Say POV
alam niyo ba yung feeling ng nakamove on ka na tapos bumalik siya tapos nagtiwala ka at nasaktan ka ulit? yung tipong hindi mo na kayang magtiwala ulit. niloko niya ko. pinaglaruan niya ko. bakit kaibigan ko pa? bakit kaibigan ko pa yung piniling niyang isunod sa akin? gulong gulo na ko kay vincent! pero sabi nga nila, once you loved a person, you'll never forget the word forgive and another chance. yun ! yung yung binigay ko. PAGPAPATAWAD at PAGKAKATAON pero ano nangyari? nasaktan nanaman ako.
pero .... tama bang manggamit ako ng ibang tao para lang makapaghiganti at makalimot. si KENT. oo si KENT. kami na nga pala. as in he's my official boyfriend. mahal ko ba siya? oo... mahal ko siya. pero bilang kaibigan lang. kasi kahit anong gawin ko, si Vincent parin e. yung tao pang nangloko sakin. bakit ganon? kung sino pa yung laging nanjan, siya pa yung hindi ko matututunang mahalin. bakit si Vincent pa!! damn this life !
habang naghihintay ako dito sa hall ng school namin, may nakita akong babaeng naiyak. hhmmmm ... parang si ano to a... teka!!! si maria yun a!! bakit naman siya naiyak?? tsssk ... bago pa man ako makalapit sa kaniya para tingnan, bigla siyang napatingin sa akin at tumakbo papalapit.
Say !! tawag niya sabay yakap. ang sakit ng iyak niya, bakit kaya? dahil ba kay Vincent to? ano namang ginawa niya?!
tekA. bakit ka naiyak? anong problema?? tanong ko naman. basang basa na yung uniform ko dahil siguro sa mga luha niya,
Si.... *sniff* vi....*sniff*vincent. *sniff* hindi ..... hi...hindi niya ako *sniff* ... ma..mahal. HUWAAAAT !! anong si VIncent??!!! anong sabi niya???!!! hindi siya mahal si Maria? ano bang ginagawa ni Vincent?! bakit ganoon siya? yung ba ang past time niya?!! maglaro ng babae??!
ano Maria?!?!! ano sabi mo?? pero paano?? bakiit?
maa..hal-
jan ka lang Maria ha. waiit lang .. may kakausapin lang ako., hindi ko na siya pinatapos dahil kailangan kong makausap si Vincent, nanggigigil ako. nagagalit ako. nakulo yung dugo ko. bakit ganun??!! nagparaya na ako. hindi na ako lumaban.. hinayaan ko nalang si Vincent kay Maria pero bakit ganito ang nangyari??! naiiyak ako .... naiiyak ako hindi dahil sa sakit. naiiyak ako dahil sa galit! GALIT KAY VINCENT!
hindi ko mahanap si Vincent. nasaan na ba yun??!! hays... wag na wag niyang tataguan yung ginawa niya kay MAria! wrong move siya kasi dahil sa ginawa niya ako ang makakalaban niya.... nag-isip ako mabuti kung saan siya puwedeng tumambay o magtago .....
>TING!< light bulb!
alam ko na ! akyaaaaat .... akyaaaat .... akyaaaat..... patuloy lang ako sa pag-akyat hanggang sa marating ko yung rooftop ng school namin. at hindi naman ako nagkamali. nakita ko siya na nakaupo sa lapag habang nakapikit at nagssoundtrip., tindi din ng muka nito e. may dala siyang phone e bawal nga phone sa school na to.
say? napatayo siya agad nang makita ako! hindi ako makagalaw. this man ... this man in front of me. yung lalaking nakasakit sa akin ng sobra, yet, mahal na mahal ko pa rin... unti-unti nang namumuo ang tubig sa mga mata ko na anytime pwede nalang itong bumagsak.
say? ulit na tawag niya. oh God! why?? bakit nangyari pa samin to? hindi ba pwedeng bumalik nalang yung dating kami?! pero hindi hindi na pwede! nasaktan na ako ng sobra! sobrang sobra ! hindi na pwede bumalik ang lahat.
>PAAAAAK<
nagulat nalang ako sa ginawa ko. nasampal ko siya?? hala oo nga nasampal ko siya. dahil sa nagawa ko, nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. hindi ko alam pero parang gusto ko siyang yakapin ngayon. hindi padin siya makarecover sa pagsampal ko sa kaniya at nakayuko padin siya. Emotionless.
sorry. sambit ko sa kaniya
I deserve it. ako yung dapat magsorry. patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko.
bakit vincent??? bakit mo nagawa yun?? bakit kami pa ng kaibigan ko? hindi ko na talaga mapigilan lahat ng sama ng loob ko. pagkakataon ko na siguro to para marinig sa kaniya yung paliwanag niya.
sorry say. pleaase .. forgive me... hindi ko sinasadja.
hindi sinasadja? ano dun ? yung akala kong ok na tayo pero yun naman pala may iba ka na. hindi mo sinasadjang pinagmuka mo nanaman akong tanga? whole vacation? dalawa kami??? dalawa kaming nilalambing mo?? dalawa kaming sinasabihan mong mahal mo?? bakit?? hindi ka makuntento sa isa??? dapat sinabi mo!! para hindi na ako nagpakatanga sayo. iyak parin ako ng iyak pero diretso kong nasabi lahat yan. nahingi lang siya ng tawad? hindi siya nag-eexplain? e para saan pa tong pag-uusap na to kung walang explanation na magaganap?
Say listen. mahal kita. please makinig ka sa akin. mahal kita. mahal na mahal. wala na kami ni Maria. please bumalik ka na sakin.
>paaaaak<
isa pa ulit na sampal ang kumawala mula sa kanang kamay ko. pagtapos niya kay Maria, ako naman? ako naman ULIT? ano to? ga*uhan? para saan pa??? para lokohin nanaman ako!!
para saan pa Vincent?!?!!?!? ano bang akala mo sa akin??? rebound? option? alternative?? pagwala ka nang babae, ako naman? oo gwapo ka! inaamin ko naman yun e!! pero hindi yun yung minahal ko sayo Vincent!! hindi na kita kilala!
Say ako parin to. si Vincent. Sweety please ... listen to me. ikaw lang ang mahal ko. ikaw lang ang minahal ko. ikaw lang ang mamahalin ko... bumalik ka na sa akin pleaaase.... nagmamakaawa ako sayo .... nagulat nalang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. parang sincere siya sa lahat ng ginagawa niya pero hindi dapat ako magpahulog sa patibong niya. alam ko ng sasaktan muli niya ako... ayoko na.. mahirap na, mahirap nang umasa na babalik pa lahat.. besides, kung bibigay ako sa patibong niya, paano na si Kent? lagi siyang nanjan para sa akin. malaki ang utang na loob ko sa kaniya.
Vincent tumayo ka na jan... pleeease. wag mo na ako pahirapan. hindi ko na kaya. pleaaase pakawalan mo nalang ako. enjoyin mo yung sinasabi mong HAPPINESS. please vincent nagmamakaawa ako sayo.. tigilan mo na to. nakita kong nagluluha ang mga mata niya. damn! seryoso ba talaga siya? pero bakit?? lalo akong napaiyak sa nakikita ko...
bakit Say?? may iba na ba??? hindi mo na ba ako mahal?? geeeez! hindi ko na matake. bakit ganito ang mga tanong niya??!??!! Vincent hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal!! kung gano kita gustong yakapin ngayon pero hindi .... hindi na pwede ..... hindi talaga tayo para sa isa't isa.
meron na!! at hindi na kita mahal Vincent kaya tigilan mo na lahat ng kagaguhan na ito !!!! sinubukan kong wag pumiyok sa mga sinabi ko dahil sa iyak na to! halos wala na akong boses na mailabas kakaiyak. pagkatapos ko sabihin yan ay tumakbo naman ako pababa ng rooftop pero bago ako makatakbo ay nakita tong tumulo na ang mga luha ni Vincent. Shit bakit ganito ???!! hirap na hirap na ako....
VINCENT SORRY! SANA MAGING MASAYA KA. ALAM KONG MAY DADATING PANG MAS DESERVE SAYO.
--

BINABASA MO ANG
First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)
Teen FictionMaybe you can relate your life sa story ko kasi para ito sa mga kabataang maaga nagmahal or yung tinatawag nating PUPPY LOVE . I hope you will like it