jeni!
" Bakit nagtratrabaho ka ba? makapag sabi ka kala mo may ginagawa ka rin sa bahay eh nakaupo ka rin naman at nakikipag chat kay "Babe" mo" sagot ko naman sa kanya at bigla nalang siyang kinilig sa sinabi ko landi porke may babe ka lang ganyan ka na tsk
" Syempre naman, ikaw kasi wala kang ka chat, wala ka ring bf hahaha" sabi ni Charm sabay tawa, pwe may gana pa siyang asarin ako nakakagigil tong kausap ko ang sarap sakalin nakakainis!
" May ka chat din kaya ako noh!" pagmamayabang kong sigaw sa kanya tsk hindi lang ikaw ang may ka chat Charm meron din ako tsk tsk
" Sino naman? si Chris?" pang aasar niya sa akin , argghh kung di ko lang kaibigan toh, sinabunutan ko na toh si Charm
Habang nag aantay kina Jeni nag text naman si Chris sa akin kung asan daw ako ngayon, at sinabi ko naman na nasa mall ako, sinabi ko rin kung saang mall ako ngayon
" Uy sino kausap mo diyan?" tanong ni Charm sa akin
" Wala" tipid kong sagot at tinago ko na ang phone ko sa sling bag ko
" Babe" rinig kong may sumigaw at nakita ko namang nandito na sina Aiden at Jeni, ang lalim nang iniisip ni Jeni ngayon, siguro yung mama na naman niya ang nasa isip niya
" Hello Babe" sabi ni Charm at sinabayan niya nang yakap si Aiden nang halik sa pisnge, ewww just ewww Charm huwag dito doon kayo sa kwarto magkulong kayo doon nang ilang dekada nakakapanindig balahibo!
" Bessy ba't ang lungkot mo?" tanong ko kay Jeni para naman hindi ko marinig ang mga sweet message nila Charm at Aiden sa isa't isa nakakaloka ano itong bitter bigla namang natauhan si Jeni sa tanong ko, tulala kasi siya kanina sa harapan ko eh ang lalim nga talang nang iniisip
" Ahh okay na ako Shinah" sabi niya sabay ngiti nang tipid, alam kong di pa rin siya okay pekeng ngiti yan Jeni kilala na kita
" Kumain nalang muna tayo" sabi ko naman sabay hila si Jeni malapit lang sa upuan ko
Umupo na rin sila ni Charm at Aiden magkatabi sila ngayon syempre mag "jowa" sila eh
" Anong i order mo Jeni?" tanong ni Charm sa kanya
" Kahit ano, basta masarap" sagot naman niya pero malumanay ito at malungkot
" Hmm yung laging ini order nang mga costumer dito, ano nga yun?" tanong ko naman, hindi na ako pinansin ni Charm at lumakad na silang dalawa ni Aiden papunta sa counter para bumili
" Grabe si Charm" sabi ko naman sabay pout
" Okay lang yan Shinah" sabi naman ni Jeni sabay tawa nang mahina
" Ayieeeee tumatawa na si Jeni Bessy" pang aasar ko sa kanya at ngumiti naman siya yung ngiting totoo ramdam ko yun
" Salamat ha? sa inyo" sabi niya sabay ngiti nang malaki nararamdaman kong nagpapasalamat nga talaga si Jeni sa amin pero maliit na bagay lang iyon
" Walang anuman yun bessy, tandaan mo kahit man wala na ang mama mo andito kami ni Charm at ni Aiden naku lalo na ako andito ako para pasayahin ka anh magandang dyosa na kaibigan mo " proud kong sabi nang may ngiti at syempre with matching Flip hair inakbayan ko rin siya
" Tama ka" sabi niya nang mahinahon pero nakangiti parin
Bigla namang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa status nilang dalawanni Aiden kaya naisipan kong tanungin siya ukol sa kanilang dalawa
" Teka lang bati na ba kayo ni Aiden? Paano?" tanong ko sa kanya
" Hmmm teka lang, ahmmm pumunta siya sa bahay ko at hmmm ewan ko eh basta alam ko lang nawala na galit ko sa kanya di ko lang alam kung bakit pati kay Ama at sa Mom ni Aiden" paliwanag niya sa akin habang inilalagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba
" Ahhhh, so hindi mo nga alam kung bakit? okay?" sabi ko naman at nakabalik na sina Aiden at charm sa mga upuan nila
" Anong topic niyong dalawa??" tanong ni Charm sa amin
" Wala about hmmm basta" sagot ko naman
" Hayss ewan ko sa inyo ayaw niyo talagang maki share nang topic niyo" sabi naman ni Charm
" Ma'am and Sir andito na po yung order niyo" sabi naman nung waiter at inilatag na niya ang pagkain
" Ang bilis.....ata?" takang tanong ni Jeni
" Alis na po ako" sabi nang waiter at umalis na siya
" Syempre sinabihan ko na bilisan ang pagluto sa pagkain natin" sagot naman ni Aiden
" Ahhhh kaya pala pero paano??" tanong ko naman
" Nagugutom ka ba o hindi Shinah?" tanong ni Charm sa akin
" Nagugutom po" sagot ko naman at bigla namang tumawa nang mahina si Jeni
" Oh? bakit ka tumatawa Jeni?" tanong ni Charm
" Natatawa lang kasi ako sa inyo, kahit kailan wala talaga kayong pinagbago" sagot naman niya sa amin
" Ashushu bessy, kumain na nga lang tayo haha" sabi ko naman
" Hindi ba walang tayo Shinah? haha" sabi naman ni Jeni sabay tawa
" Oo nga noh walang tayo" sabi ko naman
" Kahit kailan, kain na nagugutom na ako" sabi naman ni Aiden
------------
Patapos na sana kaming kumain st paalis na, nang biglang may nagsalita na pamilyar ang boses
" Jeni" rinig kong tawag ni Syd kay Jeni na kasama niya sina Aimond,Chris,Alder, Lex at John, mag ka tropa andito? reunion lang?
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Fiksi RemajaOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...