Pauwi na ako sa bahay, magcucutting na muna ako isang beses lang naman toh eh, baka mamaya kung ano pa ang magawa ko sa mga baklang yun, habang naglalakad ako papunta sa bahay namin may nakita akong sasakyan sa tapat ng bahay namin, pumasok naman ako agad ng bahay at nakita ko ang isang lalaki na matanda na, siguro mag kasing age lang sila ni mama kasama ang isang lalaki di ko makita ang mukha dahil tinakpan niya ito
"Ma sino sila? ba't sila andito?" tanong ko kay mama at sabay naman akong nagmano
"Huh? ah eh anak ang aga naman ata ng uwian niyo" sabi ni mama sa akin
Patay dapat di ko sabihin kay mama na nagcutting lang ako ngayon at napaaway ako sa school namin
" ahhh ehhhh hehehehe oo nga po ma eh" sabi ko
"Ahh ganon ba?" sabi ni mama na wala man lang paghihinala sa akin
"Ma sino sila?" tanong ko ulit
"Sila yung ano ahmm anak wag kang magulat o magalit ha?" sabi ni mama
"okay po ma, ano po ba yun?" tanong ko
"Siya yung ama mo ang tatay mo, at ang lalaking kasama niya ang anak nila ng ahmmm" sabi ni mama na halatang malungkot ito
Ano? tatay ko? patay na tatay ko eh si mama talaga na sobrahan na naman sa pagod hayst
" Ano ka ba Ma? wala na akong tatay, patay na yun bat pa natin pag uusapan siya!" sabi ko
Kung siya man yong tatay ko aba bad trip pa naman ako ngayon baka mapano ko toh
"Anak kahit ano man yung ginawa ng tatay mo sa atin ama mo pa rin siya" sabi ni mama
"Anak patawad, sorry kung ano man ang nagawa ko sa mama mo at lalo na sayo gusto ko sanang makabawi" sabi ng lalaking bakulaw
"Tsk makabawi? sorry? Di mo ba alam na nang dahil sayo naghirap kami ni mama, samantalang ikaw nagpakasarap lang sa buhay? wala kang kwenta at wag mokong tawaging anak! may anak ka na diba? ayan oh anak mo yang bakulaw na lalaking yan bw*s*t" sabi ko habang tinuturo ang batang lalaking kasama niya
"Dad c'mon lets go wala tayong mapapala dito" sabi nang batang lalaking kasama niya
Nakita ko na ang buong mukha niya at bigla nalang akong nagulat
"A-Aiden?"sabi ko habang gulat na gulat
"Jeni, Sorry kung may nagawa man kaming kasalanan ni Dad" sabi niya sa akin
"Ibig sabihin alam mo na dati pa? na magkapatid tayong d-dalawa sa ama?" sabi ko
"Yes tama ka" sabi niya
Pumunta ako sa kanya at sinampal nang malakas
"BW*S*T KAYO WALA KAYONG ALAM NA GAWIN KUNDI ANG SAKTAN AKO!!!" sigaw ko nang malakas at tumakbo palayo sa bahay namin
"Anak saan ka pupunta" sigaw ni mama
Nakasalubong ko sina Charm at Shinah
"Bessy saan ka pupunta anong nangyare sayo?" tanong ni Shinah
Hindi ko na siya pinansin at tumakbo nalang palayo
Habang tumatakbo di ko na namalayang naligaw na pala ako di ko na alam kung nasaan ako,
Umupo nalang ako sa damuhan nakasandal sa isang puno
"Ano na ba ang nangyare sa akin? bakit nagkakaganito yung mangyayare sa akin? may nagawa ba akong mali? bakit sunod sunod ang kamalasan na dumating sa buhay ko ngayon? bakit? bakit?" sabi ko habang nakayuko at umiiyak
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...