* Syd's Pov *
Kanina lang sinagot na niya ako narinig ko na rin sa wakas ang matamis niyang Oo ang Oo na matagal ko nang gustong marinig ang saya saya ko ngayon ang lahat nang pasang natamo ko balewala lang sa akin dahil kapiling ko na ang taong mahal ko
Hinatid ko ngayon si Jeni sa bahay nila, baka kasi kukunin na naman siya nang mga Dark Age members ayaw kong mawala siya sa buhay ko ayaw kong mawala ulit siya sa tabi ko
" Dito na" sabi ni Jeni sa akin, tama siya andito na nga kami pero ayaw kong hiwalayin ang kamay ko sa kanya kaya lumapit sa akin si Jeni
" Hindi naman ako mawawala sayo eh hangga't minamahal mo ako nanatili akong nasa tabi mo" sabi ni Jeni sa akin nang may ngiti kaya ngumiti na din ako tama siya hangga't minamahal ko siya hangga't tumitibok pa ang puso ko sa kanya di siya mawawala sa tabi ko
" Sige mag ingat ka" sabi ko sa kanya sabay halik sa ilong niya halata namang namula siya at napayuko bigla
" S-sige p-papasok na ako, mag ingat ka din" sabi niya habang nakayuko pero di pa ako umalis kasi may nakalimutan siya
" Bakit di ka pa umaalis?" tanong niya sa akin pero ningitian ko lang siya nagtaka naman siya kung bakit ningitian ko lang siya kaya napa tawa nalang ako nang mahina" Huwag na nga, sige matulog ka na baka ma late ka pa bukas" sabi ko sa kanya sabay alis at nag wave sa kanya habang nakatalikod
Naglalakad lang ako ngayon nang bigla nalang may tumawag sa akin
" BOSS!" sigaw ni Chris sa akin kaya ngumiti ako at tumakbo naman siya papunta sa akin kasama ang iba pa
" Bakit ka ba tumakas sa hospital?" tanong ni John sa akin
" Hatid niyo nalang ako sa bahay, naiwanan ko kasi yung sasakya------teka saan na nga ba yung sasakyan ko?" tanong ko sa kanila
" Hinatid na namin sa bahay mo boss" sabi naman ni Aimond
" Okay, kamusta si Alder?" tanong ko sa kanila
" He's fine, nasa bahay na nila siya ngayon" sagot ni Aiden sa akin
" Mabuti naman" sabi ko
" Mas mabuti pang umuwi ka na" sabi ni Lex kaya tumango naman ako at umalis na kami
-----------
Nasa bahay na kami ngayon hinatid ako nila ako dito at nakita ko naman yung sasakyan ko puro gasgas at may nakasulat na " Tha'ts good for you" pero di ko nalang ito pinansin ang mahalaga ligtas ngayon si Jeni
" Sige Boss alis na kami" sabi naman ni Chris na may pa salute pang nalalaman, ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na sila si Lex at John ay naka motorcycle lang at yung iba sasakyan ni Chris
Pumasok na ako sa loob nang bahay at nakita ko naman si Dad gumagawa para sa work niya , lumakad ako papunta sa kanya at magsasalita sana kaso bigla nalang siyang nagsalita
" Dito ka na pala, buti nabuhay ka pa" sabi ni Dad sa akin Sh*t walang kwentang ama
" Hindi ko na itutuloy pa ang pagiging boyfriend na Fiacre" dire-diretso kong sabi sa kanya kaya agad naman siyang napatayo at sinagawan ako
" HINDI MO PWEDENG GAWIN YAN! Kung gagawin mo yan, wala kang pera, ba----" di na niya natuloy pa ang sasabihin niya dahil bigla nalang akong nagsalita
" I don't care, kung gusto mo aalis na ako dito sa bahay na ito" sabi ko nang seryoso at umalis papunta sa kwarto ko
