Chapter 30

1.3K 42 0
                                    

* Jeni's Pov *

Tsk kainis di ko naman akalain na si Aiden ang tinutukoy niyang kakausapin ko kainis! mabuti nalang umalis nalang ako bago ko pang sakalin ang lalaking yun, wala akong paki kung pati siya dinamay ko sa galit ko sa tatay ko paano kasi ang landi landi ng nanay niya sarap sunugin ng buhay Shete

Andito na ako sa room late na naman ako, dapat pala di nalang ako nag oo na pumunta sa secret tagpuan namin edi ayan late na naman ako hayst, Nakaupo lang ako ngayon at nakikinig sa lesson habang naka salong baba, mga 2 oras ang pagtuturo ng prof hayst paulit ulit nalang ang turo may iba pa naman atang topic eh, kailangan pa bang mag advance study? para lang makapasa sa Test? hayst

--------

Natapos na ang pagtuturo, grabe parang namanhid ang paa at kamay ko

" Phew natapos na din ang pagtuturo" sabi ko habang nag stre-stretch ng braso

" Nga pala Jeni kailangan mong matapos ang irereport mo for the next monday, at ikaw na rin ang magsasalita sa harapan, extra lang ulit kami understood?"sabi nang kaklase kong si Cath

" O sige maasahan niyo ako sa gawain na iyan, pero asan na ang mga i rereport niyo? unfair naman kung ako lang ang gumawa diba?, at bakit ako lang ang magsasalita sa harapan? bakit kinahihiya niyo ba ang sarili niyo?"tanong ko sa kanya sabay dala ng bag ko

" Ahhh eh kasi, alam mong busy kami sa party ng bff ko na alam mo namang famous dito diba? kaya gawan mo na rin kami tutal matalino ka naman at di namin kinahihiya ang kagandahan at kagwapuhan namin kaya namang ikaw ang magsasalita sa harapan dahil alam mo na"tanong niya sa akin na halatang nang aasar at napataas naman ako ng kilay ko

" So ang mean mo na gagawan ko kayo ng irereport niyo? ako ang maghihirap para tumaas ulit ang grades niyo? wow ha, hindi pwedeng kayo pa ayahay feel lang eh samantalang ako naghihirap na!, tsaka kapal naman ng poker face mo" suway ko sa kanya kala mo naman kay ganda eh itsurang mukhang tikbalang tsk retoke pa more

" Tsk babayaran ka naman namin eh, eto 5000 gawan mo nalang kaming lahat" sabi niya sabay abot ang pera

" I'm sorry huh? pero di ako mukhang pera kaya sayo nalang yan" sabi ko ng pataray at agad nang umalis

Tsk ano siya chicks? ubos na pasensya ko, kung gusto nilang tumaas grades nila edi maghirap sila, problema na nila yun kung bakit magkaroon sila ng mababang grades

" Parang nagiging masungit ka na ata" sabi nang babaeng pamilyar sa akin ang boses niya kaya agad naman akong lumingon sa likod at si Fiacre na naman at naka crossed arms pa

" Eh ano ngayon? alam mo namang masungit ako dati pa tsk" sabi ko habang nakaharap sa kanya

" Oo alam kong masungit ka nga talaga, pero ang pinunta ko dito para makita ka ay.......may chismis na may relasyon daw kayo ni Syd, is that true? tsk kung sabagay malandi nga naman inagaw mo na si Carl sa akin-----" di na niya pa natuloy ang mga sasabihin niya dahil bigla nalang ako nagsalita

" It was just a sayings Fiacre you don't have to convince me if i'm telling the truth, at wag mo akong tawaging malandi dahil hindi ko inagaw si Carl sayo dahil kahit kailan hindi naging kayo!" tuloy tuloy kong sigaw sa kanya bahala na kung taglish lapake, at least ngayon tagos na naman puso niya sa sinabi ko

" Magiging kami sana kung di ka lang sumulpot sa buhay ko! nang dahil sayo, di na kami masyadong nag uusap ni Carl dahil ang laman ng puso't isipan niya ay nasa sa iyo!" sigaw na naman ulit niya sa akin na halatang nasasaktan na

" Hindi ako dadating sa buhay mo kung di mo ako pinilit na maging magkaibigan tayo"sabi ko nang seryoso sa kanya

" Tandaan mo! mararanasan mo rin ang naranasan kong inagaw mo sa akin si Carl! dahil simula ngayon magsisimula na ang paghihiganti ko sayo!" sigaw niya sa akin at agad na itong umalis palayo sa akin

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon