* Jeni's pov *
Kainis si Syd nag uusap pa kami ni Carl ang Boybestfriend namin ni ahmmm hayssttt bumabalik na naman si pastHinila ako ni Syd papunta sa kotse niya di ko rin naman mapigilan na hilain niya ako dahil ang lakas niya di ko siya mapantayan dapat pala pinagpatuloy ko nalang ang pagtratraining sa taekwondo tsk tsk
Nakaupo lang ako ngayon sa tabi niya wala akong magawa eh dito niya ako hinila, nakaupo at walang imik
" Bakit hindi ka nagsasalita diyan? mga ilang minuto ka nang walang imik" sabi ni Syd
Di ko na siya pinansin, nananatili parin akong nakatingin sa bintana, at tsaka sa tuwing tumitingin ako sa kanya nasasaktan lang ako
"Jeni? naririnig mo ba ako?" tanong ulit ni Syd sa akin
Kahit kailan ang hilig pa rin niyang magtanong tsk
" Jeni!" sigaw niya sa akin
" Ihinto mo ang sasakyan dito!" sigaw ko rin sa kanya
Anong kala niya siya lang ang pwedeng sumigaw? tsk
"Hindi pwede kailangan kitang ihatid sa bahay niyo" sabi niya sa akin habang nagmamaneho
" Ang sabi ko ihinto mo ang sasakyan ngayon din!" sigaw ko na naman ulit
" Hindi pwede kailangan ko pa bang iulit sayo?" sabi niya habang naka focus siya sa pagmamaneho
Ayaw mong ihinto ang kotse mo ha? tsk, binuksan ko ang bintana at dito ako dadaan para maka alis sa kotse niya at nilagay ko na ang ulo ko at katawan sa labas para sign na tatalon ako sa bintana
"T-teka anong ginagawa mo? madidisgrasya ka sa lagay na yan!" sigaw niya sa akin
"Eh ayaw mong ihinto ang sasakyan edi tatalon ako sa bintana total kasya naman ako dito sa bintana eh" sagot ko sa kanya
" Umupo ka ulit sa upuan, oo na ihihinto ko na agad ang sasakyan!" sabi niya ay hininto naman niya agad ang sasakyan, nahinto ang sasakyan sa walang masyadong tao
" Tsk" sabi ko at agad nang bumaba sa sasakyan ni Syd
Bumaba na rin si Syd at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko
"Bitawan mo nga ako Syd!" sigaw ko sa kanya
" Saan ka na naman ba pupunta? aalis ka na naman palayo? ha!" sigaw niya sa akin
"Oo para matakasan ang sakit na nararamdaman ko!!" sigaw ko ng malakas sa kanya
" Masaktan? Hindi ka naman sinasaktan ng mga tao sa paligid mo-----" napatigil na lamang siya sa sinabi niya nang bigla akong nagsalita
"Hindi sinasaktan? anong sa tingin mo kung bakit ako umiiyak ha!! bakit sa tingin mo nagbibiro lang ako!!? pwede ba Syd tigilan mo na ako gusto ko munang mapagisa at lumayo plss lang" sabi ko sa kanya
" At saan ka na naman pupunta? panigurado na mag aalala na naman sayo ang mama mo!" sigaw niya
Inalis ko ang pagkahawak niya at umalis nalang ako palayo at di na ako nakinig pa sa mga sinasabi niya
"Huwag mo na akong sundan Syd, gaya ng sabi ko gusto kong lumayo at mapag isa" sabi ko sa kanya at tuluyan na nga akong nakalayo sa kanya
Habang naglalakad bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan, bakit ba palagi nalang ganito kapag may problema ang isang tao lagi nalang umeepal si ulan haysstt, nilalamig na ako wala akong masilungan, teka patay yung cp ko baka nabasa na, agad kong tinignan ang cp ko at nabasa nga nasira na ang cp ko paano na yan???
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...