Chapter 70

939 24 0
                                    

* Charm's Pov *

Pumunta kami ngayon sa Police Station ayaw maniwala nang Police sa mga sinasabi namin si Shinah ang nagpaliwanag pero dahil punong puno na ako sa Police na iyon doon na ako sumigaw nang malakas

" ANO BA!! BAKIT BA AYAW NIYONG MANIWALA SA KANYA!! ANO BA ANG KAILANGAN NIYO!!? MAGDALA PA AKO NANG BANGKAY PARA IPAKITA SA INYO!!? HA!!? MGA WALA KAYONG KWENTA!!" sigaw ko saby hampas nang kamay ko sa lamesa grabe masakit yun ah

" Miss matagal nang ini imbestigahan nang polisiya ang tungkol sa bodegang iyon wala nang nakatira doon baka mga multo lang ang nakita niyo" paliwanag nang police na sinigawan ko P*ta

" Yun nga ang punto eh! walang taong nakatira! walang tao! kaya naman mga halimaw ang nakatira doon mga "HALIMAW" gets niyo ba? kung hindi niyo ma gets bakit pa kayo nag police?" irita kong sabi sa kanya

"Miss pwede kung mag iskandalo ka lang dito lumayas ka na" sagot nang isa pang Police sa akin aba't!!

" Shinah sira ulo ata tong mga kausap natin eh!" galit kong sabi sa Sa mga Police habang turo turo ang mukha nilang sarap dukutin

"Miss gumalang ka nga! Iyan ba ang tinuro nang guro niyo sa paaralan niyo!?" sigaw nang isa pang Police

"P*tang*** niyo ah, ginagalit niyo ako eh! ano ba ang kailangan para maniwala kayo!!?"Sigaw ko at saka ko kinuha ang baril na nasa gilid nang lalaki

" Hoy Miss! Ibalik mo na iyang baril na yan alam mo bang pwede ka naming kasuhan ha!" sigaw niya at kunin na sana niya ang baril mula sa kamay ko pero pinigilan ko siya sisigaw ulit sana ako nang may tumawag sa telepono nang Police na sinigawan ko kanina

" Yes Sir, agad agad kong iutos!" matapang na sabi nang Police kaya humarap ako sa kanya

" Kailangan nating pumunta sa bodega sa sinasabi nang dalawang batang ito totoo ang mga sinasabi nila" seryoso niyang sabi

"Tawagin mo na ang iba pa" dagdag pa niya at agad naman itong tumakbo kasama nang lalaking kinuhanan ko nang baril

"Mga Langya ngayon lang kumilos nang may tumawag sa kanila edi dapat pala tumawag nalang ako kanina sa telepono na kailangan namin nang tulong nila tsk" sabi ko habang nakakuyom ang isa kong kamay

"Charm sundan natin sila , sumunod tayo, kinakabahan ako eh feeling ko may mangyayaring masama" seryosong sabi ni Shinah habang nakayuko tinignan ko muna siya bago nagsalita

"Sige tara na" sabi ko naman sabay takbo nakita ko naman ang Police na kinuhanan ko nang baril kanina kaya humarang ako sa dinadaanan niya

"Sasama kami" sabi ko

"Hindi Pwede Miss, delikado-----" pinutol ko na ang sasabihin niya

"Galing kami doon kaya wala kaming paki, so pwede ba? kung mapilit ka hindi ako magdadalawang isip na sipain yang mukha mo ano!?" sabi ko habang nakaharang parin sa kanya napabuntong hininga nalang siya at sa kalaunan ay pumayag din naman pala

* Carl's Pov *

Isa nalang ang natira ang matanda na ang pinaka target naming hulihin ni Sir Ronan , si Sir Ronan ang nag utos sa amin na gawin ang misyon namin nagtiwala siya na mahuhuli namin si Sir Manuel at syempre sinabihan ko na rin siya na kailangan namin nang tulong nang Scorpion Clash dahil alam kong mas magiging matagumpay ang misyon namin kung kasama namin sila pero hindi ko na pinapasabi na kailangan namin sila para mas makakatotohanan ang plano namin

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon