* Jeni's pov *Hanggang ngayon di ko pa rin makakalimutan ang nangyare kanina palagi pa ring nakatatak sa isip ang nang yare
" Haaaaaaaaaaaaa nakakainis naman toh oh bat ko pa kasi kailangang magkukunwari na boyfriend ko ang mokong na yun nakakainis, nakakagigil" sigaw ko habang sinusuntok ang unan na nasa paa ko
" Anak, ayos ka lang ba diyan??, may problema ka ba??, sabihin mo lang sakin" sabi ni mama sabay bukas ng kurtina nasa labs kasi si mama
" Ma ayos lang ako, wag niyo na po akong aalahanin pa okay?, matulog na po kayo gabi na" sabi ko kay mama at saka ngumiti
" Sigurado ka ba diyan anak?, pinag aalala mo naman kasi ako" tanong na naman ni mama
" Mama naman para naman akong bata na kailangan pa ng tulong mo, Ma malaki na ako kaya ko na ang mga problema ko at matulog na po tayo" sabi ko kay mama sabay yakap kay mama
" Paano kita ituturing na bata, eh ikaw lang naman ang nag iisa kong anak, kaya kung ano man ang problema mo sabihin mo lang sakin, Mama mo ako tutulungan kita sa anumang problema ang iyong naranasan okay ba tayo diyan anak?" sabay sabi nang may mahigpit na yakap
Ang haba na naman ng sabi ni mama pero nagpapasalamat ako dahil siya ang naging ina ko sana nga magtagal si mama dahil panigurado kung mawala man siya. Mamimiss ko talaga siya
" Okay po ma, matulog na po tayo, kasi parang di ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo ma" sabi ko na parang naghahanap ng hangin paano ba naman kasi sinasakal na ak ni mama
" Oopsss sorry anak, sigi matutulog na tayo, may pasok ka pa bukas" sabi ni mama
Natawa nalang kami ni mama at sabay nang humiga sa kama
" Good night ma I love You" sabi ko kay mama
" Good night and sweet dreams sayo anak, I love you too, sige na matulog ka na" sagot niya
" Opo" sabi ko sabay takip na ng mata
* Morning *
" Bye ma, ingat ka po sa bahay" sabi ko kay mama sabay yakap at halik sa pisnge at tumakbo na palayo
Nakita ko naman si mama na kumaway sa akin at sumigaw ng " Mag-ingat ka din anak, good luck sa studies mo I love you mwuah"
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni mama, kahit kami lang sa bahay masaya kami basta't magkakasama kami
Nasa loob na ako ng paaralan ngayon ano pa nga ba ang mangyayare sa akin dito? malamang pinagtitinginan ng mga tao
Hangga't nagpapanggap ako na bilang girlfriend ng mokong na yun ganito ba talaga dapat ang susulpot sa akin tuwing umaga? Sus ko po Inday
Hinahanap ko na ang dalawa at habang nag hahanap sa dalawa na yun nag tilian na naman ang mga babae Pashneang yan ano na naman ba ang nangyayare sa school na toh?
Sumilip ako kung sino yung pinagtitilian may mga lalaki palang transferee din dito sa school na ito? aba aba Tong school na toh full of Hearthrob na mga lalaki means masisira talaga yung Eardrums mo kakatili ng mga malalanding mga babae
" Teka, yung lalaki, siya yung nabunggo ko o siya ang nambunggo ewan basta siya yung nakita ko sa Basketball court na familliar sakin ang itsura" bulong ko sa sarili ko
Habang tinititigan yung mga lalaki may umakbay nalang agad sa akin at tumingin ako
" Heyyyowww Besssy" sabi ni Shinah nang may ngiti abot tenga pa
Aba blooming ata ngaun si Shinah ah
" Hey Jeni, ang aga mo ata ngaun" sabi ni Charm nang may ngiti din at inakabayan din ako
Pati din tong isa na ito blooming ano kaya ang nangyare sa dalawang toh??
" Anong nangyare sa inyo? ang ganda ata nang araw niyo ngaun" tanong ko sa dalawa
" Ahhh wala lang, masaya lang ako ngaun ewan ko kay Charm kung bakit masaya yan" sabi ni Shinah
" Basta may ipapakilala ako sayo Jeni" sabi ni Charm
" At sino naman ang ipapakilala mo sakin?" tanong ko na may pagtataka
" Mamaya , Just Wait" sagot niya
" Blooming ka kasi may ipapakilala ka sakin? eh bakit si Shinah di mo ipapakilala sa kanya?" tanong ko ulit
" Alam na niya eh, nahuli ako at narinig niya yung mga sinasabi ko , alam mo naman siguro kung ano ugali ni Shinah diba?" sabi niya sa akin oo nga pala may pagka chismosa pala tong Si Shinah at stalker din!
" Ahhh okay" tipid kong sabi
" Tara na punta na tayo sa kanya kanya nating room" sabi ni Charm
" Correction po Walang Tayo" dagdag ni Shinah
" Pwede Shinah tumigil ka na diyan!" sigaw ni Charm sabay batok ayan na naman sila
Ako naman umalis nalang sa harapan nila habang sila nag aaway parang kailan lang ang blooming nila ngaun tignan niyo naman awayan na hayst ang weird ng mga kaibigan
----
Nasa room na ako ewan ko lang sa dalawang yun kung naka punta na ba yun sa mga room nila
Wala pa ata ang mokong, ayos ah namiss ko yung pagkakaloko niyang ugali
Nagdidiscuss ang teacher pero di ako makakapag concentrate sa pakikinig laging si Syd yung nasa isip ko
Matatapos nalang yung 1st subject ko wala pa din siya ano kaya ang nangyare dun?? Naman bakit ka ba nag aalala doon?
----
Kanina pa ako naprapraning dito kung nasan siya nakakainis saan na ba yun?
Oo na hinahanap-hanap ko na siya pero wag niyong bigyan ng malisya na mahal ko na yun eww alam niyo namang isa ako sa Bitterteens pero bakit ko nga bang hinahanap ang lalaking iyon?
Habang nag lalakad ako papunta sa next subject ko yung mga lalaking nakita ko kanina nakita ko nalang bigla sa harapan ko
Ano kaya yung kailangan nila sa akin, mga mukhang siga eh, mga mayayabang parang? Kung ano man yung kailangan nila sa akin siguraduhin lang nila na walang mangyayare sa akin
" You're Jeni Mace Reyes am I right?" tanong nang lalaking may suot na head phone
"Oo ako nga bakit ano kailangan niyo ha!?" Sigaw ko nang pa taray habang naka pamewang
" Ang sama naman ng ugali ni ate , nagtatanong lang naman" sabi naman nung isang lalaking matangkad
" Ano ba kailangan niyo sa akin? ha?" sabi ko nang pasigaw
" Woah easy lang" sabi nang isang lalaki sabay akbay sakin
" MANYAK " sabi ko sabay siko at sipa nang lalaking nang akbay sakin
" Aray! Umakbay lang manyak agad!?" sigaw niya
" Woah dude natalo ka nang isang babae hahaha" sabi nang isa nilang kasama
" Pwede ba, sabihin niyo nalang sa kanya kung anong sadya natin at kung anong sasabihin natin, huwag niyo siyang bastusin lalo ka na Chris! Chickboy tlaga kayo ni Aimond" sigaw nang poging lalaki
Ahhh Chris pala yang manyakis na yan
"Bakit pati ako nadamay? Nananahimik ako eh" sabi ng lalaki na Aimond daw ang pangalan
Umalis nalang ako sa harapan nila kesa naman sa paguusapan na naman ako dito dahil sa kanila
" Gusto mo malaman kung nasaan si Syd diba? kung ayaw mo sige umalis ka nalang" sigaw nang isa pang lalaking kasama nila
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalang SYD ano naman kaya yung nang yare sa lalaking yun?? kinakabahan tuloy ako
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend (Editing)
Teen FictionOld Title: The Poor Lady Meet The Rich Guy Highest Ranking Achieved: #90 in teenfiction 😍💕 ( 05-22-2018) Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalaki mula pa noong mga bata pa sila ngunit bigla nalang niyang malaman na hindi na siya...