Chapter 38: Win You Back: Plan A.1

57 1 0
                                    

Vincent POV:

Pagkagaling sa bar na kinaroroonan namin ni Say, dumiretso kami sa isang park dito. tahimik na yung place kasi wala na masyadong tao at gabing gabi na. habang tumatakbo kami papalayo, hindi ko na pinansin yung reaction ni Say. pero ngayong nakaupo na kami sa swing, nakayuko lang siya.

"Say. ok ka lang ba?" pagkasabi ko nyan, pansin kong nakayuko parin siya. ano ba meron?? bakit ayaw niya magsalita. tumayo naman ako at lumapit sa swing na kinauupuan niya. I bent my knees para mejo magkatapat yung mga muka namin.

"Say? please look at me. sorry... sorry ... sorry kung may nagawa ako.." but still wala paraing reply mula sa kaniya. hays.... kaya ang ginawa ko hinawakan ko yung baba niya at pinipilit kong iharap yung muka niya sakin, kahit nagpupumiglas sya, naiharap ko naman siya sakin pero ....... shet !! bakit siya naiyak???

"Say? sorry na. please wag ka na umiyak ... pleaaase... ayaw ko ng ganyan ka. nabigla ba kita?? gusto mo isoli muna kita dun? baka kasi nabobother ka sa ginawa ko sa bar. sorry please.." matapang ako sa lahat but her, she's my weakness. especially when she's crying na para bang nangangatog yung buong katawan ko kapag nakikita ko siyang naiyak. god knows how much i love her. how much i need her. how much i care for her. mga ilang minuto parin kaming nasa ganitong posisyon. yumuko siya at ako nasa harap padin siya. still hoping na kakausapin niya ko. then suddenly .... she wiped her tears then .... i didn't expect that she would do this .....

"Vincent. sorry kasalanan ko to e. hindi ka dapat nasaktan. hindi ka dapat nasuntok ni Kent. Sorry Vincent. Ang sakit lang kasi na feeling ko dahil sakin kaya ka nasaktan.. sorry Vincent" she hugged me. hindi ko ineexpect na yayakapin niya ako. bakit siya nagsosorry? diba ako naman dapat? parang ako kasi yung dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo. ay mali si Tanda pala. hindi ako makagalawa kaya niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit.

"Say wala kang kasalanan. please dont be so paranoid. I love you.... And I will always love you. wala kang dapat ihingi ng tawad." ramdam ko yung bawat hikbi niya. she's still crying. niyakap ko nalang siya ulit ng mas mahigpit then maya maya siya narin ang kumawala mula sa bisig ko.... i looked at her face. namumula yung mga mata niya... bilugan pa naman ang mga mata nito kaya muka siyang garfield pagnaiyak. hahahahaha

"Cent kailangan ko na bumalik. baka hinahanap na ako ni kuya e.." gusto ko sana siyang pigilan kaso tama siya na kailangan na niyang bumalik dahil alam kong marami pa siyang dapat iexplain. gusto ko sumama pero sa tingin ko, mas makakapag-usap sila ng kalmado kapag wala ako.

"sige. ihahatid na kita. basta kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. kung kailangan mo ng iiyakan, handa akong ioffer mga panyo ko at kung wala man akong panyo, ito nalang o." sabay yakap sa kaniya "handa kong ioffer sayo yong katawan ko."

"Vincent naman e! mga sinasabi mo naman." hahahha napatawa ko naman siya dun pero ang sakit ng pagkakapalo niya. "hindi pa kasi ako tapos magsalita. handa akong ioffer sayong katawan ko para iyakan mo. meaning pwedeng pwede kang sumubsob sa dibdib ko para umiyak. ikaw ahhh. mga iniisip mo."

"Vincent naman! mang-asar ka pa!" sinasabi niya yang habang natawa at yumakap ulit sakin.

