Chapter 28: year after

83 2 0
                                    

Say Pov

isang taon na ang nakakalipas mula noong naging kami ni Kent. yah kami parin ni Kent. tumatagal na kami. isang taon na kami ni kent. at isang taon na rin ang nakakalipas mula nung naghiwalay kami ni Vincent. malaki ang pinagbago niya mula noong pangyayari sa rooftop. hindi na siya masyado nagsasalita. laging wala sa sarili. may mga napapabalitang nagiging girlfriend niya pero hindi rin natagal. ano na kayang nangyayari sa kaniya? pero aaminin ko, hindi parin nawawala ang pagtingin ko sa kaniya pero hindi na ito tulad nung dati. si kent? oo natututunan ko na siyang mahalin. efforts, care, love lahat yan pinaparamdam niya sa akin. pero bakit hindi ko parin makalimutan si Vincent? kada may nababalitaan akong girlfriend ni Vincent, nagseselos ako inaamin ko pero wala akong karapatan. wala akong karapatan kasi ako na yung bumitaw. 

Say?? 

ay karapatan!! agad kong natakpan yung bibig ko gamit ang dalawang kamay ko. hays! nagdedaydream ako ng about sa amin ni Vincent e kasama ko nga pala si Kent. haynako Say! 

anong karapatan?? ano bang iniisip mo?? nagtatakang tanong niya.

ay wala yun ano ka ba. iniisip ko lang na kung may karapatan kaya ako magalit sa mama ko kung hindi niya ako napagbigyan sa gusto ko. pagsisinungaling ko... Say ang tanga mo talaga! baaaad ka baaad !

ano ka ba naman say. hindi ka dapat magalit sa mama mo. mama mo siya. marami na siyang sacrifices para sayo. hays buti nalang naniwala siya. nandito nga pala kami sa isang mall sa bacoor. ang layo no... kasi hindi naman kami legal diba?? ang alam ng family ko single ako. hahahahhaha ... ang tanging nakakaalam lang ay ang mga classmates ko pati na rin siguro si Vincent pero halatang wala siyang pakelam kasi kada pag-uusapan namin sa classroom yun, wala lang sa kaniya. wala siyang pakialam.

ah ganun ba. ano nga palang gagawin natin dito?? 

wala naman. maglalakad lakad. magrerelax. ang dami kasi namin gig e. kaya gusto ko naman magpahinga.

ah ganun ba... sige tara. pero sa totoo lang wala akong sa mood kasi ang dami kong iniisip at isa na sa iniisip ko ay si vincent. hindi ko alam kung bakit walang araw na hindi napasok sa isip ko si Vincent at sa tuwing iniisip ko siya, nawawala ako sa mood.. parang ang dami kong sinayang at panghihinayang.

Vincent POV

isang taon na ang nakakalipas pero siya padin. si Say padin. siya parin ang mahal ko. maraming mga babaeng dumaan pero hindi ko makita sa kanila yung hinahanap ko. siguro nga kay say lang makikita lahat yun. matapos yung nangyari sa rooftop, naging miserable na ang buhay ko.

>flashback<

meron na!! at hindi na kita mahal Vincent kaya tigilan mo na lahat ng kagaguhan na ito !!!! agad na pumatak ang mga luha ko nang marinig ko kay Say ang huling salita niya sa akin. bakit??? bakit ka agad sumuko Say. hindi ko kayang mawala ka. hindi ko na alam ang gagawin ko. habang tumatakbo siya pababa, unti-unting nawala ang pag-asa kong babalik pa siya. inaabangan kong muli siyang aakyat pero hindi e. bigo!

pag-uwing pag-uwi ko, naglaro agad ako ng basketball. nakawawa sa akin lahat ng mga nakalaro ko dahil nananakit ako. anong magagawa ko kung kailangan ko to. kailangan kong makalimot pero hindi ko alam kung paano. hindi ko matanggap na wala na siya sa akin. 

tol easy lang. may problema ba? tanong ni kuya. isa rin pala siya sa mga kalaro ko. napansin niya sigurong gigil ako sa laro ko...

wala to kuya. sorry. game! laro ulit. wag niyo nalang akong pansinin. pagpapaliwanag ko sa kaniya..

sige tol. mag-uusap tayo mamaya sa bahay. 

First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon