Chapter 24

1.4K 42 4
                                    

"F-Fiacre R-Reign ba ang pangalan na binanggit niyo kanina??" tanong ko

"Ahh oo bakit??" tanong ni Charm

"Asan siya ngayon??" tanong ko

"Huh? di mo alam na kasama niya ngayon si Syd? di ba sinabi ni Syd sayo yun?" Sabi ni Shinah

Ano?? K-kasama niya si S-Syd?? pero bakit?? bakit sila magkakasama?? yun kaya ang dahilan kung bakit naging Cold na siya sa akin?? bakit????

" Nasa office silang dalawa ngayon" sabi ni Charm

Tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa ng mabilis

"Totoo kaya?? magkasama sila?? ano ibig sabihin nun??" sabi ko habang tumatakbo

Habang tumatakbo ako nakasalubong ko silang dalawa Si Syd at Fiacre ang Ex-bestfriend ko

* Syd's pov *

"-Okay lang kaya ngayon si Jeni?? Kumain na kaya siya?? Di ko pa naman nasabi ang tungkol sa nangyayare sa akin ngayon-"

Naglalakad ako ngayon kasama ang babaeng magiging girlfriend ko dahil yan ang sabi ni Dad sa akin, ang alam ko ang pangalan niya ay Fiacre Reign Novabitch

Nababaliw na naman si Dad sa negosyo ,gusto daw niyang maging gf ko ang babaeng toh eh di ko naman masyadong kilala tsk no choice din naman ako eh baka mamaya ako pa ang magiging dahilan kung bakit lalabas ang pagka demonic side nang Dad ko na yun

Habang naglalakad kaming dalawa ng babaeng katabi ko nagulat na lamang ako dahil nakasalubong namin si Jeni

"F-Fiacre" sabi ni Jeni ng mahina na halatang malungkot ang kanyang mga mata

"What are you doing here!? Hanggang dito sinusundan mo ako!! Pumunta na nga ako sa ibang bansa para di ka makita tas pagbalik ko dito makikita na naman kita!! stay away from me Stupid!!" sigaw ni Fiacre sa kanya at sabay tulak kay Jeni

Agad naman akong pumunta sa tabi ni Jeni at hinawakan ang braso niya tsaka tumingin kay Fiacre at sumigaw

"Hey what are you doing!? Anong klaseng tao ka wala ka bang awa ha!?" sigaw ko sa kanya

"Siya ba ang ipagtatanggol mo?? o ako??" tanong niya sa akin

" Ang sa akin lang naman mali ang gin--" napahinto na lamang ako sa pagsalita ng nagsalita na si Jeni

"Sorry kung nakita mo pa ako dito, pero wag mo naman sana akong saktan ng ganito Fiacre, may ginawa ba ako sa iyo? huh? diba wala??" sabi ni Jeni

"Tsk" sabi ni Fiacre at sabay ng umalis palayo sa amin

" Jeni ayos ka lang ba?" pag aalalang tanong ko sa kanya

Umalis na din si Jeni palayo sa akin hindi niya pinansin ang tanong ko sa kanya , Ano kaya ang nangyare? magkakakilala na pala sila, ngayon ko lang alam pero bakit parang hindi na rin niya ako pinapansin? hindi kaya dahil naging cold ako sa kanya kanina? sh*t

"Woiii Syd, anyare???" sigaw ng tao sa likod ko

Lumingon ako sa likod at nakita ko naman kung sino ang sumigaw

"Ikaw pala Shinah at Charm" sabi ko nang may ngiti

"Uy anong nangyare?? sabihin mo nga sa amin" sabi ni Shinah sabay siko sa tagiliran ko

"Di ko alam basta't nung nagkita silang dalawa ni Fiacre.....mayrooong di pagkaka unawaan" sagot ko naman

"Ahhhh ano kaya ang nangyare?, sigurado kang yan lang ang alam mo??" sabi pa ni Charm na para bang mayroong gustong malaman

"Huh? oo naman may iba pa bang dapat niyong malaman?" tanong ko

"Wala naman, nagtatanong lang" sabi ni Charm na alam kong may gusto talaga siyang malaman

"Ako oo meron akong gustong malaman, Bakit kasama mo si Fiacre??" sabi ni Shinah habang nakatitig

Lagot na hindi pa naman ako makakatakas sa dalawang itoh magaling kasing mag pa amin eh

"Huh? ahhhh ehhhh kac....." napakamot na lamang ako sa ulo ko

"May tinatago ka? Huh Syd??" sabi ni Charm

"Okay Late na ako kaya bye na" sabi ko sabat takbo ng mabilis at hindi naman sila nakasunod sa akin sa halip ay sumigaw nalang sila

"Hoy Syd antayin mo kami tatakas ka pa ha!!" sigaw ni Charm

"SYYYYYYDDDDDDD HUMANDA KA MAMAYA DI KA NA MAKAKATAKAS SA AMIN ITAGA MO PA SA BATO" sigaw ni Shinah

Hay naku mga kaibigan nga naman ni Jeni kakaiba sana lang di siya mahawa sa dalawang yun

* Charm's pov *

Naman tinakasan kami ni Syd may tanong pa ako eh

"Grabe Charm ang tulin tumakbo ni Syd di ko maabutan tas napapaos pa ako kakasigaw kung nasaan siya" sabi ni Shinah na hingal na hingal na

"Pahinga ka muna kaya" sabi ko naman habang nakaupo sa bench

Huminto kami ngayon malapit lang sa bench andito kasi kami ngayon sa soccer field ang laging tambayan ni Jeni

"Okay, pero ano kaya ang nangyare kanina?? tsaka bat kaya kasama ni Syd si Fiacre??" sabi ni Shinah

Napaisip naman ako kung bakit, ano nga kaya ang dahilan kung bakit magkasama sila ni Fiacre?? paniguradong may dahilan talaga ang lalaking iyon hindi naman tatakas yun kung walang dahilan diba? at panigurado ring ikanagugulat namin iyon

"Eh kung kausapin nalang natin si Jeni about sa nangyare kanina instead na hahabulin at hahanapin pa natin si Syd nagmumukha lang tayong timang tignan mo nga ako haggard na haggard na" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang pawis ko

"Ano nga ba talaga ang nangyare??" sabi ni Shinah hindi nakikinig ang animal!

"Kakasabi lang na si Jeni nalang ang tatanungin!" sigaw ko habang naka pamewang

"Ano nga ba talag ang nangyare??" tanong na naman niya

Lumapit ako sa kanya at binatukan siya gigil niya ako eh! kanina pa ako salita ng salita hindi nakikinig!

"Aray" sabi niya habang hawak hawak ang ulo niya at saka tumingin sa akin

"Ayan nagising ka na sa katotohanan, tara na late na tayo" sabi ko naman habang inaayos ang bag ko

"HALA OO NGA PALA MAY LONG TEST KAMI MAMAYA PATAY NA DIS!!" sabi niya habang kumaripas ng takbo iniwanan ba naman ako nang bruhang iyon! napa buntong hininga nalang ako sa ginawa ng bruha

Kahit kailan si Shinah may sayad din sa utak!

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon