* Syd's Pov *
" Boss may nakuha ka rin bang text sa kung sino sino??" tanong ni Chris sa akin nang maka upo ako sa harapan nila
" Oo" cold kong sagot sa kanya
" Pero sino naman kayo iyon?" tanong ni John
" Hindi kaya ang mga Dark Age members?" tanong ni Aimond
" Obvious naman, sila lang naman kaaway natin ngayon " sagot naman ni Chris at napa irap naman sa hangin si Aimond
" Ano nang gagawin natin? pupunta ba tayo?" tanong ni John
" Punta nalang tayo mamayang uwian" sabi ko naman sabay tayo, aalis na sana ako nang marinig ko ang sigaw ni Jeni kaya napapunta ako sa kina uupuan nila nakita ko namang umiiyak siya
" Anong nangyare?" tanong ni Chris pero umiling lang si Charm at nagsalita
" Wala" sagot niya kaya binigyan ko siya ng masamang titig ramdam ko namang bigla siyang natakot sa pagtitig ko sa kanya
" Tell me" cold kong utos sa kanya
" Para saan pa? hindi ka na niya kailangan kaya umalis nalang kayo!" sigaw sa amin ni Charm
" Si Jeni ang pinag uusapan dito! kaya----" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Chris nang magsalita ulit si Charm
" Kaya may karapatan parin si Syd? na malaman kung anong nangyare sa kanya? kasing kapal na ba nang malaking dictionary yang pagmumukha niyo!? ha!?" sigaw niya sa amin , natauhan ako sa sinabi niya tama siya wala na akong karapatan ang tungkol kay Jeni bakit nga bang nag aalala parin ako sa kanya?
" Bakit ka ba sigaw nang sigaw ha!" sigaw bigla ni Aimond
" Tanungin niyo mga sarili niyo! mga ugok!!" malakas na sigaw ni Charm at sabay palo sa mesa
" ANO BA! MAGSITIGIL NA NGA KAYO PWEDE!!!" biglang sigaw ni Jeni at agad naman itong tumayo at kinuha ang bag niya akmang aalis na sana siya nang hinawakan ko ang braso niya
" Pwede ba kitang makausap?" malungkot kong tanon sa kanya napatahimik naman siya saglit at nagsalita
" Wala na akong time para sayo kaya pwede lang layuan mo muna ako may mas importante pa akong gagawin!" sagot niya sa akin at inalis niya ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko, pinahid naman niya ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay at dito na siya umalis palabas ng canteen
Kasalanan ko itoh eh may kasalanan ako kung bakit nangyayare ito kay Jeni may kasalanan ako dahil sa padalos dalos kong desisyon kainis!
Hayan Syd! utak mo kasi mapurol hindi ka nag iisip ng tama edi ayan nawala na sayo ang babaeng pinakamamahal mo dahil mas pinili mo ang hiling na iyong ama! Urgghh hindi ko parin talaga maisip kung tama ba ang desisyon ko dahil kapag naaalala ko si Dad naaalala ko ang huling pangungusap na nabasa ko" Hayan! tanungin niyo ulit mga sarili niyo okay? huwag kayong magalit sa akin magalit kayo sa mga utak niyong mapupurol" biglang sabi ni Charm at sabay irap umalis naman siya sa harap namin at sinundan si Jeni
" Yung babaeng iyon feeling ko may lahing amazona" bulong ni Aimond agad naman kaming napatingin sa kanya
" Sa totoo naman eh" sagot niya ulit
* Shinah's Pov *
Maaga akong pumasok ang alam ko kasing maaga papasok ngayon si Fiacre gusto ko siyang i Spy para malaman kung bakit nga ba ang laki ng ngiti na abot tenga hayst oo na alam ko ang iniisip niyo , malaking ngiti lang ni Fiacre ay pinagdududahan ko na syempre! eh kasi naman nakakapanghinala naman talaga ang ngiti ni Fiacre eh! dalawang linggo ko narin kasi siyang nakitang nakangiti na abot tenga na para bang nanalo sa lotto
" Dad , Mom alis na po ako" sabi ko sabay beso kina Mom at Dad si Dad ay nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape , si Mom naman ay ang aga aga sa laptop agad nakatutok
" Sige anak mag ingat ka" sabi naman ni Mom at saka ngumiti sa akin tumingin naman ako kay Dad pagkatapos ay nakangiting tumingin sa akin at nagsalita
" Take Care, My daughter" sabi ni Dad sa akin at ngumiti naman ako sa kanya
" Bye po, aalis na talaga ako!" sigaw ko habang nag w-wave nagtungo naman ako sa kotse ko at saka pinaandar na
---------
Nasa parking lot na ako ngayon at inihinto ko ito naglalakad na ako papuntang gate ng school habang naglalakad ako nakita ko naman ang kotse ni Charm, maaga atang pumasok ang bruha bakit? hindi man lang ako sinabihan!