" HUWAG MO AKONG BASTUSIN! BUMALIK KA DITO!" sigaw niya ulit sa akin pero di ko na siya pinansin
-----
Nasa kwarto na ako ngayon naghahanda sa mga gamit na dadalhin ko, sa condo ko ako ngayon titira ,pera ko naman ang ginamit dun kaya wala silang karapatan pang kunin ang condo kong yun dahil pinirmahan ko na walang iba ang pwedeng kunin ang condong iyon kahit gaano man kalaki ang kapalit na pera
Bumaba na ako nang hagdan at nakita ko naman si Ate parang iiyak na siya dahil aalis na ako sa bahay, si Ate lang kasi ang laging nakakaunawa sa akin, siya lang ang kakampi ko sa bahay na ito
" Sigurado ka bang aalis ka talaga dito?" tanong ni Ate sa akin habang lumuluha
" Oo ate, kailangan kong umalis dito, huwag ka nang umiyak" sabi ko sa kanya nang nakangiti
" Mag iingat ka" sabi ni ate sabay yakap sa akin
" Ikaw din ate" sabi ko sa kanya sabay yumakap nang mahigpit at ngumiti
Dali dali na akong lumabas nang bahay, tinawagan ko na si Chris para ihatid ako sa condo ko, mahirap mag comute baka maligaw pa ako
* Jeni's Pov *
GOSH GRABE DI KO MAKAKALIMUTAN ANG SCENE NA YUN! yung sinagot ko siya Grabe totoo ba toh? paki sampal naman ako oh, di ako makapaniwala na ang isang anak mayaman at hearthrob sa school namin ay magiging true boyfriend ko
" Siya na naman ba ang iniisip mo?" tanong ni mama sa akin, alam na ni mama kung anong nangyari dahil sinabi ko sa kanya ang totoo at nakita niya kasi si Syd na humalik sa ilong ko at nagholding hands kaming dalawa wieee di ko talaga makalimutan yun
" Hehehe" tanging sabi ko, mahirap magsalita ngayon puro si Syd lang ang iniisip ko iba na talaga kapag may mahal ka na
" Matulog ka na nga diyan baka ma late ka pa" sabi mi mama sa akin kaya tumango naman ako at ngumiti
" Siguraduhin mo lang na di ka niya sasaktan dahil sa oras na saktan ka niya kamao ko ang unang susuntok sa kanya " sabi ni mama sa akin, overprotective kasi si mama sa akin eh ayaw niya yung tipong may mangyayari sa akin nang masama kahit konting sugat lang alalang alala na
" Sasabihin ko naman po sa inyo eh kung ano ang nangyayari sa akin" sabi ko sa kanya , maliban sa cutting di ko pa nasabi sa kanya hahaha
" Oh sige na matulog ka na diyan maaga ka pa bukas" sabi ni mama sa akin
" Sige po, ikaw din mama matulog ka na" sabi ko sa kanya
" Mamaya na anak, kailangan ko pang linisin ang banyo" sabi naman ni mama
" Ano? ako nalang matulog ka na dun ma" sabi ko naman at agad nang tumayo pero pinigilan ako ni mama" Ako na, isipin mo muna yung aso mo" pang aasar ni mama sa akin
" Mama naman, baka ano pa ang mangyari sayo diyan" sabi ko sa kanya
" Okay lang ako anak, matulog ka na diyan" sabi ni mama sa akin
" Hayst sige po, bukas ako naman ang maglilinis" sabi ko at sabay ko nang tinakpan ang mata ko nakatulog naman agad ako
KINABUKASAN~~~~~
( Sorry nga po pala dahil may ibang chapter po ang inalis ko muna saglit dahil may binago ako konti lang naman dagdag scene lang po, kaya sorry ulit, maraming salamat nga po pala sa pagbabasa sa story ko at sa pag add sa reading list nila ang The Poor Lady Meet The Rich Guy story sana patuloy niyo po akong supportahan lamats talaga guysu!)
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...