Chapter 61

925 28 0
                                    

* Charm's Pov *

Hinihintay ko ngayon si Jeni dito sa may canteen I'm sure naman na al niya kung saan ako laging naka istambay dahil napaka importante ng sasabihin ko sa kanya na dapat niyang malaman ngayon mismo 6:10 na wala parin siya asan na kaya yun??

Wala si Shinah hindi ko siya pinasama dito mangungulit lang ang babaeng iyon

Naka upo lang ako sa upuan habang kumakain ng sopas hindi kasi ako nag agahan eh maaga akong umalis dahil na late ako ng gising akala ko pa naman mauuna sa akin si Jeni eh nagwagi parin naman pala ako tapos ang tagal tagal pang dumating nakaka asar!

Tumitingin tingin ako sa paligid wala parin siya kaya itinuloy ko nalang ang pagkain ng sopas , habang kumakain nagulat nalang ako nang umupo sa harap ko si John

" Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong, nakita ko namang hindi lang pala si John ang andito maging ang iba maliban si Syd at Alder wala dito so it's means si John,Aimond,Chris at Lex ang andito mismo sa harapan ko

" Ano bang sadya niyo!?" sigaw ko

" Huwag ka nga munang sumigaw" sagot ni Chris, aba't sumasagot ang loko nang ganyan! gigil mo ako ah!

" Andito kami para umupo at hindi gumawa ng gulo" sagot naman ni John, ano raw? andito sila para umupo? ang daming bakanteng upuan ah!

" Ang daming bakanteng upuan! doon kayo, nauna ako dito!" sigaw ko naman tinignan naman ako ng masama ni Lex nang tumingin ako sa kanya

" Well kapag naka upo na ang grupo namin dito it should be na dito ang pwesto namin" sabi ni Aimond habang nakangisi nakaka irita!

" Nang iinsulto ba kayo ha!?" sigaw ko at sabay tayo gigil niyo ako!

" Rule should be rule" nakangising sagot ulit ni Aimond

" Anong Rule pinagsasabi niyo?" tanong kong pagtataka

" Look at the wall" sabi naman ni John tumingin ako sa pader may nakita akong nakalagay na " Vander's and his friend's property"

" So? wala akong paki kaya pwede umalis na kayo?" gigil kong sabi

" Aalis ka ba o aalis? maya maya andito na si Boss may pag uusapan pa kami!" sigaw ni Chris sa akin

" Sabing ako nga ang nauna eh Hindi ba ka----" naputol nalang ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Jeni

" Charm tara na, huwag ka nang makipag away pa" seryosong sabi ni Jeni

" P-pero kasi---" naputol ulit ang sasabihin ko

" Tara na kasi! sino ba kasi yang mga kausap mo?" pagkukunwaring tanong ni Jeni sabay naman itong pag sulpot sa harapan namin si Syd at alam kong narinig niya ang sinabi ni Jeni

Nagsisitigan naman silang dalawa ni Syd ng 30 seconds at agad nang umiwas ng tingin si Jeni

" Tara na kasi, nakikipag daldalan ka pa sa mga yan" sabi ni Jeni sabay hila sa akin

" T-teka yung bag ko at yung sopas di pa ubos!" sigaw ko naman lumingon ako sa likuran ko at inihagis iyon ni Lex ang bag ko at buti nasalo ko pa, yung sopas tuluyan ko nang iniwan huhu

" Bibili nalang tayo ulit!" sabi ni Jeni habang hila hila ako , hayst

" Bakit ililibre mo ba ako??" irita kong tanong sa kanya at napa irap naman siya sa tanong ko

---------

Andito kami sa kabilang side ng canteen nasa kabila naman sina Syd pero may tatlong table pa ang agwat sa amin medyo ma rami rami narin ang mga estudyante syempre hanggang ngayon malutong parin ang tsismisan grabe kailan kaya mapapanis ang tsismas na yan tsk

" Bakit ba hinila mo ako agad? hinayaan mong agawin nina Aimond yung pwesto natin! gigil!!" gigil kong sigaw kay Jeni habang siya kumakain ng cup noodles

Si Aimond yung ni mention kong name kainis eh! parang naghahamon kanina nakakainis! ngayon nakita ko na kung ano ang kulay ng mga gangsters na yun!! parehas lang sila sa mga fictional character sa wattpad na mga gangsters! napaka----argghhh gigil nila ako!

" Kesa naman na makausap ko ulit sila, ayaw ko nang makita ang pagmumukha nila lalong lalo na si Syd" matapang na sabi ni Jeni pero nang binanggit niya  ang pangalan ni Syd hindi maiwasan na bigla nalang siyang naging malungkot

" Sorry" paghingi ko ng tawad sa kanya pero ningitian lang niya ako na sign na okay lang yun

" Ano nga pala ang importante mong sasabihin?" tanong niya sa akin at sabay subo ng kinakain niyang noodles

" Ahh oo nga pala, heto panoorin mo muna" sabi ko sabay kong ini abot ang phone ko at pinakita ang video sa kanya

Namilog bigla ang mata niya dahil sa gulat , nagulat siya sa nakita niya sa video saka nagtanong agad sa akin

" Saan mo nakuha ito??" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin

" Binigay sa akin ang video na iyan, nang pumunta kasi ako ulit sa bahay na kung saan ka nakatira dati may nag abot sa akin ng video na iyan, hindi ko na i mention ang name niya pero parang kapitbahay mo ata siya nasa mga 16 yung age niya" paliwanag ko sa kanya

" H-hindi totoo ito imposibleng gawin niya iyon" gulat na gulat na sabi ni Jeni

Pinakita ko sa kanya ang video na kung saan naipapakita kung paano pinatay ang mama ni Jeni nakita niya si Fiacre at nakangiti habang pinapanood ang tatlong lalaki na nakatakip ang mukha pero ang mas nakakagulat ay nang malaman niya kung sino talaga ang totoong pumatay sa mama niya....

" Hindi ko maipaliwanag kung totoo ang pangyayaring iyan o in edit lang" sabi ko naman sa kanya

" H-hindi niya magagawa itoh" sabi ni Jeni habang umiiyak at tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay

Lumapit ako sa kinauupuan niya at saka hinamas himas ko ang likod niya para pa kalmahin siya

" Shhh huwag ka nang umiyak okay? malalaman din natin ang katotohanan kung may tiyempo tayong makausap siya" pagpapakalma ko sa kanya

" P-pero paano!? hindi ko alam kung tatanggapin ko pa ba ang ipapaliwanag niya! kitang kita sa video na iyan na siya talaga ang dahilan!!" sigaw ni Jeni habang umiiyak agad naman akong nagulat nang biglang lumapit sina Syd dito sa amin

" Anong nangyare??" tanong ni Chris

Umiling nalang ako at saka nagsalita

" Wala" palusot kong sagot bingyan naman ako nang matalim na titig ni Syd

" Tell me" cold na sabi ni Syd sa akin na para bang nang uutos kaya natakot nalang ako bigla

Ano bang paki niya kung hindi ko sasabihin? hindi ba't wala nang sila? kapal ng mukha niya na hiwalayin at saktan si Jeni tapos nang makita niyang umiiyak si Jeni parang boss kung maka utos sa akin kung anong nangyare kay Jeni so pakapalan nalang pala ng mukha dito eh noh?

My Childhood Friend (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon