* Aiden's pov *
Nagmamaneho ako ngayon papunta sa bahay ni Jeni, para kausapin siya, kahit na may tampuhan kaming dalawa kapatid ko pa rin siya at kaibigan niya si Charm
Huminto ako sa tapat nang bahay nila saka lumabas sa kotse para pumasok , pag pasok ko sa bahay nila, makalat ang bahay, parang dalawang linggo hindi nilinis, siguro nalulungkot parin siya sa pangyayari
" Jeni??" tawag ko sa kanya
Habang hinahanap ko siya may nakita akong isang papel di ko na binasa yun dahil mas pinagtutu unan ko nang pansin ay si Jeni
Nakita ko naman siya na nakaluhod at nakakuyom ang mga kamay niya habang umiiyak nakita ko namang may hawak pa siyang isang papel na lukot na ito dahil sa mahigpit ang pagkakahawak niya nito
" Jeni?" tawag ko ulit sa kanya
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pag iyak
" Jeni? anong nangyare??" tanong ko ulit sa kanya
Hindi na naman niya ako pinansin kaya lumapit ako sa kanya at lumuhod din sa gilid niya
" Jeni? magsalita ka naman" sabi ko sa kanya pero nananatili pa rin siya sa pag iyak
" Je--" natigil ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong niyakap
" A-Aiden" tawag niya sa pangalan ko habang umiiyak at nakayakap pa rin siya sa akin at niyakap ko naman siya pabalik
" Ang s-sakit, H-hindi K-ko k-kaya" sabi niya sa akin habang umiiyak
" Shhhhh, ano ba ang nangyare?" tanong ko sa kanya, umalis na siya sa pagkayakap sa akin at binigay sa akin ang papel na kanina pa niya hawak hawak
Binasa ko na ang papel at nagulat naman ako sa huling nakasulat at kung kanino galing ang sulat na nabasa ko ngayon
" f*cksh*t" sigaw ko sabay suntok sa pader
" HOW DID HE!!" sigaw ko na naman
Alam kong di ko ina ang mama ni Jeni pero naging nanay ko na rin siya bago sila umalis sa bahay dahil parang tinuring na rin niya akong anak noon kahit di sila magkasundo ni Mom kaya hinding hindi ko mapapatawad ang pamilya VANDER!!
------------
Akmang aalis sana kami ni Jeni sa bahay nila para puntahan si Syd kaso nakita na naming nasa tapat na pala sila nang bahay at agad ko namang sinugod si Syd
" Walang hiya ka!!" sabi ko sabay suntok sa mukha niya at napatumba naman si Syd at nakita kong may lumabad na dugo sa bibig niya
" AIDEN SAGLIT LANG!!!" sigaw ni Jeni at pumunta naman siya kay Syd
" ANO BA PROBLEMA MO!! HA!!" sigaw ni Syd at tinulak niya ako
" AKO!!? MAY PROBLEMA!!?? IKAW ANG MAY PROBLEMA DITO!!! LALO NA YANG MGA PAMILYA MO!!!!" sigaw ko ulit
Susuntukin sana ako ni Syd kaso pinigilan siya ni Jeni at pumunta naman sa akin si Charm
" Teka nga lang! ano ba ang nangyare ha!?" sigaw ni Charm sa amin
" Jeni, ano ba ang nangyare?" tanong ni Shinah kay Jeni pero di nagsalita si Jeni sa halip ay yumuko lang siya at halata sa mukha niya na malungkot siya
" Jeni? ano ba ang nangyare???" tanong ni Syd kay Jeni pero di ulit siya sumagot tumayo si Jeni habang nakayuko
" Jeni, sumagot ka naman!" sigaw ni Syd
" PWEDE BA SYD!! HUWAG KA NGANG SUMIGAW DIYAN!! SABIHIN MO MAY ALAM KA BA DITO HA!!!?" sigaw ni Jeni sa kanya at pinakita ang papel
Kinuha naman ni Syd ang papel at binasa nagulat naman siya
" Ngayon sabihin mo!! May alam ka diyan noh!" sigaw ko ulit
" WALA AKONG ALAM DITO!!" sigaw niya sa amin
" Teka ano ba ang nakasulat?" tanong ni Charm sabay kuha nang sulat na hawak ni Syd
Binasa ni Charm yun at nagulat din siya
" Oh my Gosh!" sabi niya
" Anong nakasulat??" tanong ni Chris kaya ini abot naman niya ito kay Chris at sabay nilang binasa ito
" Boss?" tawag ni Chris kay Syd
" Wala akonh kinalaman diyan, Jeni maniwala ka sa akin" pag mama kaawa ni Syd kay Jeni pero pumikit lang nang mata si Jeni
" Sh*t" sabi ni Syd at umalis sa harap namin pagkatapos ay Sumakay siya sa kotse niya, mabilis niyang pina andar ang kotse niya palayo sa amin
Pagka alis ni Syd ay bigla namang umiyak si Jeni
" Jeni" malungkot na tawag ni Shinah sa kanya
" H-hindi ko na alam k-kung anong gagawin ko" sabi niya sa amin at niyakap naman siya ni Shinah
Jeni, be strong, naniniwala akong malalagpasan mo ang pagsubok na ito, naniniwala ako sayo, kapatid ko~
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...