* Charm's Pov*
Nandito kaming tatlo nina Shinah at Jeni sa kotse, natatakot na kami dito, hindi namin alam kung ano ang gagawin namin ngayon, natatakot din ako sa anong mangyari kay Aiden
" AAAHHHHH!!!!" sigaw ni Aiden dahil sa tatlong beses na pagsipa sa tiyan, gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa nanginginig ako sa takot habang hawak hawak ang kamay ni Shinah
" Jeni! ano nang gagawin natin??" panginginig na tanong ni Shinah na halatang takot na takot na, siya kasi ang kukunin nang talong lalaki na yun eh
" Huwag kang mag alala Shinah, hindi pa ito ang katapusan nang mundo" sagot ni Jeni kay Shinah
" Bessy naman eh!" pabebeng sigaw ni Shinah
Habang si Jeni nag iisip para matulungan si Aiden, kanina pa kasi siya kinakausap at kanina pa din siyang nasasaktan, eh akala ba namin gusto nilanh kunin si Shinah? tapos hindi naman pala pupunta dito, ang gulo nila
" Dark age Members! kayo na naman!" rinig naming sigaw nang lalaki, kaya napalingon kami sa bintana nang kotse at nakita namin si Syd
" Boss nang Scorpion Clash, kamusta na?"tanong nang lalaking sinisipa kanina si Aiden sa tiyan
" Ganito, may plano ako" biglang sabi ni Jeni kaya napatingin kami sa kanya
" Habang sina Syd ay nakikipag usap pa sa tatlong tukmol na yun, tumakas na kayong dalawa nang palihim at saka humingi kayo nang tulong sa pulis, habang ako naman ay kukunin ko si Aiden para iligtas siya, game?" paliwanag niya sa amin
" Pero paano mo makukuha si Aiden sa kanila? eh kita mo naman na ang higpit nang hawak nila kay Aiden" sabi ko naman pero ningitian lang ako ni Jeni at nag peace sign
" Ako na bahala diyan!" masigla niyang sagot, parang excited siya ah
" Sige susunod kami sa plano" pag sang ayon ko
" Pero paano sina Chris? iiwan natin sila?" tanong naman ni Shinah hanggang ngayon ay takot na takot
" Kaya nga tatawag tayo nang pulis diba?" iritang sagot ko sa kanya at tumango naman siya
" Tandaan! palihim lang! huwag kayong gagawa nang ingay, sa gilid kayo lumakad!" pag papa alalam ulit ni Jeni sa amin, at tumango naman kami
Habang kami ni Shinah at naglalakad habang si Jeni ay nasa labas nang kotse, hindi kami nahalata nang tatlong lalaki pero nakita kami ni John na naglalakad nang tahimik kaya sinenyasan ko siyang huwag maingay, pero palapit na sana kami sa finish line bigla nalang may naapakan na lata si Shinah, KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN!
" Tatakas pa kayo ha!" sigaw nang lalaki at pumunta aa direksiyon namin pero bigla nalang humarang si Aimond at sinuntok sa mukha ang lalaking gusto kaming kunin
" Takbo na!" sigaw ni Aimond kaya napa takbo nalang kami bigla dahil sa gulat, pwede namang magsalita nang nasa tama lang ang tono pero siya todo eh
* Jeni's Pov*
Naka takbo na sina Charm at Shinah, habang ako naman tumakbo papalapit kay Aiden at tinulungan ko siya para maka alis sa pag aaway nila, sa ngayon ay nakikipag suntukan sina Syd sa tatlong lalaki ay mali pala, ngayon ay naging 10 na nadagdagan nang 7 hanep diba?
Paalis na sana kami nang humarang sa dinaraanan ko ang dalawang lalaki
" At saan ka naman pupunta?" tanong nang lalaki
" Malamang tatakas, obvious naman diba?" sagot ko sa kanila at bigla nalang hinawakan ang dalawa kong kamay kaya nalaglag sa lapag si Aiden, naman!
" JENI!" sigaw ni Syd kaya lumingon ako sa kanya, tutulungan sana niya ako kaso bigla nalang siyang hinarangan nang lalaking kinalaban niya kanina at ngayon ay naging dalawa na pagkatapos ay pinalo nang bakal sa braso si Syd
" SYD!" sigaw ko hindi naman siya napatumba agad sa halip ay sinipa niya ang lalaki sa mukha kaya ang lalaki ang napatumba at hindi siya pero nakita ko namang dumudugo ang braso niya
Inapakan ko sa paa ang dalawang lalaking hinawakan ang dalawang kamay ko saka ay humarap sa kanila at ngumisi, pagkatapos sinipa ko ang kanilang gilid at mukha, pati na ang tiyan nang tatlong beses para makabawi ako sa ginawa nila kay Aiden, itong mga tukmol na toh mga salot sa lipunan!
Napangiti naman ako nang hindi na sila makatayo, napalakas siguro ang sipa ko, heh! mas mabuti nga yan sa kanila
Dumating na ang pulis kaya agad namang umalis na ang 10 lalaki ang dalawang lalaki na pinagsisipa ko ay inilalayan nang dalawa pang lalaki
Tumingin sa akin nang diretso ang lalaking naka cap na halatang brown ang kulay nang mga mata niya pagkatapos ay ngumisi
" Humanda ka, maagaw ka na ni Master" sabi niya at mabilis na silang umalis, ano bang pinagsasabi nang lalaking yun? at ano daw Master? Sumigaw ako habang naka pameywang
" Lalaking naka Cap! wala akong paki alam sa master mo kung kukunin man niya ako!" sigaw ko dahilan para mapunta sa akin ang tingin nila sa akin, sina Chris,Aimond,Lex,Alder,John at Syd~~
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...