Chapter 23

1.5K 51 0
                                    

*Jeni's pov*

Nag online ako agad agad kahit di pa kumakain at agad naman akong chinat ni Syd I mean Aso ko hehehe

"Good eve pusa ko ^_^" sabi niya

"Good eve din aso ko" sabi ko

"Kumain ka na pusa ko?" tanong niya

"Ahhh ehh hindi pa aso ko eh?"sabi ko

"Haha siguro nagmamadali kang i chat mo ako noh??" tanong niya

"pwee di noh may mahalaga lang talaga akong gustong malaman kaya ako nag online!" sabi ko

"talaga ba pusa ko??" sabi niya na halatang nang aasar

"psshh oo, kaya bye na" sabi ko


Nag log out na agad ako, kainis naman siya nang aasar

Kumakain ako kasama si mama, at habang kumakain iniisip ko siya , nakita ko si mama na naka tingin sa akin na may halong pagtataka sa mukha niya

"Ma ba't nakatitig ka sa akin??" tanong ko habang kumakain

" Lumalovelife ka na anak eh, nakangiti ka habang kumakain, sino iniisip mo huh?" asar ni mama sa akin

"Ehh wala ma, iniisip ko lang yung masayang ala-ala nating dalawa" palusot ko pero sa totoo lang si Syd talaga yun hehe tinde noh!

"O baka naman iniisip mo si "SYD" " asar ni mama, ayan tayo ma eh nagsisimula ka na naman

"Sus si mama talaga, kumain nalang po tayo" sagot ko naman

Para na rin di mapunta sa akin ang topic si mama pa naman mahilig mang asar

"Pero anak siguraduhin mong di ka niya sasaktan kaya bago mo siya sasagutin kung sakaling manligaw siya, pag isipan mo muna" pagpapa alala ni mama, si mama ay isang supportive mother bihira ka lang magkakaroon ng mama na tulad niya talagand damang dama mo ang pagmamahal niya

"Opo ma" sabi ko

Tapos na akong kumain at maghugad  ng pinggan kaya dumiretso na akong pumunta sa tulugan namin at nakita ko si mama, tulog na...

"Good night and sweet dreams ma" sabi ko ng pabulong

Hihiga  na sana ako ng biglang may tumawag sa cp ni mama kaya tinignan ko

" Mark??, sino naman kaya toh??" tanong ko sa sarili

Agad ko naman itong sinagot at itinapat sa tenga ko ang phone ni mama

"Hello? sino po ito?" tanong ko

"Anak??" sabi niya aba ganda ng sulpot ah, anak agad? wrong call lang? pero sino nga ba talaga ito??

"Huh? sorry po mukhang na wrong call po kayo" sabi ko na akmang i end call ko na sana kaso bigla nalang nagsalita ang nasa kabilang linya

"Hindi, ako ito, ang tatay mo" sabi niya sa akin

Nagulat ako sa mga sinasabi niya, Hindi totoo toh, Iniwan na ako ng tatay ko kaya hindi pwedeng sabihin niya na siya ang tatay ko!

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon