Pauwi na ako nang bahay dahil uwian na quarter to 4 na ata eh, dadalawin ko sana ulit si Syd kaso andun pa pala si Fiacre kaya di nalang ako pumunta baka mag war palang kami dun
Habang naglalakad may naririnig akong yapak na parang may sumusunod sa akin pero hinayaan ko lang, hanggang sa lumipas na ang
ilang minuto may sumusunod pa rin sa akin kaya lumingon ako at wala naman akong nakitang may sumusunod sa akin kaya patuloy nalang ako sa paglalakad pero pagkatapos kong maglakad nang 10 hakbang bigla nalang may sumulpot sa likuran ko at tinakpan niya yung bibig ko para di ako makasigaw" Manahimik ka diyan! huwag na huwag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan!" sabi nang isang lalaki sa akin parang hoholdapin ata ako neto tsaka ano daw? paano ako sisigaw eh tinakpan mo ang bibig ko bobo tong holdaper na toh kaya siniko ko siya sa tiyan at inapakan sa paa kaya nakatakbo ako nang mabilis at nakatakas
" Sh*t Bumalik ka!" sigaw niya sa akin pero di ko siya pinansin takbo pa rin ako nang takbo at naririnig ko naman ang yapak niya habang tumatakbo pero pagkatapos nang mga ilang minuto bigla nalang nawala kaya nakahinga naman ako nang maluwag at huminto nakakapagod hingal na hingal ako habang hawak hawak ang tuhod ko grabe sino bang hindi mapapagod sa pagtakbo eh habang tumatakbo may dala kang bag tapos may laman pang mga libro
" Muntikan na yun ah" sabi ko sa sarili ko habang hingal na hingal parin gusto ko nang tubig nauhaw ako bigla
" Ayos ka lang ba?" nagulat ako sa tanong nang isang pamilyar na boses kaya napalingon ako at nakita ko si Syd kaya nanlaki bigla ang mga mata ko
" T-teka bakit ka a-andito?" tanong ko sa kanya at hindi parin nawawala ang pagkagulat ko
" Para iligtas ka" sabi niya sabay ngiti pero kapanpansin pansin ang suot niya paniguradong kakagaling niya lang sa hospital , ano naman kaya ang ginawa niya?
" P-pero di ka pa okay kailangan mo pang magpahinga" sabi ko naman sa kanya kaya lumapit siya sa akin mabagal ang paglakad niya habang ako naman naka istatwa lang na nag aantay na makalapit siya nang husto sa harapan ko
" Okay lang ako pusa ko, kung ayos lang ang taong mahal ko" sabi niya sa akin at bigla niya akong niyakap kaya bigla nalang ako nagulat sa ginawa niya at sa sinabi niyang " Pusa ko"
Nagwawala ang puso ko dahil sa endearment na sinabi niya gusto kong sampalin ang dibdib niya dahil sa mga sinabi niya sa akin
" Pero------" nahinto ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang nagsalita
" Shhhh huwag kang maingay baka may makarinig sayo dito, tumakas pa naman ako sa hospital para lang makita ka" mahinahon niyang sabi sa akin Nyek? sinabi na nga bang may ginawang kabalastugan ang lalaking ito, binatukan ko siya dahilan para ma aray siya
" Bakit ka Tumakas!? hindi ka pa okay, baka kung ano pang mangyare sayo tsk"sabi ko sa kanya at nag crossed arms at nag giggle naman siya tapos nagsalita
" Parang ayaw ata akong makita ni Pusa ko eh" pang aasar niya hayst gusto ko naman talaga kitang makita kaso andun si Fiacre ayaw kong magka world war 3 sa hospital lagot ako doon
" Hindi naman sa--------este bumalik ka na sa Hospital! now na!! hindi ka pa magaling!"sigaw ko sa kanya habang nakapamewang nagsalubong na rin ang dalawa kong kilay haayy muntikan na yun ah
" Concern si Pusa ko haha" asar niya sabay tawa, lalo siyang nagiging pogi kapag tumatawa siya o ngumingiti kaya nama'y sa kaloob looban ko ay napangiti ako nang bahagya masaya ang puso ko nang marinig ang tawa niya
" tsk" tipid kong sabi
" Tara sumama ka muna sa akin" sabi niya sa akin sabay hila
" Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...