Habang naglalakad at hawak hawak ang bag ko nakita ko naman agad sina Mazey at Ivory yeah nakasalubong ko ang dalawa aba malay ko kung bakit ko nakita pa ang dalawang itoh akala ko nga eh mga bangkay na! hiniling ko pa naman!
" Gosh may nakita akong isang unano" nakangising sabi ni Mazey, ano daw! unano!!? pwe matangkad ka lang pero tandaan mo! pag ako ginalit mo hindi mo magugustuhan ang makikita mo!!
" Baka naligaw kaya may nakita kang unanong pagala gala dito" sabi naman ni Ivory at sabay itong tumawa, nakakuyom na ang mga kamay ko kulang nalang uusok na ang ilong at tenga ko sa galit
Huminga nalang ako nang malalim at saka umalis palayo sa kanila, hindi sila ang dahilan kung bakit maaga akong nagising ngayon kaya wala akong paki alam sa kanila at saka ang aga aga ayaw kong makipag away may importante pa akong gagawin tumingin ako sa wrist watch ko 5:46 na pala
" Saan ka pupunta? kinakausap ka namin ah bastosan!!?"sigaw naman ni Mazey kaya humarap ako sa kanya habang naka crossed arms
" Bakit? kinausap ko rin ba kayong dalawa?" mataray kong tanong at itinaas ang isa kong kilay
" Ahh lumalaban ka pa!" sigaw sa akin ni Mazey
Bobo talaga! sinisigawan pa akong "lumalaban ka pa!" alangan namang hindi? sino ba ang sira ulo na hindi lalabanan ang sarili niya sa mga mang aapi KABOBOHANG TAGLAY!
" Alangan namang hindi? obvious naman hindi ba? asan ba ang utak mo? nasa may talampakan ko?" nakangisi kong sabi sa kanila habang turo turo ang kaliwa kong paa
Nakita ko namang naiinis na sila sa pang aasar ko sino ba ang nauna? hindi ba't sila? pagkatapos sila pa itong may ganang magalit langya talaga nang mga toh'!!
Susigurin sana ako ni Mazey upang sampalin pero dumating bigla si Chris at hinawakan ang kamay ni Mazey
" Don't you dare hurt her!" sigaw ni Chris kay Mazey kaya agad naman itong natakot at tinulak ni Chris si Mazey kaya napatumba ito pumunta naman si Ivory kay Mazey at tinulungan itong tumayo
Sa akin naman ang tingin ni Chris halata sa mga mata niya na galit na galit patay, ano naman kaya ang ginawa ko sa kanya? wala naman diba?? pero bakit ang sama nang titig niya sa akin?
Humakbang siya papunta sa akin bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo ko ewan ko kung bakit kinikilabutan ako sa aura nang lalaking ito dati naman noong unang kita ko pa sa kanya hindi naman siya ganyan pero nang magsimula ang war sa panig naman at sa panig nila bigla nalang nagin ganyan sila! na para bang pinapalabas na nila ang tunay na pagka siga nilang lahat! Yes! Oo lahat talaga!
" Tara" cold niyang utos sa akin at saka ako hinila palayo nila ni Mazey at Ivory
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...