Chapter 40

1.1K 33 0
                                    

* Jeni's pov *

Mga isang araw akong stay sa bahay, pumunta dito sina Charm at Shinah para daw gumala kami kaso tumanggi ako para narin yun sa studies ko natuto na ako nagcucutting na ako ngayon kaya madami akong na miss na lessons at naghahabol ako ngayon para di mabagsak sayang ang pagiging scholar ko sa school na ito, sunday ngayon at nakapag simba na kami ni mama kanina kaya ngayon ay 10:32 am na at malaki pa ang time ko para gumawa ulit nang assignments at mag copy ng lectures , noong nag cutting kasi ako eh madami palang lectures ang kinopya nila kaya mga isa't kalahating araw ang time na magsusulat ako ngayon hayst si Mrs. Villa Fuentes pa naman ang teacher ko sa subject na madaming isinusulat at yung ibang mga prof naman binigyan ako nang madaming act. and assignments , dahil ilang beses na akong nagcutting hayst mga 2 araw lang naman ata yung subject na c-nut ko eh hayzz nakakapagod na talaga sumasakit na ang kamay ko

" Anak tinatawag ka nang aso mo dito sa labas" sigaw ni mama sa akin at ano daw? si Aso ko andito? Waahhh gosh di ko na kaya ang sakit sakit nang kamay ko tinatamad pa akong bumangon pero baka malulungkot siya kasi di ako magpapakita sa kanya hayst sige tatayo nalang ako

Tumayo na ako at saka lumabas sa kwarto at nakita ko naman si Syd na nakasandal sa pader habang nakatingala sa langit kaya lumapit ako nang palihim syempre dahil wala si mama, umalis na siya kanina nang nakita niya akong lumabas, dahan dahan akong lumapit sa kanya gugulatin ko sana siya kaso bigla nalang niya akong nakita hayst

" Siguro gusto mo akong gulatin pusa ko no?" tanong niya sa akin sabay tumawa nang mahina

" Hindi ah!" sabi ko nang di nakatingin sa kanya

" Bakit di ka makatingin sa akin? edi totoo nga yung sinasabi ko haha" sabi niya sabay halakhak habang yung mga kamay niya ay nasa bulsa nang pants niya

" Ganyan kana sakin ah" sabi ko sabay  pout kaya tumigil na siya sa paghalakhak 

" Sorry pusa ko" sabi niya sa akin kaya napahinga naman ako nang malalim at nagsalita

" Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya

" Para makita ka at isasama sana kita sa gala namin, kasama naman sina Charm at Shinah eh, kung okay lang sayo?" sabi niya sa akin sabay kamot ng ulo hmm siguro yung gala na sinasabi nila Charm at Shinah ay itong gala na sinasabi ni Aso ko (gets niyo?)

" Hindi ako pwede aso ko eh, madami pa kasi akong kailangang gawin" paliwanag ko sa kanya at agad naman siyang nakasimangot

" Ganon ba?, sige sa susunod nalang kung di ka na busy" sabi niya sa akin habang nakasimangot pa din

Aso ko naman eh huwag ka nang sumimangot baka di ko yan matiis huhuhu  sayang ang pagiging scholar ko sa school

Akmang aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya

" Sasama nalang ako" sabi ko sa kanya kaya agad naman siyang napangiti

Hindi ko kasi siya matiis baka mamaya ma guilty pa ako dahil tinanggi ko ang alok niya 

" Sige diyan ka muna Aso ko, magbibihis lang ako" sabi ko sabay alis sa harapan niya

Nagbihis ako nang mabilisan ayaw kong mag antay nang matagal si Aso ko kaya heto, suot ko ngayon ay naka pantalon ako at naka Shirt na kulay White na may nakalagay na shape na heart tapos nag sapatos at nag cap, hilig ko rin kasi ang mag cap at syempre naka pony tail ang ipit

" Ready na ako!" sigaw ko sabay labas  nakita ko namang nakangiti si Aso ko

" O-okay lang ba a-ang suot ko Aso ko?" nahihiya kong tanong sa kanya

" Okay lang, ang totoo nga eh ang ganda mo sa suot na yan kahit simple lang" sabi niya sa akin nang may ngiti kaya ni ngitian ko naman siya pabalik

" Tara na, nag aantay na sila pusa ko" sabi niya sa akin kaya tumango naman ako at pumasok na sa kotse niya, hmmmm? bagong kotse ano kaya nangyari sa isa pa niyang kotse?

Nagpaalam na ako kay mama kanina kaya Pinaandar na ni Aso ko ang kotse

Nakatingin lang ako sa bintana habang si Aso ko seryoso siya sa pagmamameho, saan kaya kami pupunta??

" Oo nga pala aso ko saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nakatingin

" Basta mamaya makikita mo Pusa ko, panigurado magagandahan ka" sabi niya sa akin ng may ngiti  saan kaya?? atat na akong malaman!

Tinignan ko ang oras at 2:13 pm na pala hayst sana matapos ko agad mamayang gabi ang mga lectures at mga assignments huhu bakit kasi ang dami ayan tuloy nahirapan ako hmmm? REPORTING NA PALA NAMIN BUKAS! huhuhu ayoko na! pagod na ako!

" Okay ka lang Pusa ko? parang kanina ka pa bulong ng bulong diyan" pag alalang tanong ni Aso ko

" Huh? ah eh wala ayos lang ako aso ko" sabi ko sabay ngiti, totoo kayang bumubulong ako? wahh kakahiya!

" Siguraduhin mo lang na okay ka lang ha? Sabihin mo agad sa akin kung may masakit sayo" pag alalang sabi niya sa akin, ang sweet talaga ni Aso ko! 

" Oo Aso ko okay lang talaga ako" sabi ko sa kanya sabay ngiti kaya napangiti na rin siya

Huhuhu Yung Reporting Bukas paano!!?? wala na naman akong tulog nito huhuhu kakapagod nang mag-aral! huhu




Sorry po kung konti lang ang pages nang chapter 40 hehe

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon