hi guys :) ahihihihihi .. tatry ko na po icontinue to a .. sorry po talaga sa isang taong paghihintay . :)
masakit. sobrang sakit. akala ko hindi ganun kasakit ang mararamdaman ko kapag nangyari ulit yun, yung malaman kong kay iba ng mahal si Vincent. ano ba talaga kami? trip lang lahat? wala lang sa kaniya lahat kung masaktan man ako o ano man? basta masaya siya kaya ok lang kahit may masaktan na iba? bakit?? bakit? bakit mo ginawa sakin to vincent?
lumipas ang unang araw ng school na sobrang down ko .. hindi ko namalayan ang oras at uwian na pala. wala naman kasing ginawa kundi magpakilala lang sa harap. oo classmate ko ulit si Vincent at wala ako magagawa dun dahil matalino din naman siya. dumiretso agad ako ng uwi kahit inaya pa ko ni muff na gumala. gusto kong mapag-isa. wala pang alam si muff sa mga pinagdaanan ko. kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko. marami na pala itong text. at karamihan galing kay Ken. wala man lang niisang text galing kay Vincent dahil ineexpect ko na mag-eexplain siya pero wala. halatang iniwan na niya ako.
nagbasa na ako ng mga messages.
From: sbal.Ken
hi labs. how's your day?
ok naman. walang bago. pagsisinungaling kong reply sa kaniya pero sa totoo lang sobrang nasasaktan ako. sobrang down na down ko dahil yung taong mahal na mahal kong akala ko mahal ako, may mahal pala siyang iba.
ah ganun ba. ano naman ginagawa mo?
wala. tipid na sagot ko. lumipas ang ilang oras at magkatext padin kami ni Ken. wala kung anu anong topic inoopen niya pero sa totoo lang tamad na tamad ako magtetext kaso kung hindi naman ako magtetext sa kaniya, naiiisip ko si Vincent at umiiyak nanaman. nakakasawa umiyak.
>10pm<
Ken. mahal mo ba talaga ako? biglang tanong ko sa kaniya sa text. hindi ko alam kung bakit ko natanong yan. oo naiyak na ako at hindi ko alam kung kanino ako makakapag-open. hindi ko na din alam kung anong gagawin dahil sobrang bigat ng loob ko.
bakit mo naman natanong yan? nagtatakang tanong niya.
sagutin mo nalang Ken. please mahal mo ba ako?
oo naman say. kahit hindi pa tayo ganoon magkakilala. nakikita ko sa mata mo kung sino ka talaga na alam kong mabuti kang tao at may special sayo na hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nahulog sayo.
Ken. sasaktan mo din ba ako kung sakaling ipagkatiwala ko ang puso ko sayo??
Say syempre hindi. pero bakit may "DIN"? may nanakit ba sayo? sabihin mo sakin! sino yung makapal ang mukang nanakit sayo? galit na tanong niya.
ken. yes. sinasagot na kita.
tama ba tong nagawa ko? tama bang gawin kong rebound si Ken dahil sa bagsak na bagsak na ako? hindi ko alam ang tama sa mali sa ngayon pero ito lang ang tanging naiisip kong paraan para makalimot. ito lang yung tanging paraan para makamove on at ito ang maging girlfriend ni Ken at ibaling ang atensyon ko sa kaniya at mawala na lahat kay Vincent. bakit ganito yung nararamdaman ko? natatakot ako. nasasaktan padin.
Ken POV
ken. yes. sinasagot na kita. nabigla ako sa reply ni Say. oo hindi ko ineexpect kasi halos ilang linggo palang ako nanliligaw sa kaniya. masaya ako. sorang saya pero may side akong takot. may side akong awa sa kaniya. hindi kaya napipilitan lang siya? ay teka. may isa pang problem. si Angelique pa.
(N/A: naaalala niyo pa si Angelique? Chapter 22)
oo kami padin ni Angelique ATA. wala pa kaming official break up pero sa totoo lang gusto ko na siya hiwalayan. mas maganda siya kay Say. mas sexy. pero iba parin si Say. She's so special. bahala na. ang importante mahal ko si Say at yun ang alam ko. hindi ko muna siguro sasabihin sa kaniya yun. aayusin ko muna to.
Ah say? seryoso ka ba? hindi ka ba nagbibiro? baka may problema ka lang? hay nako ken ! bakit mo ba natanong yan?? sinagot ka na nga niya e ! ayaw mo ba nun ha?? nako Ken mag-isip ka naman.
yes i am sure about this Ken. sagot naman niya. hala ! i can't believe it! mahal na ba ako ni Say? ganun nalang kabilis yun?? aba walang hirap naman. pero may mali talaga sa kaniya e.
thank you say! hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. pero puwede ba humingi ng favor? ito lang ang tanging paraan na naisip ko para hindi ko siya masaktan.
Ano yun Ken?
pwede S.O muna tayo? (S.O means secret on) yan lang ang naisip ko para wala munang makaalam ng relasyon naming dalawa. ayoko makasakit. pero tama ba tong nagawa ko? bahala na. selfish kung selfish. pero sana hindi lang dahil sa lungkot kaya nasasabi ni Say to lahat. sana totoo.
sige. ayoko muna din naman ng may makakaalam. hmmmm bakit kaya? siguro nga dahil sa bata pa siya. medyo malayo ang age gap namin. grade 6 siya at 4th yr high school ako. 13 siya pero 16 naman ako. anong masama? at least nagmamahal.
----
ahihihihi alam ko pong medyo bitin ... sorry po talaga. ... natigilan po talaga kasi sa computer e.
BINABASA MO ANG
First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)
Novela JuvenilMaybe you can relate your life sa story ko kasi para ito sa mga kabataang maaga nagmahal or yung tinatawag nating PUPPY LOVE . I hope you will like it