"tara na sweety. ihahatid na kita sa kuya mo. lagot ka. hahahahhaha" hindi na siya sumagot pero alam kong hindi naman niya sineryoso. hinatid ko na siya sa loob ng bar. hinarap ko talaga yung kuya niya at si Kent. May napansin akong dalawang pasa sa muka ni tanda. alam kong isa mula sa akin pero yung isa hindi na ako ang may gawa nun.

"Say lumapit ka na dito. marami tayong dapat pag-usapan. uuwi na tayo." bigla nalang hinatak sakin si Say. ayaw ko siyang bitawan kasi napansin kong naiiyak nanaman siya. alam kong natatakot siya. wala naman akong nagawa kaya habang naglalakad sila palayo, nakatingin lang ako sa kanila.

matapos ang gulo sa bar, dumiretso na ako pauwi. hindi ako mapakali. inaantay ko parin ang text ni Say. gusto ko siyang ipaglaban. gusto ko siyang agawin kay tanda. ay mali pala. gusto ko siyang BAWIIN mula kay tanda. habanga naghihintay ako ng mga texts ni Say, nagmunimuni muna ko. biglang pumasok sa isip ko ang mga kagaguhan ko noong mga araw na nasakin pa si Say. yung mga pagpapanggap ko at pagsakit ko sa damdamin niya. kahit na maraming sakit na ang naidulot ko sa kaniya, patuloy parin niya akong minahal at lalo kong naisip na sobrang suwerte ko kay Say pero pinakawalan ko lang. habang nagmumunimuni, narinig kong may nagtext sakin. nang makita ko kung sino ang nagtext, nabuhayan ako ng dugo.

From: Sweety Say <3

Cent. sorry talaga kanina. ok lang ako kaya wag ka nang mag-alala.

tinawagan ko na siya kasi nakakatamad kung text pa. matapos ng ilang ring sinagot din niya.

hello Cent? halatang bagong iyak siya.

hey sweety. are you alright?

yes i'm fine don't worry. nagkausap na kami ni kuya. alam na niya yung kay Kent.

ano sabi niya? pinagalitan ka ba? pinaghihiwalay na niya ba kayo? tanong ko na parang sabik na sabik na sabihin niyang oo pinaghihiwalay na kami. yun lang naman yung inaantay ni Say e. yung makahanap ng butas kay Kent kasi nahihiya siya. ayaw niyang masaktan si Kent kapag hiniwalayan niya ng walang dahilan.

hindi naman. pero ang sabi niya mag-ingat daw ako kay Kent. kilalanin ko muna daw mabuti. nadisappoint naman ako dun. hays. kelan kaya magiging akin si Say?? hays. ito nanaman yung mga kagaguhan ko noong nakaraan. napasok nanaman sila sa isip ko.

Cent nanjan ka pa ba?

ah oo naman Say. naisip ko lang. hanggang kelan kaya tayo magiging ganito. Say. mahal na mahal kita at labis ko nang pinagsisisihan yung mga nagawa ko sayo noon. gusto ko nang maging akin ka ulit Linsay. namimiss na kita. nagulat nalang ako nang biglang may tumulong luha sa mga mata ko.

Cent *sob* sorry. wala man lang akong *sob* magawa para maging *sob* masaya tayo., hala naiyak nanaman siya! damn ka naman Cent e.

Say please stop crying. sige ka pupuntahan kita jan at kakausapin ko kuya mo kapag hindi ka pa tumahan.

Cent naman e. lalo lang magkakagulo kapag ginawa mo yun.

basta tumigil ka na sa pag-iyak a. matulog ka na. you have to rest. goodnight sweety.

Goodnight Kent.

I love you Say.

I lo-- I love you Cent. para pa siyang nahihiya sabihin . pabulong pa niyang sinabi yung I love you too. binaba na niya yung phone. bago ako makatulog. nakaisip na ako ng paraan para matulungan yung problema namin ni Say. diba butas lang naman hinahanap niya?? edi ako gagawa.

PLAN A: PAIMBESTIGAHAN SI TANDA

First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon